Chapter Seventeen

240 15 2
                                    


Chapter 17

"Good morning, Sir Calvin." bati ng kararating lang na si Chef Mike.

"G-good morning din, Chef Mike. Ang aga niyo yata ngayon ah!" sagot ni Calvin.

"Hindi naman po. Dito po ba kayo natulog kagabi?" tanong ng matanda.

"Ah, eh, oo. Paano, mauna na muna ako sa inyo. Baka mamaya na lang ako babalik before closing." paalam ni Calvin.

"Sige po, kayong bahala." sabi ng matanda. "Sandali po, gusto niyo po bang igawa ko muna kayo ng agahan bago kayo umuwi?" pahabol ng matanda.

"Hindi na, salamat na lang. Kumain na ako." sabi ni Calvin. "Ipagluto mo na lamang ang mga staff pagdating nila." utos nito.

"Sige po, ingat po kayo." sabi ng matanda.

"Kayo rin dito." sabi ni Calvin at umalis na.

Hindi pa man tuluyang nakakalabas si Calvin ng cafe ay nakasalubong na ni Chef Mike si Chelsy.

"Oh, Chelsy! Ang aga mo yata ngayon ah. Kanina ka pa ba?" tanong ng matanda.

"Nakita niyo po ba si Sir Calvin?" tanong ni Chelsy.

"Kalalabas lang niya, bakit?" sagot nito.

"Ah. Eh. Wala po. Huwag niyo na lang po akong pansinin." palusot niya.

"Bakit, may problema ba kayong dalawa?" nag-aalalang tanong ng matanda.

"Wala naman po. May gusto lang po sana akong itanong sa kanya." pagsisinungaling niya.

"Ah, ganoon ba? Mamaya mo na lamang itanong sa kanya kapag bumalik siya." sabi ni Chef.

"Babalik po ba siya?" tanong niya.

"Sabi niya bago daw tayo magsara ay babalik siya. Hintayin mo na lamang." sabi nito. "Maiba ako, kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita ng almusal?" alok nito.

"Hindi na po. Kumain na po ako." sabi niya. "Doon na lamang po muna ako sa staff's room." paalam niya at iniwan na ang matanda.

"Sige. Maaga pa naman eh. Doon muna ako sa kusina at aayusin ko na ang gamit ko." sabi naman ng matanda at naghiwalay na sila.

Maya-maya pa ay nagsi-datingan na ang mga kasamahan ni Chelsy sa trabaho. Samantalang si Chelsy ay hindi pa rin makalimutan ang mga narinig niya mula kay Calvin.

Palaging bumabalik sa ala-ala niya sa ang mga salitang binitiwan nito. Ang pakiramdam na makulong sa mga bisig nito at ang pagsisimula ng pagkalito sa kanyang nararamdaman.

Lumipas ang maghapon ni Chelsy na para lamang siyang isang puppet na sumusunod lamang sa nag-uutos sa kanya. Bawat galaw niya ay walang kabuhay-buhay. Madalas pa siyang tulala at tahimik lamang sa isang tabi.

Hanggang sa dumating na ang oras na kanyang pinakahihintay. Ang pagbabalik ni Calvin sa cafe. Nakita niyang dumiretsyo si Calvin sa opisina nito kaya agad niya itong sinundan para kausapin tungkol sa sinabi nito sa kanya.

"Sir Calvin, pwede po ba tayong mag-usap?" agad niyang tanong ng makarating sa opisina nito.

"Tungkol saan ba ang kailangan nating pag-usapan?" tanong din ni Calvin na ibang-iba sa Calvin na nakasama niya kaninang madaling araw.

"Sir, tungkol po sa sinabi niyo sa akin kaninang madaling araw, ano pong ibig sabihin noon?" bungad niya.

"Ah, iyon ba? Totoo naman iyon. Nagpapasalamat ako sa pag-aalaga mo sa akin noong may sakit ako, pero hanggang doon na lang iyon. Kung may iba pa akong nasabi ay baka dala pa rin iyon ng lagnat ko."

"Pero bakit-" tanong niya.

"Wala ng bakit. Wala na tayong dapat pag-usapan. Makaka-alis ka na." taboy nito sa kanya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Chelsy habang papalabas siya ng opisina ni Calvin.

Perfect Pair - COMPLETE ✔️Where stories live. Discover now