Chapter 42 - A Promise

898 25 13
                                    

Chapter 42 - A Promise

"So nagtanan kayo gan'on?"

Ilang minuto ang nagdaan bago ako kaga't-labing tumango upang kumpirmahin ang haka-haka ni ninang Maggie.

Matapos nang iyakang naganap, inulan naman kami ng samu't-saring tanong ng pamilya ni Gabu. Sunod-sunod at animo'y wala ng bukas kung usisain kami ng mga ito lalo na ni Ninang Maggie at Jenny. Animo'y mga imbestigador ang mga ito at kami ni Gabu ang mga kriminal na inuusig at nakasalang dito mismo sa kanilang hapag-kainan.

Bago pa kami nagdesisyong magtungo rito ay napagplanuhan na namin ni Gabu ang sasabihin sa pamilya nito. Una sa lahat, hindi nila maaring malaman ang totoong pagkatao nito. Masalimuot ang pinagdaanan niya bilang si October at ayaw niya ng dumagdag pa iyon sa isipin ng kinagisnang mga magulang lalo pa't may katandaan na ang mga ito. Pinalabas namin na ng magising ito mula sa muntikang pagkakalunod ay wala na itong maalala. May mga taong kumupkop sa kaniya at makalipas ng labing-anim na taon ay saka lamang nagbalik ang alaala nito. Plinano nitong umuwi agad ngunit lumiko ang planong iyan nang malaman niyang ikakasal na ko.

Ginawan din namin ng kuwento ang pagkawala ko para maging makatotohanan ang kasinungalingang hinabi namin pareho. Pinalabas namin na isang buwan bago ang kasal ko ay nakipagkita sa'kin si Gabu at doon ko lang na-realize na mas mahal ko ito kumpara kay Clyde. Kesyo pinagplanuhan namin ang araw ng pagkawala ko at nakipagtanan ako kay Gabu at matapos nga ang ilang buwan ay ngayon lamang namin naisipang umuwi para magpaliwanag at humungi ng tawad sa kalokohang ginawa namin. Tulala ang mga ito ilang minuto matapos naming isaad iyon hanggang sa ito na nga at inuulan na kami ng follow up questions.

"Nakakaloka. Sana man lang Milky tinapat mo na lang si Clyde. Alam mo ba'ng ang kuwento ni Maddy ay halos mabaliw iyon nang hindi ka sumipot sa kasal niyo at napabalitang na-kidnap ka. May mga araw pa'ng pumupunta iyon sa bahay niyo ng lasing at parang tangang hinahanap ka. Ilang buwan iyong hindi nagpakita sa publiko. May sabi-sabi pa na madi-disband na ang Octagons dahil sa biglaang hindi pagsipot ni Clyde sa mga concerts at lahat ng events ng banda. Kamakailan lang ng muli itong bumalik at pasalamat ka talaga na matapos nitong mag-public apology ay bumalik sa tugatog ang Octagons kun'di nako, habang buhay mong kargo de konsensya ang pagbagsak ng karera ni Clyde at ng buong banda."

Bagsak ang balikat na yumuko na lamang ako. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ni Clyde sa mga nagdaang buwan. Habang ako ay masayang kapiling si Gabu, ito naman ay tila nagluluksa. Hindi ako nagsisisi na pinili kong makasama si Gabu ngunit may kurot sa dibdib ang mga sinabing iyon ni Jenny.

Then I felt a hand intertwining mine on top of my lap. Nilingon ko ang pinanggalingan noon at napatda ako sa nag-aalalang tingin ni Gabu. Bahagya itong ngumiti bago muling ibinalik ang tingin sa kaniyang pamilya.

"Huwag niyo sanang sisihin si Darl, wala siyang kasalanan. Lahat ng ito ay ako mismo ang nagplano. Pinilit ko lang siya na sumama sa'kin. Kung may nakakaalam man kung gaano ko kamahal si Milky, alam kong kayo 'yon. Kayo na itinuring akong pamilya sa loob ng mahabang panahon. Hindi ko itanago iyon sa inyo kahit noon pa. I made a promise the moment I carried her in my arms when she was still an infant that someday, I'll marry her and all of you knew that. Tinawanan niyo pa nga 'ko noon. Sabi niyo masiyado pa 'kong bata para magsalita ng gan'on. I was just seven years old back then kaya pinatunayan ko sa inyo na determinado akong tuparin ang pangako ko. Inalagaan iningatan, at minahal ko si Milky sa loob ng pitong taon hanggang sa nangyari ang aksidente. Nawala man ako ngunit kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko at kagustuhang tuparin ang pangako ko. Kaya nang bumalik ako at nalaman kong may ibang lalaki na sa buhay ng Darl ko, I made a desperate move. I apologized for the damage it caused, pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Ngayong nasa akin na si Milky, para sa'kin tama lang na ipinaglaban ko ang nararamdaman ko."

