END OF THE MISSION

1.8K 37 5
                                    

 A/N: ako na po ang nagsasabi, rated SPG po ang chap na ito, kaya pasintabi po sa mga minors dyan na nagbabasa ha?

_____________________________________________________________________________________

END OF MISSION

Xandy's POV

7:00 am.. Falcon's Condo..

Paggising ko, naabutan ko namang mahimbing pang natutulog si Falcon kaya naligo muna ko, pakiramdam ko kasi ang lagkit-lagkit ko na, isa pa, amoy alak din ang buong katawan ko, sinabi naman ni Falcon na pwede akong manghiram ng mga damit sa kanya, di bale ng malaki basta may masuot, matatapos narin naman ang misyon na to..

"sssshhhhhh...." - Shower sound

Habang naliligo ako, hindi naman maalis sa isipan ko si Xander, hindi pa niya ako tinatawagan simula ng pagtatalo namin kagabi, nag-aalala na ko.. ano na kayang ginagawa niya sa buhay niya ngayon? pupuntahan kaya niya ako dito para sabay naming tapusin ang kasong ito?

hay..ewan.. hindi ko alam..

matapos kong magligo, agad naman akong nagtapis ng tuwalya at lumabas na ng banyo bago pa man magising si Falcon at makita akong nakaganito..

paglabas ko..

t-teka?

w-wala na si Falcon si kama?

hay gising na pala siya. asan kaya yun..

luminga-linga naman ako sa paligid pero wala siya..

pagkakataon ko na to para makuha ang laman ng volt..

Bago ko isagawa ang huling misyon ko, inayos ko muna ang mga gamit kong nakakalat sa kama at isinilid ito sa bag pero may napansin akong nawawala...

"y-yung Badge ko?! dito ko lang nilagay yun e bakit wala? san ko ba naiwan yun?" hagilap ko naman sa kama at sa bag ko ng detective badge ko, "Hay hindi yun pwedeng mawala! hindi yun pwedeng makita ni-----"Eto bang hinahanap mo?"

lub dup...

lub dup...

"F-falcon?" nanghina kong sambit sa pangalan niya ng makita kong hawak niya ang badge ko, *hikbi* lagot na..

" Detective Alexandria Fiona Ramirez... so detective ka pala.." seryoso niyang tono habang binabasa ang pangalan ko sa badge..

"F-Falcon magpapaliwanag ak------hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng  lumapit siya sa akin at sinakal ako! " Falcon ano ba?! Ugh ugh! nasasaktan ako!" hindi ko makahingang sigaw habang mariin niyang hinahawakan ang leeg ko't sinandal ako sa pader," Talagang masasaktan ka sakin dahil hayup ka! niloko mo ko! pinagkatiwalaan kitang babae ka yun pala sinet up mo lang ako?!"

"F-falcon magpapaliwanag ako please bitawan mo muna ko o---HINDE! ano pang ipapaliwanag mo? kasinungalingan nanaman? tangina! minahal kita e! ngayon lang ako nagmahal alam mo yan diba? *sniff* bakit ikaw pa? bakit ikaw pa ang gagago sakin? bakit?! " binitawan naman niya ako at sinuntok niya ang pader na sinasandalan ko, ramdam na ramdam ko ang galit niya sakin kaya napaluha narin ako na may halong takot at konsensiya pero anong magagawa ko kung ako ang napag-utusang gawin lahat ito sa kanya? *hikbi*

" H-hindi ko naman ginusto to e *hikbi* napag-utusan lang ako,p-patawarin mo ko kung nilinlang kita, p-pero nung nag-uusap tayo tungkol sa mga sikreto mo, totoo naman yung concern na pinapakita ko sayo e, lalo na nung sinabi mong magbabago ka na, Falcon, malaki ang pagkakasala mo sa batas, kailangan mong pagbayaran yun! dun magsisimula ang pagbabago mo----" HINDI MO KO NAIINTINDIHAN E! BAKIT KAILANGANG HUMANTONG SA PUNTONG HALOS MABALIW AKO SAYO'T MAHALIN NA KITA?!"

MR. and MRS. DETECTIVE XWhere stories live. Discover now