Chapter 14

22 5 0
                                    

( Patrick POV )



Ano bang naisipan nito at biglang nag-emote? At tsaka... hindi pa ba sya hihinto sa paglalakad? Kanina pa napapagod ang mga paa ko sa kasusunod sa kanya.



"Vina sandali!"-sigaw ko sabay hawak sa braso nya, dahilan para huminto sya at humarap saken na hindi nya kagustuhan



"Ano bang problema mo?"



"Problema ko? Baka problema mo. Kanina ka pa naglalakad. Hindi ka ba natatakot na baka may makasalubong kang asong lobo?"



"Why do I care? Maganda nga yon eh. Para lapain na nila ako at mawala na ko sa bwisit na mundong ito. At para hindi ko narin makasama o makita manlang kayo. Liars."-sabay naglakad na muli sya. Pero pinigilan ko sya



"Ano ba?! Pwede ba huwag ka ngang humarang sa dinaraanan ko!"-reklamo nya



"Vina. Bakit ba palagi mo nalang itong ginagawa? Pinapahirapan mo ang mga taong gustong mapalapit sayo at dating malapit na sayo. And you can't see? This Island had a Wolves that eating people. Hindi ka manlang ba natatakot?"-Sabi ko "You said you want to die. If you want then go over yourself. Hindi na kita pipigilan. Pero sana isipin mo at intindihin na kapag namatay ka, mababalewala na ang lahat."-lumapit ako sa kanya nang kaunti "May mga tao parin na nag-aantay sayo. Saten. Kahit wala na ang iba, hindi man nila naisin pero ang iba sa mga kaibigan naten ay nagsakripisyo para lang mabuhay tayo, kahit na wala iyong kasiguraduhan."-Nilapit ko ang bibig ko sa tainga nya at bumulong "Think of it Vina. They chose to die to makes us live. Tapos babalewalain mo ang lahat nang iyon. Think Vina. Think."-sabay dumiretso ulit ako nang tayo sa harapan nya.



Kita ko sa mukha nya, lalo na sa kanyang mga mata ang pagka-guilty. Hindi ko naman maiaalis sa kanya ang galit. Lahat kami may kasalanan sa kanya.



Pero hindi rin naman sya nakikinig samen. Maski isa sa mga ekplanasyon namen, wala syang pinakikinggan.



"Bumalik na tayo."-sabi ko



Nakakailang hakbang palang ako, nang biglang...



"AAHHH!!!"



"Ano iyon?"-biglang tanong ni Vina



Kung tama ang pagkakarinig ko, Boses iyon ni Troy. Hindi ako pwedeng magkamali, sa kanya nga iyon. Pero sana mali ang iniisip ko. Sana hindi pa sya patay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag mamamatay sya dito sa isla.



Tulad nang hindi nya rin ako mapatawad sa nangyari.




===



( Troy POV )



"AAHHH!!!"



Napahawak ako sa Kanang binti ko. Ang sakit. Sobra ang sakit. Natusok ang binti ko sa isang matulis na kahoy. Nalaglag kasi ako sa Bundok. Buti nalang ay hindi ito ganoon kataas. Kung hindi baka wala na ko.



"Ahhh!!"



Kapag ginagalaw ko ang binti ko, lalo itong sumasakit. Lumalakas din ang daloy nang dugo. Pero kung hindi ako aalis agad dito, Malaki ang kasiguraduhan na dito na talaga ako mamamatay.



*Growl sound*



Nagtago ako sa malaking bato na malapit saken para hindi ako makita nang asong lobong sumusunod saken. Sinisilip ko sya. Inaamoy nya ang amoy ko para matukoy nya kung nasan ako. Alam kong hindi nya agad ako maaamoy, kung wala lang sana ang sugat na ito. Sigurado ako ngayon na naaamoy na nya ang dugo ko.



Hidden IslandWhere stories live. Discover now