Chapter Thirty-Three

185 7 0
                                    

Chapter 33

"Good morning, Hello Kittys!" masaya kong bati sa napakaraming Hello Kitty sa bago kong kwarto.

HAAAAYYYY! BUTI NA LANG AT HINDI AKO HINAYAAN NI CALVIN NA MATULOG SA KALYE KAGABI.

Napatingin ako sa Hello Kitty clock na nasa side table.

"What? Alas-diyes na? Late na ako. Lagot na naman ako kay Rachel nito!!" napabalikwas ako ng bangon ng makita kong late na pala. Dumiretsyo ako sa banyo para maligo. "Hooo! Ang lamig naman ng tubig dito! Grrrrr."

Kasalukuyan akong naliligo ng may kumatok. "Si manang siguro iyon." sabi ko sa sarili ko. "Tuloy po." sabi ko at nagpatuloy sa pagligo. "Wow! Sarap maligo. Teka, nasaan ang towel ko?"

"Eto ba ang hinahanap mo?" tanong ng lalaki.

Automatic akong napayakap sa sarili ko ng marinig kong nagsalita si Calvin kahit alam ko namang hindi niya makikita.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Paano ka nakapasok dito?" histerikal kong tanong. "Lumabas ka nga!" taboy ko sa kanya.

"Pinapasok mo po kaya ako kanina." katwiran pa nito.

"Lumabas ka na nga kasi! Ang bastos mo!" sigaw ko sa kanya at narinig ko pa siyang tumatawa.

"Opo, lalabas na. Bye." sabi niya.

"Wait!" pigil ko sa kanya habang nakasilip sa pintuan ng banyo.

"Bakit?" tanong niya.

"Paki-abot naman ng towel ko." paki-usap ko. "Pero huwag kang sisilip ha!" banta ko.

"Oo na." sabi nito at inabot ang towel ko at umalis na habang tumatawa.

NAKAKAHIYA KA CHELSY! NAKAKAHIYA KA!!

"Good morning." bati ni Calvin na nakaupo sa sala.

"Bakit naman hindi mo ako ginising late na tuloy ako sa trabaho ko." reklamo ko.

"Okay lang iyon. Binigyan naman kita ng one-day leave ngayon eh." naka-ngiting sabi nito.

"Para saan naman ang leave na iyon?" tanong ko.

"Para makapag-ayos ka ng gamit mo." sabi nito. "Hindi ba marami kang gamit na nakalagay pa sa bag mo? Ilipat mo muna ang mga iyon sa closet sa kwarto mo." utos nito.

"Hindi na kailangan, hindi naman kasi ako magtatagal dito eh, hahanap naman agad ako ng bagong malilipatan para hindi ako makaabala sayo dito." sabi ko.

"Sana hindi na kita pinatuloy dito kung alam kong makakaabala ka lang." sabi niya at alam kong medyo nalungkot siya. "Pinatuloy kita dito to make sure that you're gonna be okay. I'm your boyfriend by the way, maybe I have the right to help you." dagdag niya.

OO NGA NAMAN, CHELSY. PAKIPOT KA PA EH, IYAN NGA AT GRASYA NA ANG NALAPIT,  AYAW MO PA.

"Sige, maraming salamat. Sabihin mo lang sa akin kapag nakakaabala na ako at aalis na ako dito." sabi ko. Gustuhin ko man na manatili sa bahay ni Calvin, ayoko namang isipin ng iba na nagte-take advantage ako sa kabaitan niya.

"Huwag kang mag-alala, hindi mangyayari iyon. Kaya kung ako sayo ay ayusin mo na ang gamit mo at sinisigurado ko sayong magtatagal ka dito sa puder ko." sabi niya.

"Oo na nga po, Sir. Aayusin na po." sabi ko na lang. Maiwan na po kita dito." sabi ko at umakyat na ulit sa kwarto ko.

Halos maghapon akong nag-ayos ng gamit ko sa kwarto dahil pagtingin ko sa wall clock ko ay mag-aalas kwatro na pala.

"Magandang hapon po, Sinyorita." bati ni Manang ng makasalubong ko siya sa may kusina.

