Una

6.4K 141 19
                                    


Halos takbuhin na ni Raine ang papasarang gate ng San Gabriel Academy (SGA) ang pribadong eskwelahang pinapasukan niya. Late siya kasi hindi agad naubos ang pandesal na tinda niya sa harapan ng Caring Hearts Foundation-ang bahay ampunan na tinutuluyan niya. Hindi din kasi niya pwedeng hindi maubos iyon ngayong araw, bukod sa wala siyang babauning pera, masasayang lang ang ipinihunan niya.

Napapalatak siya nang biglang may humintong sasakyan sa harap niya. Magara iyon, makintab, parang bagong labas sa casa. Pero kahit pa gaano kaganda ang sasakyang nasa harapan niya gusto niya itong pagpira-pirasuhin dahil muntik na siyang mabundol.

Putspa! Kesyo bago ang kotse may karapatan nang dumisgrasya!

Nakita niya ang gate pass ng SGA sa windshield ng nagmamagaling na sasakyan. Taga SGA ang may-ari ng hinayupak ng kotse. Napairap si Raine ng wala sa oras. Inis na inis siya sa mga mayayaman na estudyante ng SGA. Magara ang kotse, maayos manamit, kulang na lang gawing confetti ang mga pera nila sa bulsa para adornohan ang mga nilalakaran nila, PERO, wala namang brains.

Pwe! Walang silbi!

Hinintay niya ang pagbaba ng bintana sa drivers side ng kotse pero di iyon nangyari. Inaninag na lamang niya ang lulan ng kotse pero kahit iyon ay di rin niya magawa ng maayos dahil heavily tinited ang sasakyan. Umusad ang kotse papasok ng gate ng SGA. Habang siya ay nagngingitngit pa din malapit sa nakasara nang maliit na gate.

Shit! Sarado na ang gate!

"Kuya Guard, pakibuksan po ulit itong gate papasok na po ako, sige na po, please," ani Raine sa supladong guard na sa sa hula niya ay na mukhang naga-andropause na ata kahit na mid 20s palang nag edad.

Sumitsit ito."Alis diyan! Di ka na pwedeng pumasok.Late ka na! NAguumpisa na ang flag ceremony, sige na umuwi ka na."

Naimbyerna agad si Raine pero pinigil niya ang pagbulwak ng naguumapaw na inis niya. "Kuya, Manong, Sir, sige na po. Ngayon po ang umpisa ng periodical exams, hindi po ako makakapag-exam pag di niyo ako pinapasok, please."

Muling umirap si manong guard. "Hindi nga pwede ang kulit mo ah! Uwi na! Tsupi!"

Naikuyom na ni Raine ang mga palad. Gusto na niyang sugurin ang pinaglihi kay Hitler na guard ng SGA. Ilang beses na niya itong pinompyang, binugbog at kinalbo sa isip niya, maibsan lamang ang inis na nararamdaman niya.

Nagbuga siya ng inis na hininga at nag-isip.Hindi siya pwedeng hindi pumasok ngayon. Ilang minuto niyang pinagana ang isip at di naman siya binigo nito.

*******************************************

"Okay class, 1 more minute to finish your test after that finished or unfinished pass your papers," sabi ng teacher nila sa social studies na si Ms. Medina.

Mabilis na ibinalik ni Raine ang pansin sa sinasagutang exam paper. Actually, kanina pa niya tapos iyon ayaw lang niyang ipasa kasi gusto niyang ulit-ulitin na ireview. Kailangan kasi perfect ang score niya, di pwede na kagandanhan lang puhunan niya, kailangan mayroon ding laman ang kanyang beautiful brain. Dapat isa lang ang kapintasan na masasabi ng mga tao sa kanya, yan ay ang pagiging ulila. Pero kahit naman iyon ay di niya ikinakahiya, eh ano kung laking ampunan siya, bakit ba?

Nang muling magsalita si Ms. Medina ay agad siyang tumayo at nagmatrsa patungo sa lamesang okupado ng guro sa harapan ng blackboard. "Perfect again Francine?"

"I am hoping Ma'am," nahihiya niyang sagot sa guro. Nginitian lang siya nito at siya naman ay tuluyan ng lumabas ng classroom. Palabas na ang halos lahat ng mga estudyante sa mga classroom, lunch break na kasi. Kung ang lahat ng estudyante papalabas ng HS building siya naman ay hindi, papunta siya sa likod para kumain ng lunch. Sa likod ng building ay may mga puno at sa lilim niyon ay may mga rock set na pwedeng tambayan at doon ang lunch area niya. Siya lang kasi ang nagbabaon, mas tipid kasi. Di niya kagaya ang mga kaeskwela niya na proud iwagayaway ang mga hawak na take out na kape na mahigit isandaan ang presyo! Nananakit ang batok niya tuwing nakikita niya ang mga ito.

My Gorgeous Protector (Protector Series 1)Where stories live. Discover now