Kabanata 3.1

44.7K 903 4
                                    

Kabanata 3.1

NANG makarating sila sa opisina ng binata ay agad itong kumuha ng extra t-shirt sa bag nito. Itinapon pa ito sa kanya. Nakakainis talaga ang ugali nito at gustong maghimutok ni Julie pero halos hindi niya nga maibuka ang bibig niya.

"Wear that. I might lick that if you won't." Namilog ang kanyang mga mata kaya agad na kumilos si Julie para isuot ang damit na bigay ng binata.

"Why did you let her hurt you Julie!?" galit nitong wika. Pinunasan niya ang kanyang basang pisngi.

"Ayaw ko lang po ng gulo," aniya. She heard a cussed from him.

"Bakit ka ba naka-duty pa rito? You're supposedly to duty on my hospital." Natameme siya. Nakalimutan niyang naka-assigned na pala siya ro'n.

"Pasensiya na po," paumanhin niya na lamang. Napasinghot siya. Agad na pumasok ang amoy ng t-shirt sa kanyang ilong. Heaven! That's what she felt right now. Panlalaking pabango ito ngunit hindi naman matapang ang amoy at hindi pa masakit sa ilong.

"You seems enjoying smelling my body spray." Patay na! Nahuli siya. Umupo siya agad ng maayos.

"Hindi po," tanggi niya. Lumakad naman ito palapit sa kanya at dumukwang.

"Talaga ba?" Nanigas ang leeg ni Julie at napakapit sa inuupuang leather couch. Hindi niya makuhang sumagot kaya iginalaw niya na lamang ang kanyang ulo. Pero mali yata ang idea na iyon dahil nag-landing ang kanyang labi sa tungki ng ilong nito. Namilog ang kanyang mga mata at agad na napaatras.

"Excuse po," nanginginig pa niyang wika. Nagkukumahog siyang lumabas ng opisina nito. Sobrang kaba ang nararamdaman niya. Para siyang sasabog at the same time ay nakaramdam din siya ng inis sa binata. Halos 'di siya nito pinatulog kagabi dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Tinampal niya ang kanyang mga pisngi. Ayaw niya na maulit ang bagay na iyon. Doc. Clayd was not her first kiss but the way his lips touched to hers, feels like it was. Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi siya dapat makaramdam ng ganito. Kailangan niya mag-fucos sa trabaho.

TINUNGO ni Julie ang kanyang locker at nang makuha lahat ang mga gamit niya ay agad din naman siyang dumiretso palabas ng ospital.

"Julie!" Agad niyang nilingon ang tumawag sa kanya.

"Jezen?"

"Yup! Kukunin ko na sana iyong questionnaire ni Jarsey," anito.

"Oh god!" sambit ni Julie at agad na natampal ang kanyang noo.

"Hindi ko pa napapasagutan iyon!" nakangiwi niyang sagot.

"Hala? Paano 'yan Julie? Ngayong lunes na ipapasa iyan e. Wala na akong mahihingan ng pabor, ikaw na lang," malungkot na wika ni Jezen. Nakagat niya ang kanyang labi.

"Balikan mo ako bukas. Sa apartment ko na lang tayo magkita bukas. Okay?" Hindi pa man nakakasagot si Jezen sa kanya ay agad na siyang napatakbo pabalik sa loob ng ospital. Diretso siya sa elevator pero napagsarhan na siya ng pinto. Wala siyang choice kundi gamitin ang hagdan. Kailangan niyang ma-interview si Doc. Clayd. Isa itong Cardiologist at kahit 'di naman angkop ang mga tanong sa binata ay wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang itanong ang mga iyon para matapos na ang project ni Jarsey. Hingal na hingal niyang tinungo ang opisina ng binata na nasa third floor pa.

"Doc. Clayd..." aniya nang makitang bukas ang pinto nito.

"Ay si Doc. Clayd ba? Nako Julie, maagang umuwi," ani Nurjan.

"Ha!? Sige! Thank you!" Muli siyang napatakbo sa elevator and thank god! Siya lang mag-isa ang nasa loob. Nang makalapag siya sa ground floor ay muli siyang napatakbo at pumara ng jeep. Diyos ko! Parang lalawit na yata ang dila niya dahil sa hingal!

PAGKARATING ni Julie sa subdivision ay dumiretso lang siya sa pagpasok. Hindi naman siya sinita ng guard dahil kilala naman siya nito. Muli siyang napatakbo hanggang sa tuluyan niyang narating ang mansyon ng binata.

"Kuya Ivan!" hinihingal niya pang tawag rito. Agad naman nitong binuksan ang gate.

"Good morning Julie, may problema ba?" anito. Napa-inhale at exhale pa siya bago sumagot.

"Si sir esti si Doc. Clayd po ba nariyan?"

"Yes. Nasa guest house siya Julie," sagot nito.

"Puwede po ba siyang kausapin kahit saglit lang?"

"Of course," nakangiti naman nitong sagot sa kanya.

"Salamat talaga kuya Ivan!" masayang utas ni Julie.

"Suot mo ang t-shirt ni sir Clayd?" sabi pa nito. Napangiwi naman siya at nahihiya pang napatango.

"Nagkaproblema po kasi sa trabaho kaya nauwi po sa ganito," kuwento pa ng dalaga. Pino namang napatawa ang matanda sa kanyang sinabi.

"Well, you better go." Ngumiti lang din naman si Julie. Sa likod siya ng bahay dumaan at agad din naman niyang nakita ang guest house na tinutukoy ng matandang butler. Tila yata nalula siya. Iyong guest house ay hindi lang basta maliit na bahay. Para lang din itong pinaliit na mansion version. Napakurap siya. Hindi niya kasi ito napagmasdang mabuti no'ng nakaraang araw. Muli siyang napakurap. Agad na gumapang sa kanya ang matinding kaba. Nakakahiya ang ginawa niya kanina pero wala siyang choice. Kailangan na kailangan ni Jarsey ang project na ito. Kalokohan man ang mga tanong na nakapaloob sa papel pero mahalaga pa rin na may maipasa ito.

PRETTY MAN SERIES 1: CLAYD ERL VILLARAZAWhere stories live. Discover now