PART25

4K 112 0
                                    

Pagsapit ng alas siete ng gabi ay nagtungo ako sa silid ni Freija. Itim na  tuxedo ang napili kong isuot. Nilagyan ko lamang ng kaunting gel at bahagyang pinaitaas ang buhok ko sa bahaging unahan.
Kumatok muna ako bago ko siya tinawag.

"Freija" tawag ko.

Agad naman niya akong pinagbuksan.
Itim na bestida na lagpas sa tuhod ang haba na tinernuhan ng pulang sandals ang suot niya.
Nakapusod ang kaniyang buhok na kinulot ang dulong bahagi nito.
Tanging pulang lipstick lamang ang kolorete niya sa mukha.
Napakaganda niya ng mga sandaling iyon. Malaki na ang pinagbago niya kahit sandali pa lamang siyang nanatili dito sa mansyon.

"Halika na" aya ko sa kaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya at ini-angkla na niya ang kaniyang braso sa akin.

Nanatili lamang akong tahimik hanggang makasakay kami sa itim na kotse na nakaparada sa harap ng mansyon.
Iniiabot ko sa kaniya ang isang bungkos ng pulang rosas  na inilagay ko sa upuan ng kotse kanina bago ko pa siya sunduin.

"Para sa iyo." Wika ko.

"Salamat" nakangiting sagot niya sabay abot ng mga rosas.

Inilalayan ko siya hanggang sa makaupo siya ng maayos sa sasakyan.
Sumakay na din ako sa driver seat at agad kong pinaadar ang sasakyan.
Nagtungo kami sa paborito kong restaurant at naupo sa isang lamesa na nakatabi sa dingding na gawa sa malinaw na salamin. Mataas ang lugar ng kainang iyon kaya tanaw ang siyudad sa di kalayuan. Tila maliliit na bituin ang mga ilaw na nagkalat sa siyudad na kay gandang pagmasdan.

"Bakit mo ba ko dinala rito?" Tanong niya sa akin matapos kuhanin ng waiter ang aming mga order.

"Gusto lamang kita makasama." Sagot ko dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko.

"Eh pwede naman tayo dun kumain sa mansyon ah, mukhang mamahalin ang restaurant na ito." Tugon niya at iginiya pa ang kanyang paningin sa paligid.

"Ikaw lang ang gusto ko makasama ngayon. Hindi mo ba ko gusto makasama?" May pagtatampo na tanong ko.

"Hindi naman sa ganon. Kaya lang kasi..." Nag aalangang turan niya kasabay ng pagdating ng mga pagkain na inorder namin.

"Kaya lang ano?" Tanong ko.

"Ah wala! Tara kumain na lang tayo!" Sagot niya.

Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos kami.

"Masarap ang pagkain dito."nakangiting wika ni Freija.

"Isa ito sa paborito kong kainan."

"Ah, kaya pala dito mo ako dinala."

"Halika dun sa labas. Mas masarap tignan ang tanawin dun sa may veranda nila sa gabi." Aya ko sa kaniya.

Sabay na kaming tumayo at inilalayan ko siya sa kamay. Di ko na iyon binitiwan hanggang sa makarating kami sa veranda.

"Freija, mahal kita." Usal ko sa aking isip. Nagpapraktis ako kung paano ko iyon sisimulan sabihin sa kaniya.

"Ha?ano yun? May sinasabi ka ba?" Kunot ang noo na tanong niya.

"Naku! Napalakas ata yung bulong ko. Takte! Nakalimutan ko na lobo rin siya kaya malakas pandinig niya!" Naisa isip ko.

"Ha? Ah wala naman akong sinasabi eh." Pagkakaila ko.

"Akala ko sabi mo mahal mo ko sayang naman sasabihin ko sana na mahal din kita. Ha ha ha" pagak na tawa ni Freija.

"Hindi, wala naman akong sinasabi. Baka sa iba yun........." Mabilis na wika ko dahil sa kaba ng biglang naintindihan ko ang sinasabi niya
"Teka sabi mo mahal mo din ako!"

"Eh di ba wala ka naman sinasabi?" Nakangising tanong ni Freija.

"Freija, mahal kita!" Buong tapang ko nang  sabi sa kanya.

Bigla siyang tumahimik at sumeryoso ang mukha na nakatitig sa tila maliliit na bituin na nakahain sa aming harapan. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka nagbibiro lamang siya kanina.

"Mahal din kita Lorcan pero di ito ang tamang panahon para sa atin lalo at marami tayong problema na dapat kaharapin. Kung sana nakilala na kita noon pa. Mas simple lang sana ang buhay ko noon wala masyadong komplikasyon. Mas magiging masaya sana tayo." Malungkot na sagot niya.

"Wala akong pakialam kung ano man ang sitwasyon natin ang mahalaga sa akin alam kong mahal natin ang isa't isa kaya ang lahat ng ito ay malalagpasan din natin." Sagot ko at hinawakan ko siya sa kaniyang mga pisngi.
Tinitigan ko ang mapupungay niyang mga mata bago ko siya ginawaran ng matamis na halik sa kaniyang mga labi.

Unwanted Substitute Of Heart #completeWhere stories live. Discover now