Kabanata 1.2

60.8K 1.1K 12
                                    

Kabanata 1.2

Narinig naman niya ang malutong na pagtawa ng kanyang amo. Maging siya ay napatawa na rin.

"Ayos lang po ma'am, pagtitiisan ko na lang po."

"Nako Julie, hayaan mo't magiging mabait din iyan sa iyo. Huwag kang mag-alala. Ipapasok kita sa private hospital ng anak ko as soon as you get your license. Okay!?"

Sa sobrang tuwa ng dalaga ay halos mapatalon siya sa sobrang galak. Hindi niya inakalang ito pa ang gagawa ng paraan para makapagtrabaho siya sa magandang ospital.

"Salamat po talaga ma'am Marinel!" Halos maluha-luha na niyang sambit.

"It's just nothing Julie. You deserved my help. I need to go."

"Sige po ma'am," sang-ayon din naman niya agad. Nang matapos ang tawag ay hindi na niya mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Worth it naman pala ang pagtitiis niya kung sakali mang hindi magiging maganda ang pakikitungo sa kanya ng anak ng kanyang amo. Itinago na niya ang kanyang cell phone at lumakad na. She's skipping steps while heading at the exit of the subdivision.

"Aalis na po kayo ma'am Julie?"

tanong pa ni Mang Noel, ang guwardyang kausap niya kanina nang pumasok siya.

"Ay oo chief, sige po. Bukas po ulit chief."

Sumaludo pa siya sa matanda bago tuluyang lumakad at huminto sa paradahan ng mga taxi. Bigla namang may bumusina ng malakas dahilan para magulat siya ng todo. Mumurahin niya na sana iyong driver ng kotse pero agad na umurong ang kanyang dila. Ang binatang amo ang kanyang nakita habang nakasakay sa magarang Lamborghini Aventador na kotse. Nakababa ang dalawang bintana ng kotse nito at nang magtama ang kanilang mga mata ay bahagya pa siya inismiran nito. Napangiwi si Julie at napairap sa kawalan. Suplado! Pumara na siya ng taxi at agad din naman siyang nakahanap ng masasakyan.

"Manong, sa Villaraza Medical Hospital po," aniya sa tsuper. Tumango lang din naman ang driver ng taxi na kanyang sinakyan. Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan ng dalaga na mapaisip. Kung makukuha niya ang license ng maaga bilang isang certified registered nurse ay paniguradong gaganda ang buhay niya at makapagpapadala na siya ng malaking pera sa probinsya.

NANG makarating si Julie sa ospital ay agad niyang nakasalubong si Jezen, ang kanyang matalik na kaibigan.

"Jezen!" tawag niya at agad na yumakap sa kaibigan.

"Ang tagal mo naman Julie! Kanina pa ako rito e!" Napanguso siya sa kaibigan.

"Inutusan ako e. Bakit ka naparito? Wala ka bang klase ngayon?" tanong ni Julie sa kaibigan. Hindi kasi ito naka-uniform.

"Mamaya pa ang klase ko, exam ngayon ng mga bata. Dinalaw lang kita at saka para naman maibigay ko ito sa iyo."

Ipinakita naman ni Jezen ang kanyang dalang paper bag kay Julie.

"Ano naman ito?" anang Julie sa kaibigan.

"Night gown!" pilya pang sagot ng kanyang kaibigan. Agad na namilog ang kanyang mga mata at nakutusan ito.

"Baliw! Ano nga!?" Napakamot naman sa leeg ang kanyang kaibigan at mukhang hindi yata maganda ang kutob niya rito.

"Ano kasi..."

"Kasi ano?" aniya.

"Kainis naman kasi! Naalala mo? Si Jarsey? Iyong pinsan ko? Iyon! May project sa school. Kailangan mag-interview ng doktor." Napaismid siya.

"Sinusuhulan mo na naman ako, 'no?" panghuhuli niya sa kaibigan. Agad na umiling ang kanyang kaibigan.

"Very slight! Pagkain ang laman nito at saka questionnaire." Agad na natampal ni Julie ang kanyang noo.

"Sige na naman Julie. Konting mga tanong lang naman ang nandito e." Kinuha pa nito ang maliit na kuwarderno at ipinabasa sa kanya.

"Ngek! Ito talaga? Eh parang slumbook question ito e!" maktol niya nang mabasa ang mga tanong sa notebook. Para kasing ninja moves lang ito ng isang teenager na may crush sa isang doktor. Dinaig pa ang resume nito.

"'Di ba ang sisiw lang ang mga tanong," wika pa nito sa kanya. Napangiwi siya.

"Sige na nga. Oh siya, late na ako sa shift ko, ingat ka," aniya sa kaibigan. Mahigpit niya pa itong niyakap at humalik sa pisngi.

"Ingat ka rin!" pahabol pa nito. Kumaway lang siya sa kaibigan. Nang masagi bigla sa isip niya kung anong klase ba ng doktor ang dapat niyang tanungin. Tumakbo siya

ulit palabas at nang makitang hindi pa nakalalayo ang kaibigang si Jezen ay agad niya itong tinawag.

"Jezen! Bruha ka! Anong doktor ba 'to!" Nilingon naman siya nito. "Isang heart surgeon!" sagot nito sa kanya. Napatango rin naman siya. Doktor pala sa mga puso ang dapat niyang tanungin tungkol dito. Ang tanga! Hindi siya malapit sa mga doktor dito sa ospital.

"Julie! Late ka na!" sigaw ni Nurjan sa kanya. Head ito ng utility service ng ospital at naging matalik niya rin itong kaibigan. Agad siyang napakilos at nag-time in sa kanyang shift.

"Hulog ka ng langit Nurjan!"

"No problem!" anito.

Nang papunta na siya sa emergency room ay nakasalubong pa niya ang binatang amo. Tiningnan lang siya nito at nilagpasan na. Mukhang dapat na nga siyang masanay na ganito ang ugali nito. Pinilig na lamang niya ang kanyang ulo at nagsimula nang magtrabaho.

PRETTY MAN SERIES 1: CLAYD ERL VILLARAZAWhere stories live. Discover now