Mission 1 - Get the Attention of the "DEVILISH" cassanova.

2K 31 1
                                    

Mission 1: Get his Attention.

[Xandy’s POV]

7:00 PM.

AFTER DINNER

Ilang oras nalang bago mag alas nwebe, ang meeting time na sinabi ni sir kanina kaya nilabas ko na lahat ng mga damit ko sa closet at inilatag ko sa kama, natataranta na ko dahil hindi ko alam ang isusuot ko, pano nga ba makuha ang atensyon ng isang cassanova?

Kung blue dress kaya?

Ay hindi, parang di naman kapansin-pansin sa gabi..

Hmm…

Alam ko na black dress nalang! Para medyo misteryosa ang dating-----“HUY!”---“AY BAKLA!” gulat na gulat ko namang sigaw ng pumasok si Xander sa kwarto! Nakatuwalya lang kasi ako -___-

“ Di ka manlang naman kumatok!” inis kong sabi sa kanya habang nakacross arms ako’t tinatakpan ang cleavage ko..

“Sus, kailangan ko pa bang kumatok e asawa na naman kita? Bango ah*smirk*” lapit naman niya sakin at inamoy ako, bwiset na to!

“ Tsk! Wag mo nga kong singhutin dyan! P-pwede bang t-tulungan mo nalang akong mamili ng susuotin ko mamayang gabi? “

“Ayoko, nakakatamad..” at hihiga na sana siya sa kama nang--------“ AY POTEK! Bakit naman napakadugyot ng kama misis ko??pano naman ako makakatulog niyan?” nangagalaiti naman niyang sigaw habang nakapamewang pa!

“Tsshh, di ka matutulog hangga’t hindi mo ko tinutulungan! “

“ah ganun? O sige, sakin ka pa nagpatulong ha? fine, BARO’T SAYA ISUOT MO, And that’s final.”

=____=

“A-ano? Bakit naman yun? sa tingin mo ba gugustuhin niya ko kapag yun ang sinuot ko?” Si Xander naman parang ewan -___-

Ayaw mo nun? Lutang na lutang ka coz kakaiba ka?”

“ Seryoso naman o?”

“I’m telling you babe, hindi mo gugustuhing maging seryoso ako, coz If I am..I’ll never let you go..Maganda nga yun ng hindi ka niya gustuhin e.” bulong naman niya sa sarili niyang rinig na rinig ko naman, sabagay, sino ba naman kasing mister ang gustong pagsuotin ng sexy ang misis nila para mapansin ng iba? Hay naman  +__-

“Xander, alam ko, hanggang ngayon hindi ka parin 100% na nag-aagree sa misyong to, pero para sa president at sa mga iba pang nabiktima naman niya ang gagawin ko e, tulungan mo na ko please?”

“Naiintindihan ko naman, di naman ako selfish, sayo lang..kaso Importante pa ba ang opinyon ko dito? Hangga’t maari nga, ayoko ng makipagkita ka pa dun e, tapos ako pa pinapili mo, parang ipinamumukha mo naman sakin na ibinibenta kita sa iba.”

“Xander hindi naman sa ganun, pero diba asawa kita? at nirerespeto kita ..gusto ko lang naman na may basbas mo lahat ng damit na isusuot ko e..kasi iniisip ko rin ang mararamdaman mo, pero kung talagang labag sa loob mo, sige.. tatawagan ko si Chief, sasabihin kong hindi na ko pup----“Uy! teka sandal lang naman babe! Wag na, sige na okay na, tutulungan na kita.”

“T-talaga? Sigurado ka?”

“Oo, ayaw mo pa? pasalamat ka, mahal kita at ayokong mabastos ka doon kapag kung ano lang nakaletsehan ang suot mo, tss! Here, wear this red velvet dress!”

MR. and MRS. DETECTIVE XWhere stories live. Discover now