Chapter Twenty-Seven

200 11 4
                                    

Chapter 27

"Tristan..? Hayaan mo akong magpaliwanag!" natatarantang sabi ni Chelsy ng makitang naroon din si Tristan.

"No need to explain, Chels. Alam ko ang lahat, from day one 'till now." sabi ni Tristan.

"Paanong alam mo?" nalilitong tanong ni Chelsy.

"Alam kong may nagsisimula ng feelings sa pagitan niyong dalawa at na-confirm ko iyonn noong makita ko kayong magkayakap sa opisina namin ni Calvin noong gabing may sakit siya." kwento ni Tristan.

"Paanong..? I-i'm sorry, Tristan." nakatungong sabi ni Chelsy. "I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo ang totoo kong nararamdaman. I'm sorry kung sumama pa ako sayong lumabas noon. I'm sorry for hurting your feelings." umiiyak na sabi ni Chelsy.

"Hey, don't cry. Please, stop crying." alo ni Tristan kay Chelsy. "I need to tell you something really important." dagdag nito.

"Ano iyon?" tanong ni Chelsy habang pinupunasan ang luha niya.

"Lahat ng nangyari ay planado." pagtatapat nito.

"Paanong planado?" nagugulyhang tanong ni Chelsy.

"It was our plan," sabi ni Tristan sabay turo sa lahat ng naroon maliban kay Calvin. "to court you para umamin kayong dalawa sa feelings niyo para sa isa't-isa, and it all worked out great." naka-ngiting sabi ni Tristan.

"F*ck you, bro! Dahil sayo kaya ako nagkasakit noong araw na iyon tapos kalokohan lang pala iyon?" sabi ni Calvin sabay suntok sa sikmura ni Tristan.

"Aghh! Grabe ka naman makasuntok, bro. Effective naman ang acting ko, hindi ba?" uubo-ubong sabi ni Tristan.

"Sabagay..!" sabi ni Calvin ng ma-realize na totoo ang sabi ng kaibigan.

"Eh paano pala kung na-fall ako sa iyo noon? Paano na ang damdamin ko?" tanong ni Chelsy.

"Hindi ka naman mahirap mahalin kaya hindi malabong ma-fall talaga ako sayo." sagot ni Tristan.

"Hep, hep, hep!" sabi ni Calvin sabay kabig kay Chelsy. "Calvin's property na si Chelsy. Bawal na ang umaligid." dagdag nito.

"Ha! Ha! Ha! Nakakatawa ka talaga, bro. Of course alam ko iyon, no! You don't need to remind me." tatawa-tawang sabi ni Tristan.

"Mabuti na ang malinaw." paglilinaw ni Calvin.

"Teka lang........!" biglang sigaw ni Chelsy na ikinagulat ng lahat.

"Bakit, anong problema?" tanong ni Calvin.

"Baka naman kasama pa rin sa plano ang lahat ng ito? Baka pinagti-tripan niyo lang akong dalawa?" tanong ni Chelsy habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Hindi ahh. Mahal talaga kita. And this was a plan, yes, plan to surprise you with this." sagot ni Calvin at humarap kay Chelsy. "Today, I'm going to ask you with this," sabi niya at lumuhod sabay hugot ng kung ano mula sa kanyang bulsa.

"Ano iyan, Calvin?" tanong niya habang masaya ang mga nakapaligid sa nakikita.

"Will you....marry me?" tanong ni Calvin at ipinakita ang singsing.

"Marry? Agad? Hindi pwedeng girlfriend muna?" suggestion ni Chelsy.

"Doon din naman ang punta noon, bakit pa natin patatagalin? So, yes or no?" tanong ni Calvin.

"Kailangan na ba talaga ng sagot ngayon? Hindi pwedeng pag-isipan ko muna?" tanong ni Chelsy.

"Hindi mo ba ako ganoong kamahal to say yes to me?" tanong ni Calvin.

"Hindi naman sa ganoon." sagot ni Chelsy. "Pero kasi, ano...."

"What?" tanong ni Calvin.

"Yes na iyan! Yes na iyan!" malakas na sabi ng mga naroroon.

"Sabi nila, yes daw. How about you, yes or no? Sumagot ka na please, masakit na ang tuhod ko."

"Tumayo ka na kasi diyan." sabi ni Chelsy at hinatak na patayo si Calvin.

"Okay." sabi ni Calvin at tumayo na. "How about your answer?" tanong niya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Chelsy bago siya sumagot..

"My answer is....."

Perfect Pair - COMPLETE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon