andromalius contract

241 22 12
                                    

SIMULA

"MARI," malamig na boses na iyon na puno ng pananabik.

Isang tipid na ngiti lang kanyang ang itinugon bago kunin nito ang punyal at tahimik na hiniwa ang kanyang kaliwang palad. Napakagat-lab siya nang maramdaman ang hapdi. Nagsimula nang umagos ang kanyang dugo. Agad niyang inabot ang panulat at idinampi ang dulo niyon sa kanyang dugo. Sinimulan niya ang pagsuat at hinintay ang magiging tugon mula sa nilalang na nasa harapan. Ilang saglit lang ay nagsimula nang maglitawan sa papel ang mga salitang animo'y isulat gamit ang itim na tinta.

"Tinatanggap ko," sagot niya at dahan-dahan itong nilagdaan.

Ngumiting muli ang babae. "Ibibigay ko ang iyong kagustuhan."

---

MULA sa kotseng kulay puti bumaba ang team ni Mari para sa isang dokumentaryo ng kanilang trabaho. Mahabang biyahe ang kanilang tinahak bago marating ang kanilang kinaroroonan.

"So, ito na ba ang sikat na lumang gusali kung saan sinasabing may kababalaghan na nangyayari?" napalingon siya sa tanong ni Micha na abala sa pagkuha ng litrato pagkababa palang nila sa lugar. "Hindi pa ba tayo papasok?" muling tanong nito sa kanya.

"Hindi pa kailangan natin hintayin si Miss April." Si Ilene ang sumagot.

"Sinong yun?" tanong nya.

"Padala siya nung kagawad na nagbigay sa akin ng permit para dito. Siya daw mismo ang nage-escort sa mga historians at sa mga taga media na gustong makita itong gusali."

Tinignan niya ang gusali wala naman itong kakaibang nakikita. Mukha pa nga itong hindi natapos na gusali.

"Parang wala namang kakaiba sa gusali na 'to."

"Mamaya sa loob makikita niyo."

"Anong meron sa loob?"

Sasagot pa sana si Ilene nang may biglang tumigil na motorsiklo sa likuran nila. Sakay nito ang isang babae na sa tingin nila'y kaedaran nila. Seryoso ngunit maangas ang dating nito. Nagpakilala itong si April.

"Kayo ba 'yong taga media?" tanong nito sa kanila at nagsindi ng sigarilyo.

"Yes." Sabay-sabay naman nilang tugon.

"Bakit naman sa dinami-dami ng lugar ito pa ang pinili niyong puntahan?"

"Interesting kasi ang kababahalaghang nandito." Tugon ni Ilene.

Tumawa ito. "Interesting? Ano bang akala niyong makikita dito, Hotel? Playground?"

Napakunot noo siya sa narinig. Iniinsulto ba sila nito? Sasagot sana siya nang magsalitang muli si Ilene.

"Hindi naman, Miss. Ito lang kasi ang napili namin para sa dokumentaryo ng aming team."

Nainis siya. Kahit kailan talaga ay hindi niya maintindihan si Ilene. Kahit iniinsulto na'y kalmado pa rin ito.

"O siya pumasok na tayo sa loob. Importanteng hindi tayo abutin ng alas-sais ng gabi doon." Nagsimula itong humakbang papasok.

"Bakit naman?" tanong ni Micha.

Napatigil si April at tumingin sa kanila. Pero sa halip na sumagot ay nagbuga lamang ito ng usok at nagpatuloy sa paglalakad.

MALAKI ang espasyo sa loob ng gusali. Mayroon itong dalawang palapag. Tanging mga kahoy, hollow blocks at iba pang mga construction materials ang makikitang nakasalansan sa paligid.

Naglakad sila sa sa mahabang pasilyo sa unang palapag. Ilang bakanteng silid din ang nadaanan nila.

"Ah Miss April, anong building ba dapat ito? Tanong ni Micha.

WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORYWhere stories live. Discover now