Pangalawa

3.3K 130 4
                                    


Halos gapangin na ni Raine ang pag-akyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto. Kagagaling lang niya mula paglalakad pauwi galing SGA.

Oo nilalakad niya ang papunta sa SGA at pauwi hg CHF. Malapit lang naman kasi anim na kanto lang ang layo ng eskwela at ng inuuwian niyam. So keri lang.

Pagoda. Yan ang laging drama ng buhay ni Raine. Kasi naman gusto niyang yumaman ng bongga. Hindi lang para sa kanya kundi na rin para sa mga bata sa CHF. Mayroong 30 na bata na kinukupkop ang foundation. Lima sa mga ito ang may sakit at pawang mga abandonado.

Kaya todo kayod din si Raine, para kahit papano makatulong sa CHF na naging tahanan na niya sa loob ng sampung taon.

Pahirap na pahirap na rin kasi ang pagkuha ng mga sponsors at donors para sa foundation. Minsan naririnig niya si Ms. Monet at Ms. Dianne na naguusap tungkol sa mga bayarin ng foundation. At kahit anong gawin na paglilihim ng mga ito, ay alam niya na nagkukulang ang pondo ng CHF para icover ang mga gastusin ng foundation.

She actually donates half of her monthly allowance to CHF. Noong una ay ayaw tanggapin ni Ms. Monet dahil baka daw magalit si Mr. Leo. Pero nagpumilit siya, her monthly allowance is actually worth 3 mos of her monthly expenses. Aanhin naman niya ang sobra?

Marahang ipinihit ni Raine ang doorknob ng kanyang kwarto. Agad siyang dumiretso sa pangisahang kama at niyakap ang stuff toy niya. Dahan-dagan siyang nagbuga ng hininga at tumihaya, ang mga mata ay nasa kisame.

Nakakapagod maging mag-isa.Kaya ramdam niya ang pinagdaraanan ng mga batang abandonado sa CHF. Kasi siya lumaki din siyang walang magulang.

Ano kaya ang pakiramdam ng may pamilya? Ni hindi man lng niya maalala ang knyang mga magulang. Tinanong niya iyon kay Dr.Andrew ang doktor niya. Amg sabi nito na may selective ammesia daw siya. Probably a result of a traumatic experience.

Napapikit siya.

Bakit ba kasi wala siyang maalala? Ano bang nangyari kasi?

In her heart she wanted to know her roots. But because she dont know where to start, it's not on top of her list. But she promised herself that she'll surely do to that in the future.

Mayamaya pa ay nakarinig siya ng katok sa pintuan at ang marahang pagpihit niyon.

"Girl! Hilata na naman?" nakaingos na puna ni Kira na nakapigtails ang maikli nitong buhok.

"Syempre pagoda. Wag mo muna akong asarin, magrerecharge lang ako promise," aniya na di natinag sa pwesto niya.

"Hmmp! Pano ka also di mapapagod, kulang na lang pati utang ng buong Pilipinas bayaran mo na sa OA mong pagbabanat ng buto ah! Imbes na pagpapaanda ang inaatupag mo, puro ka sideline dito sideline doon. Aba daig mo pa si Madam Selya?"

"Selya?" nagtataka niyang tanong.

"Selya ang babaeng walang pahinga," madramang sagot ni Kira na niyapos pa kiunwari ang katawan at ngumuso.

"Eewww! Ampangit mo!" nakataas ang kilay na sabi ni Raine at napilitan ng bumangon sa kama.

"Labas ka na nga, magpapalit lang ako tapos baba na ko. Mauna ka na sa kusina sigurado nagluluto na si Tito Boy at Tita Letty." Ang tinutukoy niya ay ang mga cook ng CHF.

"Uy bilisan mo ha, para maagao tayo matapos then mi-make upan kita ulit," excitd na pahayag ni ng bakla.

"Make up na naman? Tsk! Magrereview ako noh! Sige na! Labas na! Labas na."

Tinulak na palabas ng pinto ni Raine anf kaibigan.Madali siyang nagpalit ng damit pambahay at bumaba sa kusina.

Siya at si Kira ang nakatoka sa pagsusukat ng mga kakainin ng mga alaga ng CHF. Maingat niyang binuhat ang tray ng puno ng rasyon ng pagkain para sa mga bata na naghihintay sa dining.

My Gorgeous Protector (Protector Series 1)Where stories live. Discover now