a letter for her

88 7 2
                                    

Day 366
It's been a year since you left. Napakaraming nangyari sa loob ng isang taon na wala ka.
Natatandaan mo pa ba nung bago ka umalis? Pumunta tayo sa beach house nila Micha noon kasi diba birthday ni April, pero ang gusto nya sa beach house nila Miks ganapin ang birthday nya para maiba naman daw. Tandang-tanda ko pa noon na inis na inis ka kay April kasi nga ayaw mo sa beach dahil hindi ka nakakapag-swimming kapag sa beach. Tuwang-tuwa ako sa inyo ni April nun lalo na nung malaman nyang naiinis ka sa kanya, so ang ginawa nya bumili sya ng swimming pool na pangbata para sa'yo, ikaw naman lalo kang nainis at para hindi ka na mainis, lumusong kaagad si April dun sa pool na pangbagets tapos bigla kang tumawa nun, yung pinaka malakas mong tawa, kita pa nga ngala-ngala mo eh, tapos sinabi mo pa nun na ang pangit tingnan ni April dun sa pool habang tumatawa ka pa rin. After that lumusong ka na rin para makipag-harutan kay April, si Miks ang very busy sa pagpe-prepare ng foods natin kasi sa ating apat si Miks lang ang marunong magluto, ako naman ewan ko ba, parang ang gusto ko lang gawin nung time na yun ay ang panoorin kayong dalawa ni April magharutan, sobrang saya n'yong pagmasdan noon, para bang bumalik kayo sa pagkabata habang parehong nagsasaya. Nakaka-miss yung pagiging sweet mo, yung pagiging maalalahanin mo, at higit sa lahat yung pagiging masayahin mo, kasi sa ating apat ikaw lang ang may kakayanang tumawa kahit nahihirapan ka na. Kayang-kaya mong harapin lahat, nakakamangha rin na napakatapang mo sa t'wing pinagtatanggol mo kami sa mga nangloloko sa amin eh kung titingnan ka parang ni hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo.
Nakakalungkot lang na hindi ka namin nakasabay na maka-graduate 3 buwan matapos mong umalis, masaya kami nila Michs na natapos na namin ang paghihirap sa kolehiyo pero mas masaya sana kung kasama ka naming grumadweyt. Bakit kasi umalis ka kaagad? Hindi mo muna hinintay ang graduation natin. Eh diba eh ikaw pa nga yung sobrang excited sa ating apat?! Tapos ni hindi mo manlang hinintay! Yan tuloy na agaw na ni April ang award na para sa'yo sana, ayaw pa nga ni April nung unang tanggapin kasi sabi nya para sayo daw talaga ang award na yun, pero hindi pumayag si dean kaya ibinigay pa rin kay April, alam mo ba kung anong award ang tinutukoy ko? Eh ano pa ba eh di yung award na matagal mong pinaghirapan ang pagiging cum laude. Oo alam ko na masaya ka para sa'min pero higit na mas masaya sana talaga kung nandito ka.
Alam mo bang nagkabalikan na si April at Zeus?! Oo, ang arte nila noh sa huli naman pala ay sila pa rin. Si Michs? Ayun single pa rin ang drama ng ate mo. At ako naman, ayun ENGAGE na ako!!!! Yiehhh nagpropose na si Rye sa akin, nakakahiya nga eh kasi duon pa sa tambayan nating coffee shop sya nagpropose pero ganun parin naman ang sasabihin ko, na sana nandito ka sa mahahalagang pangyayari sa buhay namin ngayong taon na 'to.
Alam ko na masaya ka na kung nasan ka ngayon at alam ko rin na palagi ka lang nandyan, na palagi mo kaming binabantayan.
Don't worry alam ko naman na darating at darating ang panahon na magkakasama-sama ulit tayong apat sa iisang lugar. And I am always ready if that time will come. I Love You. We Love You.
You will always remain in our hearts Maki.
Love,
Yewonly

Nandito ako ngayon sa cemetery death anniversary ni Maki. Inilagay ko na ang letter na isinulat ko para sa kanya, isiningit ko lang ito sa bulaklak na inilagay ko sa puntod niya. Hayyy! Ganun naman talaga ang buhay diba! May nawawala pero may darating at alam ko na kahit ilan pa ang dumating eh walang papalit kay Maki sa puso namin. Alam ko na may plano Siya kung bakit nya kaaagad kinuha sa amin si Maki, maybe it is for us to be awaken in the reality of life and that is to cherish all those simple moments with the people around us because no one knows if it is going to happen again or not. And my life with Maki is really worth to cherish.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon