Chapter 15

23 4 2
                                    

( Vina POV )




"Hindi. Kung ako ang tatanungin, isa iyang... laboratoryo."-sabi ni Patrick




"Bakit naman magkakaroon nang laboratoryo dito? Isa itong isla."-sabi ni Kirstie




"Well... hindi iyon malabo. Kahit saan naman pwedeng magpatayo nang laboratoryo diba. At tsaka... May kutob ako na... May malalaman tayo diyan tungkol sa mga lobong humahabol saten."-suhestiyon ni Meyanne




"Sa tingin mo?"-tanong ni Jin




"Oo."




"Kung ganon, puntahan naten ang laboratoryo na iyan para may malaman tayo."-suhestiyon ni Patrick




Nagsimula nang maglakad ang mga kasama ko, pati narin ako




"Teka, sandali. Hindi kaya delikado kung pupunta pa tayo don?"-sabi ni Kathy. Pero walang pumansin sa sinabi nya, kaya sumunod nalang din sya samen.





>>>




Nandito na kami ngayon sa Labas nang laboratoryo. Tinignan ni Jin ang pintuan kung nakakandado ito. Pero sa laking gulat namen ay hindi ito naka-lock. Pumasok kami sa loob.




Bumungad sa amen ang makalat at Maduming loob nang laboratoryo. Maraming mga kagamitan sa Science ang nakakalat. May mga nakikita rin kaming pulang mga tinta sa paligid. Basag-basag ang mga salamin.




"Ahhh!"




Lahat kami nagsitinginan kay Meyanne dahil sa biglaan nyang pagsigaw.




"Anong nangyari Mey?"-tanong ni Jin nung pagkalapit namen dito




"Bu-bu-bungo."-sabay turo nya sa loob nang isang kwarto




Lahat kami napatingin sa tinuro nya. At nakita nga namen ang isang bungo. Sa paligid naman nito ay nakakalat ang mga kalansay. Nakakatakot kung titignan.




"Mukhang hindi lang iyan nag-iisa."




Sabay napatingin kami kay Patrick na ngayon ay may hawak na isang parte nang kalansay sa kanyang kaliwang kamay.




Tumingin kami muli sa paligid. Puro bungo nga't kalansay ang paligid. Hindi agad namin ito nakita dahil sa natatabunan ito nang mga Spiders web at ibang bagay na nakakalat.




"Ano bang nangyari dito?"-tanong ko




"Guys... kailangan nyo itong makita."




Napatingin ako kay Kathy. Nasa loob sya ngayon nang kwartong nakitaan ni Meyanne nang bangkay. Pinuntahan ko sya



"Ano iyon?"




"May nakita akong Video recorder dito. Hindi ko alam kung kanino. Pero nung binuksan ko ay may nakita akong babaeng nagsasalita. May sinasabi sya tungkol sa Red wolves? Pero hindi ko na natapos dahil sa Na-lowbat agad."-sabi nya habang hawak ang video recorder




Kinuha ko sa kanya ang Video Recorder at pinipilit itong buksan ngunit lowbat na talaga ito.




"Ano iyan?"-tanong ni Jin




"Video recorder. Mukhang may naka-save dito na kailangan nating panuorin. Kaso lowbat na."-paliwanag ko




Ano ba iyan. Kung kailan may malalaman na kami tungkol sa mga asong lobong iyon, tsaka pa ito na-lowbat.




Hidden IslandWhere stories live. Discover now