Pangatlo

2.9K 106 13
                                    

Higit ang hininga na hunarap ng salamin si Raine. Dumating na naman ang araw na kinakatakutan niya ang Christmas Vacation.

Ayaw na sana niyang magempake. Pakikiusapan na lamang niya sana si Mr. Leo na kahit sa pasko na lang siya pumunta sa bahay ng mga ito pagkatapos ay uuwi rin siya sa CHF sa gabi. Pero mapilit si Ms. Monet. Kailangan daw ay ipakita niya kay Mr. Leo ang pag-appreciate niya sa mga bagay na ginagawa nito para sa kanya. Tutal naman daw at isang linggo lang sa isang taon ang pakikipanirahan niya sa guardian niya.

Kaya hayun siya nakaharap sa salamin at sinisipat ang sarili kung maayos na ang itsura niya.

Wala naman talagang aayusin, dahil na rin sa pananalig niya na talagang nakakasilaw ang ganda niya.

"Uy girl! Kanina ka pa diyan ah. Kahit pa magbabad ka ng ilang oras diyan di na magbabago ang itsura mo!" ani Kira na nakapamaywang sa pinto ng kwarto niya.

Nakangisi siyang lumingon dito.

"Alam ko Kira naguumapaw ako sa kagandahan."

"Magkape ka nga para tablan ka naman ng hiya! Puro kagandahan mo na lang ang bukambibig mo ah!"

"Eh alangan namang kagandahan mo?"

"Siempre, kung ikaw naguumapaw ang kagandahan, ako bumabaha ang kagandahan ko sa sang kalupaearth."

"San banda? Turo mo." Napahalakhak siya.

Napaingos si Kira ng wala sa oras.

"Bruhilda ka talagang babaita ka! Ang lakas mong mang-asar. Sige lang manawa ka kaka-api sa kagandahan ko. Bawing-bawi ako mamaya pag umeksena na si Madam Dragonica."

Agad na nalukot ang mukha ni Raine sa tinuran ng kaibigan. Ang Madam Dragonica na tinutukoy nito ay si Ms. Rosie ang sawa ni Mr. Leo.

Matary ito. Strikta. Animo laging may stiff neck sa taas ng chin up nito tuwing nakikita siya. Noong bata siya ay narasan niyang mapalo at nakurot nito. Pero wala nang sasakit pa sa mga salita nitong makalusaw ng pagkatao.

Tinawag siya nitong anak sa labas, putok sa buho, oportunista, at kerengkeng.

Anong alam niya sa pagkerengkeng, kinse lang siya! well technocally magsi-sixteen na siya bday na niya next week, New Year's Day.

Madumi ang utak ng Dragonica na yun. Kaya kuntodo iwas siya. Masakit din sa bangs kapag nakikipagusap ito sa kanya kasi naman minsan nagi-Italian ito. Gaya niya half Italian ito pero laking Milan,kaya matatas itonf mag-italian. Eh siya, sa ganda lang yalaga siya mukhang Italyana.

Mayamaya pa ay may bumisina na sa baba. Tiyak niya iyon na ang sundo niya. Makailang-ulit siyang huminga ng malalim bago lumabas ng kwarto. Kaagapay niyang bumaba ng hagdan si Kira. Nasa puno na siya ng hagdan ng iabot sa kanya ni Kira ang malaking takip ng kawali.

"Para san to?"

"Pag nagbuga ng usok ang dragon gawin mong shield!" natatawang paliwanag nito.

"Siraulo ka talagang baklita ka! Uhm!" mahina niyang itinuktok sa ulo nito ang takip ng kwali. "Andyan si Mr. Leo mamaya marinig ka!" saway pa niya sa baliw na kaibigan na tawa ng tawa.

"Oo na sige na! Pinapatawa lang naman kita. Basta may idea ka na kung sakaling magbuga ng apoy hahaha!! txt mo ko girl ha!" pahabol pa nito.

"Oo na babush!"

Agad siyang tumakbo patungo sa lobby ng CHF.Naroon na din ai Ms. Monet. Napabaling siya sa kotseng nakahimpil sa tapat ng gate ng CHF. To her disappoinment, hindi si Mr. Leo kundi si Carlo ang sundo niya. Kilala niya ang kotse nitong muntil ng sumuro sa kanya noong isang linggo.

My Gorgeous Protector (Protector Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon