Mission 4 - let him hail you LIKE A BOSS...

1.4K 21 0
                                    

Mission 4:

Let him hail you LIKE A BOSS...

[Xandy's POV]

11:00 PM

Halos maghahating gabi na ng makarating kami sa condo ni Falcon at mukhang tinamaan siya ng husto sa alak na sinerve kanina ni Xander..

"Hoooyy..M-miss IDK.. haliikaa nga ditoo, tabihan mo naman akoo!"lasing at nakangising tawag niya sakin habang inihihiga siya ni Xander sa kama kaya tumingin agad ako sa asawa ko at nakita kong nag-aapoy nanaman ang tingin niya na kung hindi lang misyon ito, napatay na niya si Falcon sa suntok.

"Xander, sige na lumabas ka na, ako ng bahala sa kanya." bulong ko sa kanya at hinawakan ko siya sa braso pero hinila niya ko sa loob ng banyo habang hindi makagulapay sa kalasingan si Falcon," babe, what if umuwi na tayo? lasing yun o, baka kung ano pang gawin niya sayo."

" M-mukhang wala naman siyang lakas ngayon e, kayang-kaya kong salagin ang kamay niya, isa pa, nakapasok na ko sa condo niya, pagkakataon ko na to."

" Are you sure you wanna do this? pwedeng-pwede ko namang kausapin si chief na ipasa na sa iba to, ako ang natatakot para sayo e---"Pero wala naman akong gagawin na---o huwag mong sasabihin sakin na wala kang gagawin na ikakatakot ko coz hindi mo ko makukumbinsing umalis sa ganyan, I'm worried more for what this devil might do to you."

"Xander please naman, nakita mo namang kaya ko siyang kontrolin diba? pwede bang pagkatiwalaan mo nalang ako?"

"tss, ang tigas talaga ng ulo mong babae ka, fine, ano pa bang magagawa ko? siya sige, lalabas na ko."

"salamat Xander.." bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla naman niya akong sinandal sa pader at mariin akong hinalikan sa labi..

"mmm..Xan---"I'll be watching you somewhere else babe, take note of that.." seryoso naman niyang sabi at binuksan na niya ang pinto, madali naman siyang lumabas ng kwarto at naiwan ako sa banyong nakatulala sa iniwan niyang halik at paalala sa akin..

sa sinabi niya, nakaramdam ako ng kaba sa bawat kilos na gagawin ko, na para bang may matang laging nakatingin sa amin sa paligid, kung pwede ko lang patayin ang ilaw huwag ko lang masaktan ang damdamin ng asawa ko gagawin ko, pero natatakot naman ako dahil naiisip kong sa oras na patayin ko ang ilaw, baka dun maghasik ng lagim ang lalaking nagmamay-ari ng impyernong kinalalagyan ko ngayon..

nang matauhan ako, lumabas narin ako ng banyo at sinimulan ang misyon ko.

at bilang parte ng pagpapanggap ko, inasikaso ko muna si Falcon para pag-gising niya, magkaroon siya ng utang na loob sa akin..

Agad kong kinuha ang palanggana't nilagyan ko ito ng maligamgam na tubig, binuksan ko rin ang cabinet niya para kumuha ng face towel at mga damit..

Mabuti at tulog pa siya, atleast ligtas ako ngayong gabi sa kamanyakan niya.

" Hay, kung hindi lang dahil sa misyon ko hindi kita iintindihin, kung tutuusin pwedeng pwede kitang lasunin ngayon sa kinahihig-an mo dahil sa laki ng kasalanan mo, pasalamat ka.. hindi ko pa nakukuha ang gusto ko.." kausap ko sa kanya habang pinupunasan ko ang katawan niya't mahimbing siyang natutulog..

Matapos ko siyang punasan at palitan ng damit, ako naman ang nakaramdam ng antok, pass twelve na kasi kaya pumunta muna ko sa sofa malapit sa kama niya at dun ako pumwesto ng pagtulog.

five hours later...

[Falcon's POV]

"Huuhaayy (hikab) pota! sakit ng ulo ko ah? " bangon ko sa kama--Wait? how did I get here? wala kong matandaan -__-

MR. and MRS. DETECTIVE XWhere stories live. Discover now