Chapter Four

1.2K 47 13
                                    


AUTHOR'S NOTE

Devin's POV already here. Ang kabuuan ng chapter na ito ay para sa kanya lang. Enjoy guys!!

CHAPTER FOUR

MULA SA kanyang ginagawa, nag-angat ng paningin si Devin sa aparatong kanina pa nag-iingay. Walang tigil iyon sa pagtunog. Nakukunsumi na siya sa kaingayan niyon at naiistorbo pa ang ginagawa niya. Wala siyang balak sagutin iyon. Alam niya kasi na isang tao lang naman ang ganoon kakulit para istorbohin siya kahit na nagta-trabaho.

Tumigil sa pagtunog ang cellphone ngunit panandalian lang iyon dahil muling naglikha ng ingay ang aparato. Marahas siyang napabuntung-hininga. Naiinis na tumayo saka nilapitan ang tumutunog. Inabot niya ang cellphone. Dapat talaga nilalagay niya sa silent mode o kaya vibrate mode ang tunog niyon. Pero hindi naman niya pwedeng gawin iyon dahil ito ang ginagamit niya sa mga transakyon sa kanilang kompanya. Maling bagay talaga na ibinigay niya ang personal na numero niya sa kaibigan, na kahit lumipas ang mga taon ay nanatiling matatag.

"Ba't ka na naman tumawag? Ano na naman ang kailangan mo?" Nayayamot na bungad-tanong niya sa kabilang linya. Tumawa lang ito.

"Dahil kailangan kita."

"Ano na naman ba ang kailangan mo, Theo?"

"Kailangan ko ng kasama sa pagbabakasyon."

Umungol siya bilang protesta. "Alam mo na abala akong tao. Marami akong dapat tapusin dito sa opisina. I don't have time for leisure, Perez."

"I know right. Kaya nga kita iniimbitahan dahil alam ko na wala ka ng social life. Palagi na lang trabaho ang ginagawa mo. Lahat na lang ng atensyon mo ay doon. You are too young to be uptight, Devin."

"And you are so happy-go-lucky guy just like a youngster. I don't care if I'm going too uptight. Pinaghahandaan ko lang naman ang future ko."

"Oo nga. You are gaining money. Pero social status mo naman ang naaapektuhan. Hindi ko man lang nabalitaan na lumabas ka para makipag-date sa babae... o lalaki man. Ilang taon ka na bang single?"

"You know that I don't have time for that."

"You don have time my ass, Devin! Tell me, hanggang ngayon b---"

"Stop that," he said. Hindi na niya pinatapos pa na sabihin ni Theo ang dapat nitong sabihin.

"If you wanted me to stop then join me for a vacation. Tamang-tama na long weekend. We have lots of time to spend in the beach. Samahan mo ako."

"Paano kung ayoko?" Pagmamatigas niya.

"You know what I can do, Devin." Anito.

Napapalatak siya. "Whatever."

"Ipapaalam kita kay Dad."

Napabuga na lang ng hangin si Devin sa sinabi ni Theo. Kapag ganoon na ang sinabi nito, tiyak na hindi na siya makakatanggi pa sa imbitasyon nito. Malakas ang kapit nito sa boss niya na siyang ama nito.  Sa kompanya ng ama ni Theo siya nagtatrabaho. Mahigit tatlong taon na rin siya sa trabahong iyon. Sa tatlong taon na pamamalagi sa kompanya ay marami na siyang naipundar para sa sarili.

Ayos lang naman kay Devin na maburo siya sa trabaho. Ang mawalan ng social status dahil kahit papaano ay may mga kaibigan naman siya. Matagal nang isinara ni Devin ang sarili sa pakikisalamuha sa iba pagkatapos ng nangyari sa kanya. Pagkatapos niyang malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Pagkatapos niyang masaktan at masira ang tiwala niya sa mga taong nasa paligid niya. Sa totoo lang, kahit halos anim na taon na ang nakakaraan parang kahapon lang na nagdaan para sa kanya ang mga nangyari. Matindi ang kapit niyon sa memorya niya. Hindi na nga yata mawawala sa sistema at buong pagkatao niya.

String from the Heart Book TwoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum