Kabanata 2

50.7K 1K 11
                                    

Kabanata 2

HALOS mahilo na si Julie sa kaa-assist sa mga doktor sa emergency. Kanina pa ang break niya pero hindi niya magawang mag-break dahil mas kailangan niyang unahin ang kapakanan ng mga pasyente. Bigla namang tumunog ang kanyang cell phone at muntik pa niya itong mahulog.

"Hello?" sagot niya agad nang 'di man lang tinitingnan kung sino ang caller.

"Come right here at my office," anito sa kabilang linya.

"Sir Clayd?" aniya nang makilala ang boses.

"Now Julie!" Agad niyang inilayo ang cell phone sa tainga. Ibig niya yatang mapamura. Puwede naman siyang utusan ng kalmado.

"Doc. may I excuse for moment?" Agad na sumama ang aura nito sa kanya. Doc. Klaire glared at here.

"Can't you see how busy we are!? If it's not life and death, drop it!" singhal nito sa kanya. Napaawang ang kanyang bibig. Ngunit kung hindi siya susunod sa binatang amo, posibleng matanggal siya sa trabaho. Mariin niyang nakuyom ang kanyang mga kamao.

"Si Doc. Villaraza po ang nagpatawag sa akin," aniya. Pinaningkitan siya nito.

"I don't care!" Naigting ang kanyang panga.

"Kung wala po kayong pakialam do'n! Puwes ako po mayro'n!" sagot ko dahilan para pagtinginan sila ng mga taong naroon sa emergency room. Agad siyang tumalikod at tinungo ang opisina ng binata. Nagpupuyos ang kanyang kalooban. Hindi niya puwedeng balewalain ang binata. Posible siyang matanggal sa trabaho kapag hindi siya sumunod.

NANG marating niya ang opisina ng binata sa third floor ay agad siyang kumatok at pumasok.

"Clean the mess," anito nang makita siya. Makalat ang opisina nito at mukhang may mga files itong hinahalughog sa drawer. Hindi niya mapigilang mainis.

"Pinapunta niyo po ako rito para maglinis? Bakit po hindi utility staff ang tinawag niyo para rito. Nasa emergency po ako naka-assign Doc. at mahalaga po ang bawat oras do'n." Gusto niya rin sanang sabihin na wala pa siyang lunch kaya mas lalong uminit ang ulo niya. Nahinto naman ang binata at pumaling sa kanya. May kinuha itong papel at ibinigay sa kanya.

"Then resign," he said. Her knees started to numb after she heard that and read what's written on the paper. It's a resignation letter.

"Bakit?" Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Here's your intro letter. Alam na ni Mama na inilipat kita. You still get the same salary. Once you get your license, you're automatically assign as my assistant. You'll received higher salary, better than this hospital paid for you. And don't think I did this for you, mom requested this," mahabang paliwanag nito at walang salitang lumabas sa bibig ni Julie. Masiyado siyang natuwa sa narinig.

"You're ten minutes late. What took you so long?" Napakurap siya.

"Nagkaaberya lang po sa emergency, Doc.," sagot niya at halos mawalan siya ng boses. Masiyado kasing takaw atensyon ang itsura nito. Parang hindi ito doktor kung umasta. May square diamond piercing kasi ito sa magkabilang tainga at panay pa ang pagnguya nito ng chewing gum. Nahinto naman ang binata sa kanyang ginagawa at humarap sa dalaga.

"You're not a good liar. Tell me Julie, is that how you cover their mistakes? Because it's not working. Huwag mong hayaang tapakan ka ng ibang tao Julie. Huwag mo gawing habbit ang ganyang ugali." Mas humakbang pa ang binata sa kanya at bigla nitong pinunasan ang kanyang pisngi. Hindi na niya pala namalayan na kanina pa pala siya napaluha. Natigilan pa siya lalo nang lumapit ang mukha nito sa kanya at bumulong.

"Mas masarap pakinggan ang babaeng umiiyak sa sarap kaysa sa babaeng paawa," bulong nito sa kanyang punong tainga. Matapos ay tumayo ito ng tuwid habang nakapamulsa.

"Get my suitcase and follow me," utos pa ng binata sa kanya. Parang na-stuck ang kanyang mga paa sa semento. Hindi lang pala ito basta suplado dahil manyak din pala ito. Natampal ni Julie ang kanyang noo. Maganda ang offer nito at kahit siguro na tumanggi siya ay wala siyang choice. Siya ang bread winner ng kanyang pamilya at mas lalong kailangan pa niyang magsikap ng mabuti dahil may kapatid pa siyang pinapaaral sa probinsya. Agad siyang kumilos at kinuha ang suitcase ng binata. Mabilis siyang lumabas sa opisina nito at sumunod dito. Nasa tapat na ito ng elevator. Siya na rin mismo ang pumindot sa open button ng elevator. Bossy! Tanging panakaw na pag-irap sa kawalan na lamang ang nagagawa ni Julie. Nang makapasok silang dalawa ay walang imik ang binata sa kanya hanggang marating nila ang ground floor. Agad na sumagi sa isip ni Julie. Paano kaya kung kumprontahin nito si Doc. Klaire? Siguradong magtatanim ito ng galit sa kanya kapag nagkataon. Agad naman siyang humarang sa harapan ng binata.

"Sir Clayd, I mean Doc. Clayd, puwede po bang palipasin niyo na lang po ito. Alam ko po, wala kayong sinabi pero..." Agad na naputol ang sasabihin ng dalaga. Tinabig kasi siya nito ng marahan.

"Bakit Julie? Iniisip mo ba na masama ang gagawin ko?" Agad na natigilan ang dalaga. He smirked at her and continued walking. No doubt. He's not that typical kind of guy. Julie followed him and all she can do is to watch his firm back. Julie sees him like a model, walked into a fashion show. As they walked at the hallway, every eyes of them glued at him. Only to him. Gusto niyang manliit sa kanyang sarili dahil sobrang hindi sila magpakapantay ng binata. Kaya dumistansya siya sa binata. 

PRETTY MAN SERIES 1: CLAYD ERL VILLARAZAWhere stories live. Discover now