Chapter Forty (Part 1)

730 24 8
                                    

CHAPTER FORTY

NANG LAPITAN siya ni Hyde kanina sa sala at ilang sentimetro ang nasa pagitan nila ay sobrang pagpipigil ang ginawa niya para lapitan at halikan ito. But now that they are in this kitchen he couldn't take it anymore.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay tuluyan na siyang lumapit dito. He cupped his face. Tinitigan niya ang mukha nito at huminto sa labi.

Before Hyde mutters a single word he lowered his head then captured his lips. Nang maglapat ang kanilang labi ay tila binalik siya niyon sa mga panahon na magkasama sila. Sa panahon na walang problema at nagkakaunawan. Were things are easy and not complicated.

Ninamnam niya ang paghalik dito sa kabila ng pag-aalinlangan. Ibinuhos niya ang kanyang puso. Gusto niyang ipadama rito na sa kabila ng mga bagay na nangyari sa kanilang dalawa ay ito pa rin ang tinitibok ng puso niya. Na kahit na nagalit siya rito ay mahal pa rin niya ito.

Nang gumanti si Hyde ng halik ay tuluyan ng nawala ang agam-agam sa kilos niya. Mas lumalim ang halik nila sa isa't-isa. Hindi naging hadlang ang karga ni Hyde na sanggol sa pagitan nila. Mas mahalaga ang nararamdaman nila at maipadama iyon.

Natigilan lang siya sa paghalik dito nang may malasahan siya na maalat. Lumayo siya rito at tiningnan ito.

Puno ng luha ang mata ni Hyde.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong."

"I miss you, Jake." Tanging nasabi nito.

Mas lalong bumuhos ang luha nito. Walang ibang nagawa si Jake kundi ang yakapin ito. Sapat na sa kanya ang ganitong sandali. Yes, they will talk but at this moment talking is not a main thing to be done. Mas importante na maipadama nila sa isa't-isa ang nararamdaman.

NAABUTAN NI Devin sa living room ang dalawang bata. Kababalik pa lamang niya mula sa pagbili ng pagkain nila. Bumili na rin siya ng ilang gamit ng bata kaya natagalan siya. Nang makita niya sina Aveen at Sethi na abala sa panonood ng palabas sa telebisyon ay agad niyang kinuha ang atensyon ng mga ito.

"Nasaan si Tito Hyde niyo?" Tanong niya sa mga ito.

"Nasa kusina po. May kausap na lalaki." Bibong sagot ni Aveen.

Ginulo niya ang buhok nito. Hindi naman na siya nagtataka na nandito ngayon si Jake. Tanggap niya sa sarili na anumang araw ay pwedeng bumalik si Jake para makipag-usap kay Hyde.

Nang makita niya ito kanina sa labas ay may galit na lumukob sa kanya. Sobra ngang pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya para lang huwag itong masuntok. Pinairal pa rin niya ang tamang pag-iisp kahit na galit siya rito sa ginawa nitong panloloko kay Hyde.

But now, knowing that the two are talking in the kitchen and anytime will make up, he can't stop himself from hurting. Hindi niya maiwasan. Parang gusto niyang bumalik sa pagiging makasarili at angkinin si Hyde at maging kanya. Pero alam naman niya na wala siyang laban. Si Jake na ang tinitibok ng puso nito. At kahit na anong mali ang magawa ng isa't-isa ay mananatili ang malalim na pagmamahalan.

"Gusto niyo po bang makausap si Tito Hyde?" Tanong sa kanya ni Sethi.

Nginitian niya lang ito. Ngiti na alam niyang hindi umabot sa kanyang mata.

"Hindi na. Let them talk, Sethi. Huwag natin silang istorbohin."

Right now he wanted to do things that will make him forget.

"Gusto niyo bang mamasyal na dalawa?" Tanong niya sa mga ito.

"Opo!" Magkasabay na sagot ng mga ito.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now