He squeezed my hand tight. All I could do was watching him while telling those words in front of his family. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon. He never mentioned that on me. Sa ilang buwang magkasama kami, palagi niyang pinararamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal pero hindi sumagi sa isip ko na ganito pala talaga kalalim ang pagmamahal na iyon at ganito na rin katagal.

Bumuntong-hininga ng malalim si Lola Mercy bago ito nagsalita.

"Nagpapasalamat ako sa mahal na panginoon at ibinalik ka niya sa amin JG. Gayundin sa kaalamang ligtas at maayos si Milky. Hindi pa rin ako malapaniwala hanggang ngayon na buhay ka anak." Bahagya nitong inabot ang pisnge ni Gabu at marahang hinimas. "Ang laki-laki mo na anak. Ang laki na rin pinagbago mo. Marunong ka ng mangatwiran at manindagan ngayon. Hindi ko man kilala ng personal ang mga kumupkop sa'yo sa loob ng labing-anim na taon ngunit nagpapasalamat ako na napanatili nila ang mabait at mapagmahal kong si JG." Mangiyak-ngiyak ito habang nagsasalita. "Naiintindihan kita anak. Nanay mo ko kaya ako ang higit na nakakaintindi sa'yo. Sobrang saya ko na kasama ka na naming muli ngayon. Walang pagsidhan ang saya ko, pero anak paano si Milky? May pamilya at mga magulang din siyang nag-aalala naghihintay sa pagbabalik niya."

Lola Mercy's words strike me. Nabanggit na namin kanina ni Gabu na gusto muna naming ilihim ang tungkol dito sa pamilya ko. Desisyon ko ang bagay na iyon dahil natatakot ako sa magiging reaksyon ni Mama, lalong lalo na ni Papa. Sigurado akong malalaman at malalaman nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Gabu at base sa tindi ng alitan ng angkan ko at totoong angkang pinagmulan nito, hindi ko alam kung matatanggap ba nito si Gabu. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng buong Octagon empire at sa lahat ng mga posibilidad na maaring mangyari sa oras na lumantad na kami. Ayoko pa sa ngayong isipin kaya nagpasya kami na  manatili muna rito sa Samar kasama ng mga Tanzanilla. Malayo sa pamilya ko, kay clyde, sa lahat ng mga nakakakilala sa'kin sa maynila at higit sa lahat, sa nagbabadyang gulo.

"Tama ang mama mo anak. Anong plano niyo? Kailan kayo magpapakita kina Maty? Sa ngayon kokonsintihin namin kayo na manatili muna rito pero hindi puwedeng habang-buhay ay magtatago kayo sa galit nina Maty at Zeus. Mag-aalala at mag-aalala iyon sa panganay nila."

Gabu was the one to answer lolo Clemente.

"Gaya ho ng sabi ko kanina papa, wala pa po kaming plano. Pag-iisipan po muna namin ng maigi. Sa ngayon, susulitin muna namin ang pagkakataon na makasama ang isa't-isa at kayo. Gaya ng dati."

Sumusukong tumango na lamang si lolo Clemente. Sinang-ayunan na rin ito ni lola Mercy kaya wala na ring nagawa pa sina ninang Maggie at Jenny. Sa halip ay nag-umpisa na ang mga itong maghanda ng hapunan. Tumulong na rin kami ni Gabu para mapabilis, kahit pa nga inaawat na nila kami para makapagpahinga muna.

Sa mga oras na iyon, hindi ako nakaramdam ng pagod. Natabunan iyon ng saya dahil kahit papaano, naging maganda ang kinalabasan ng pagpunta namin dito. Gaya ng inaasahan, buong puso kaming tinanggap ng pamilya niya. Sana sa panahong haharapin na namin ang pamilya ko ay maging bukas din ang mga puso at isip nila sa katotohanang nagmula sa kalaban naming angkan ang lalaking minamahal ng anak nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PSYCHO HEART: OCTOBER HEARTFEELIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon