PART5

6.7K 182 0
                                    

Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin kaya gamit ang isip ay tumakbo ako sa kaniya dahil ang pakiramdam ko ay siya na lamang ang makakatulong sa akin. Niyakap ko siya ng walang pag aalinlangan. Di nag tagal ay unti-unting naibsan ang sakit hanggang sa tuluyan na iyong mawala.

"Salamat Valena, salamat!" Nanghihinang usal ko.

"Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Simula pa lamang ito. Idilat mo ang iyong mga mata." Tugon niya.

Minulat ko ang aking mga mata at nagulantang ako sa aking nakita. Iba na ang hugis ng aking katawan at ngayon ay mabilis na tumutubo ang mga puting balahibo sa aking bisig. May halo din nakulay asul na balahibo ang mga iyon. Patuloy pa din ang pag galaw ng aking mga buto. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagbago ang anyo ko. Naging katulad ako ni Valena.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa isipan.

Imbis na salita ay isang mahabang alulong ang lumabas sa aking bibig.

"Aaahhhhwwwooo"

Lalo akong nagulat at natakot.

"Wag kang mag alala isa ka nang ganap na taong lobo ngayon. Makakabalik ka pa din sa dati mong anyo." Wika ni Valena.

"Pero paano?" Sagot ko gamit ang aking isip.

"Damhin mo muli ang pagiging tao pero ayaw mo ba munang subukan ang lakas na mayroon ka?" Wika niya.

Nag dadalawang isip man ay pinili kong sundin siya dahil na rin sa kuryusidad. Idinilat ko ang aking mga mata. Mas malinaw ito at mas malayo na ang natatanaw ko. Sinubukan kong tumayo gamit ngayon ang apat kong paa. Nanginginig ang mga tuhod ko kaya nanatili lang akong nakatayo.

"Bakit di mo subukang humakbang?" Pang eenganyo niya.

"Nagagawa kitang makausap kahit nakadilat ako?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo dahil tinanggap mo na ako sa iyong puso.Ngayon ay subukan mo namang humakbang." Sagot niya.

Dahan dahan akong humakbang hanggang sa magabayan ko iyon. Pabilis ng pabilis ang paglakad ko papunta sa kagubatan. Iba ang kasiyahan ko ng makarating ako sa loob ng gubat at di ko namamalayan na tumatakbo na ako. Tila kasing bilis ng kotse ang ginagawa kong pagtakbo. Mataas din ang pagtalon ko sa bawat punong nakabuwal.
Habol hiningang huminto ako sa isang ilog sa kagubatan.

"Halika na at bumalik na tayo. Malapit ng magbukang liwayway." Wika ni Valena.

"Oo" masiglang sagot ko.

Mabilis akong tumakbo at nakarating sa pinanggalingan ko.

"Paano akong makababalik sa dati?" Nagtatakang tanong ko.

"Gamit ang iyong puso, kailangan mong damhin ang pagiging tao!" Sagot niya.

Ganun nga ang aking ginawa. Ipinikit ko ang aking mata at inisip ko ang katawang tao ko.
Muling nag galawan ang mga buto ko. Pati ang balat ko na tila umuurong. Ang mga balahibo ko ay tila nalalagas kasabay ng pag urong ng mga kuko ko. Nagbabago na muli ang anyo ko pero wala na ang sakit na nararamdaman ko pati na rin ang init ng pakiramdam ko. Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa aking katawan.
Katawan!
Bumalik na ako sa pagiging tao. Mabilis kong idinilat ang aking mga mata. Nasiyahan ako sa nakita ko na hindi na paa ng isang lobo ang aking mga kamay. Ibiniling biling ko pa ito. Napangiti ako at agad na dinampot ang mga saplot ko. Isinuot ko iyon at nagsimula na akong maglakad pabalik ng bahay.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at isinara muli.
Agad akong dumiretso sa aking silid at hapong-hapo na nahiga sa malambot na kama. Nakatitig ako sa kisame at di pa rin makapaniwala sa lahat ng  nangyari hanggang dalawin na ako ng antok.

"Magpahinga kang mabuti, Freija" masayang wika ni Valena.

Napangiti lamang ako sa aking narinig at tuluyan na akong ginapi ng antok.

Nagising ako at agad na bumangon. Pinagmasdan ko ang buo kong katawan at sinugurado ko na tao na ang anyo ko.

"Magandang umaga!" Bati ko Kay Valena.

Hindi siya sumagot na ipinagtaka ko. Kaya pumikit ako at hinanap siya. Mahimbing siyang natutulog habang nakapatong pa ang kaniyang ulo sa dalawang paa sa harapan niya. Nilapitan ko siya at hinimas ang kaniyang ulo bago ako dumilat muli.

Tumayo na ako upang maligo dahil napansin ko na madumi ang aking mga paa hanggang sa aking mga binti.
Pagpasok ko sa banyo ay agad kong binuksan ang shower at itinapat ko ang aking ulo. Maginhawa sa pakiradam ko iyon kaya medyo nagbabad muna ako. Nang masiyahan ako ay inabot ko na ang sabon at sinimulan ang pagkuskos sa aking katawan.

Unwanted Substitute Of Heart #completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon