Chapter 8

27 4 3
                                    

"People change. But it doesn't mean that they change a lot."


"Everything happens in a reason."


"You can't change the past, but you can learn from it."


Iyan ang mga salitang pinaniniwalaan ko. Alam ko na babalik pa sa dati ang lahat. Si Vina. Babalik sya sa dati nyang saya at pagmamahal sa mga bagay o mga taong nasa paligid nya. Alam kong nangyayari ang mga bagay na ito samen nang may rason. Siguro, sinusubukan ang katatagan naming magkapatid o pamilya. Kung malalagpasan ba namen ang mga problemang ito o hindi. Pero naniniwala din ako na...


'Hindi magbibigay ng hamon sa buhay ng isang tao ang diyos, kung hindi nya alam na kaya natin itong lagpasan.'


Ilang segundo, Minuto, Oras, At araw narin ang lumilipas. Busy sa kanya-kanyang trabaho o pagpasok ang mga tao. Kahit Inaantay ang oras o araw ng kanilang pahinga, hindi parin mawawala sa kanila ang tiyaga o sipag na maitaguyod ang kanilang pamilya o pag-aaral. Iyan ay para sa mga taong pinagpala nang kasipagan. Pero syempre, may mga tao rin namang hindi na magkanda-ugaga na dumating ang araw ng kanilang pahinga. Minsan nga, kapag alam na nila na malapit na... hindi na sila pumapasok. Kalilimutan ang mga dapat gawain at magpapakasaya nalang sa kani-kanilang gawain o pasyalan kung saan man nila gustuhin.


Mabilis lumipas ang oras. Hindi naten namamalayan na tapos na pala, tapos na ang oras ng ating paggawa, Pagtulog, Pag-aantay, at higit sa lahat... maaaring tapos na pala ang oras naten para manatili sa mundong ito.


Isang linggong puro pag-aaral ang aming inatupag para sa darating na Test pagkatapos ng Sembreak. Lahat masaya. Ang iba nama'y naiinip na. Ang iba'y wala namang pakialam. Pero ang buong barkada namen... masaya at pagod na pagod. Dahil sa pag-aaral ng husto, at para sa darating naming bakasyon ngayong linggo.


At simula na bukas, nang kasiyahan, bagong pag-asa o bagong simula. At higit sa lahat, ang gusto ng buong barkada...


Ang Adventure.


>>>


"Guys! Nandito na tayo!"-sigaw ni Olivia samen pagkababa namen ng van    "Welcome to... Adventurist Resort."-todo ang ngiti ni Olivia


"Wow Olivia! Ganito kalaki ang Resort nyo? Ang ganda..."-manghang sabi ni Harold


"Oo nga. Sigurado talaga ako. Maraming chika babes dito..."-kinikilig pang sabi ni Jin


"Hoy Jin Rivero. Nandito tayo para magsaya. Hindi para mambabae ka."-suway ni Meyanne sa kanya ng pagkalapit nya dito


"Ayon na nga Meyanne eh. Para magsaya. At sa mga babae lang ako nagiging masaya..."-sabay takbo ni Jin papasok sa Resort


"Hoy Jin! Bumalik ka dito! Antayin mo kami...!"-sigaw ni Meyanne pero hindi sa kanya nakinig si Jin


"Oo nga Jin antayin mo kami! Hindi mo ko pwedeng ubusan ng mga babae!"-sabay tumakbo narin si Harold kahit bigat na bigat sa dalahin nyang mga gamit


"Hoy!!! Bumalik nga kayo dito!!!"-hindi na nakapagpigil pa si Meyanne at sinundan na ang dalawa. Wala nalang kaming nagawa kundi mapangiti at tumawa sa kanilang tatlo.


Hidden IslandWhere stories live. Discover now