"Manang naman, Chelsy na lang po, huwag na pong 'Sinyorita', nakakailang po kasi eh." sabi ko.

"Iyon po kasi ang bilin ni Sinyorito Calvin na itawag ko sa inyo eh. Baka po mapagalitan ako kapag narinig na hindi ganoon ang tawag ko sa inyo." paliwanag ng matanda.

"Ganito na lang po, Manang, kapag tayo lang pong dalawa, Chelsy na lang po ang itawag niyo sa akin, at kapag nandito lang si Calvin niyo ako tatawaging 'Sinyorita', pwede po ba iyon?" suggestion ko.

"Baka po kasi-" nagdadalawang isip na sabi ni manang.

"Ako pong bahala sa inyo. Sagot ko po kayo." sabi ko.

"Sige po, Sin- ay Chelsy pala." natatawang sabi ni manang. "Siyanga po pala, may inihanda po akong meryenda, gusto niyo po bang ikuha ko kayo?" alok ng matanda.

"Ano po bang meryenda iyan? Tulungan ko na po kayong maghanda." sabi ko.

"Pansit po. Ako na lang po, kaya ko pa naman eh." sabi ng matanda.

"Hindi na po, Manang, maupo na lamang po kayo diyan sa may lamesa at ako na ang maghahain ng meryenda at ako'y inyong saluhan." sabi ko at inalalayan sa pag-upo si manang.

"Nako, huwag na po, busog pa po ako. Tsaka marami pa po akong gagawin eh." tanggi ng matanda.

"Sige na po, Manang, please? Alam niyo bang nalulungkot ako kapag mag-isa lang akong kumakain?" pangongonsensya ko. "Kaya po saluhan niyo na ako, please." sabi ko at nagpa-cute pa.

"Oh siya, dahil cute ka namang bata ka, sasaluhan na nga kita riyan." natatawang sabi ng matanda.

Magkasalo kami ni Manang na nagmeryenda ng pansit na niluto niya. Pagkatapos namin mahulawan ay magkatulong kaming naghugas ng maruming gamit sa kusina at magkatulong ring naglinis ng buong bahay.

TOK! TOK! TOK!

"Pasok!" sigaw ko sa kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Nagising ba kita?" tanong ni Calvin bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Hindi naman, may kailangan ka ba?" tanong ko.

"Kailangan bang may dahilan kapag pupuntahan kita dito sa kwarto mo?" may himig ng pagtatampo sa boses ni Calvin.

"Wala naman. Naitanong ko lang naman. Baka kasi may iuutos ka o ano kaya ka nagpunta dito." sabi ko at umupo sa kama.

"Girlfriend kita, hindi utusan, kaya bakit kita uutusan? Tsaka nami-miss lang kita kaya kita pinuntahan dito." sabi niya at naupo rin sa kama ko.

"Sus naman, miss agad eh nagkita naman tayo kanina ahh." natatawa kong sabi.

"Bawal ba kitang ma-miss kahit nakita naman kita kanina, ha?" tanong nito.

"Hindi naman." sagot ko.

"Iyon naman pala eh. Teka, kumusta ang maghapon mo dito sa bahay?" tanong niya.

"Mabuti naman, masaya. Tinulungan ko sa Manang sa mga trabaho niya dito sa bahay." kwento ko.

"Ano?! Bakit mo naman ginawa iyon?" gulat niyang tanong. "Hindi kita pinatira dito para akuin mo ang mga gawaing bahay. Girlfriend kita, Chelsy, at ayokong mahirapan ka." sabi nito.

"Calvin, okay lang naman ako ehh. Tsaka nakalimutan mo na ba na sanay ako sa hirap kaya trust me, kayang kaya ko na ito." sabi ko sabay ngiti.

"I don't like this. Pero dahil gusto mo, sige, pagbibigyan kita." sang-ayon na lang niya.

"Thank you, Calvin." masaya kong sabi at napayakap pa sa kanya. Sa sobrang tuwa ko pa ay hinalikan ko siya sa pisngi pero bigla siyang humarap, kaya....

Perfect Pair - COMPLETE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon