PART22

4.3K 114 0
                                    

----DARK SHADOW PACK----

"Anong balita sa ginawa ninyong pagsalakay?" Tanong ni Lycaon.

"Marami sa atin ang nasawi dahil nakaharap na namin Blue Moon Pack. Tama ang nakalap na impormasyon na naroroon sila sa kagubatan ng Central Jutland nagtatago." Sagot ni Rahul.

"Buhay pa pala ang mga talunan na iyon! Ang akala ko ay naubos na natin ang lahi nila. Matagal na pala tayong na isahan ng mga hangal na iyon. Hindi ako makakapayag na may matira sa lahi nila. Ihanda ang lahat para sa gagawing pagsalakay at sa pagkakataong ito sisiguraduhin natin na pupulbusin natin sila at walang ititirang buhay." Galit na wika ni Lycaon.

"Isa pang importanteng balita ang nakuha namin, Alpha" turan ni Rahul.

"Ano iyon?" Tanong ni Lycaon.

"Si Freija ay naroroon din." Tugon ni Rahul.

"Paano napunta ang babaeng iyon doon? Mukhang isa talaga siyang malaking banta para sa atin. Kailangan unahin nyo siyang paslangin. Mukha siya ang bagong sugo ni Luna laban sa atin." Ani ni Lycaon at tumalikod na ito.

"Masusunod, Alpha" sagot ni Rahul at lumabas na nang silid na iyon.

Naupo si Lycaon sa isang upuan na nakatapat sa kaniyang mesa. Tila nag iisip ito ng malalim. Bakas sa mukha niya ang hinanakit mula sa nakaraan.

----Ang Nakaraan----

"Bilang anak ko, ikaw ang dadalo sa pagpupulong nang mga taong lobo gaganapin sa Rosv Forest." Utos ni Alpha Alfonso sa anak na si Lycaon.

"Opo ama, kailan ang alis namin?" Tanong ni Lycaon.

"Kailangan nyo nang umalis mamayang gabi. May importante akong bagay na kailangan harapin kaya ikaw na muna ang kumatawan sa ating grupo." Sagot ni Alpha Alfonso sa anak.

"Tungkol po ba yan sa nababalitaang pagtataksil?" Tanong ni Lycaon.

"Oo anak, kung tama ang kutob ko ay kailangan ko na siyang harapin sa lalong madaling panahon." Sagot ni Alfonso.

"Naiintindihan ko po, ama" sagot ni Lycaon at lumabas na ng silid ng kaniyang ama.

Nang gabi ding iyon ay umalis si Lycaon kasama ang dalawa sa mandirigma nilang lobo at ang beta niyang si Rahul.

-----------

"Lapastangan ka! Tama nga ang hinala ko na ikaw ang ang traydor sa ating samahan at hindi ang Alpha ng Blue Moon Pack."galit na sigaw ni Alpha Alfonso sa beta niya.

"Ngayong alam mo na. Oras na para patahimikin ka. Isusunod ko ang anak mo para ako na ang mamuno dito." Sagot ni Toshir na ama ni Rahul.

Agad niyang inundayan ng saksak si Alfonso ng punyal na gawa sa pilak.

"Ah.."palahaw ni Alfonso na di na nagawang makailag dahil sa pagkabigla.

Agad iyong hinugot ni Alfonso sa kaniyang tiyan upang umagos ang masaganang dugo.
Pagkabunot niyon ay ubod lakas na isinaksak iyon sa dibdib ni Toshir.

Tumumba ang dalawa sa sahig at habol hiningang gumapang sa may pinto si Alfonso ngunit di na siya umabot at tuluyang nang namatay.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lycaon na kagagaling lamang sa pagtitipon.

Nakita pa niya ang nakahandusay na ama kasama ang beta nito sa sahig na pawang wala ng buhay. Di nagtagal ay naging abo ang mga Ito. Tila wala sa sariling nilapitan niya ang punyal na nasa abo ni Toshir.

Itinaas niya ito at sinipat ng mabuti ang punyal na tumapos sa buhay ng kanyang ama. Agad niyang nakilala kung saan nagmula ang punyal. May nakaukit na simbolo sa hawakan nito na tulad sa Blue Moon Pack.

"Aahhhhh..."nag ngangalit sa galit na sigaw ni Lycaon.

"Mag hihiganti ako! Isinusumpa ko. Uubusin ko ang lahi nyo at tanging ang Dark Shadow Pack lamang ang matitirang lahi ng mga taong lobo!" Sigaw ni Lycaon.

"Itong sariling punyal nila ang ibabaon ko sa Alpha ng Blue Moon Pack."bulong ni Lycaon sa sarili.

Nagpalit siya ng anyo at umalulong nang nakakahindik balahibo ang ginawa niyang pagtangis.

Unwanted Substitute Of Heart #completeWhere stories live. Discover now