Chapter 4

105 19 18
                                    

Be fan, Have Fan, Be Electric fan!

--------------------------------------------------------

Asyang POV:


Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng daan papunta sa squatter na to! At ang matinde pa doon ay dito kami nakatira dati! Dito sa mabaho at panget na squatter na to!!


So ang ibig sabihin ay sa likod ng subdivision na tinitirhan namin ay ang dating squatter na tinitirhan namin?!!


Grabe.


Naglakad muna ako at isa-isang tinignan ang mga bahay ng dati naming kapitbahay. Hindi parin ako makapaniwala.


Pabalik na sana ako sa dinaan ko kanina ng biglang may tumutok ng kutsilyo sa leeg ko.


"AKIN NA ANG PERA MO KUNG AYAW MONG MAMATAY!"


Kinapa ko ang bulsa ko at may nakuha ako 200 pesos at binigay ko sa kanya.


Mabilis naman nya itong kinuha at itinago sa kanyang bulsa. Agad naman syang kumaripas ng takbo pero tinawag ko sya ulit. Pero naka cross arms na ako.


"HOY! BUMALIK KA DITO!" Kaya naman bumalik sya ngunit bakas sa mukha nya ang pagtataka.


Buti pa sya bumabalik. Eh yung mga ballpen nyo kaya?


Kinuha ko ang wallet ko at inilabas ko ang limang libo. Binilang ko ang pera sa harap nya.


Oh ayan! Limang libo yan ha! Sa susunod na mang hoholdup wag kang cheap! 200 pesos lang nakuha mo tapos tatakbo ka agad?! Kapag manghoholdup ka dapat simutin mo yung pera nya pero wag mo syang sasaktan! Tatakutin mo lang! At huwag na huwag kang manghohold up ng Poor! Okeh?! Sa mga mayayaman lang like meh! Kuha mo?!" Tumango naman ang lalaki at nagsulat.


"Ano naman yang sinusulat mo?" Tanong ko


"Mga advice mo. Para magamit ko kapag mang hohold up ako."


"Very Good."


Biglang sumigaw ang isang Police at tinutukan kami ng baril.


"YOU'RE UNDER ARREST!" 


"Uy koya hindi kita sinumbong"


"Pakyu miss" Bulong ng lalaki sakin at pinandilatan ako ng mata.


"Labyutu bhe" Sabay kindat ko sa kanya.


"Ikaw rin sumama ka samin!" Sigaw ni manong police.

The Boy In My ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon