Chapter 1: The Site and The Author

2.2K 27 4
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 1: The Site and The Author

"Alyssa, anong pwedeng gawin sa PC mo. Ayaw ko ng mag-fb at mag youtube eh." Ipinatong ko ang siko ko sa table na pinagpapatungan ng computer nina Alyssa. Kanina pa akong nagf-fb at nagy-youtube pero nababagot na ako.

"Try mong mag-twitter. Malay mo may makausap kang artista."

"Eh? Bored na nga akong makipagchat sa foreigner dito sa fb. Dugo na ang ilong ko tapos pinapag-chat mo ulit ako. Ay papatayin mo ba ako?"

"Patayin mo na lang iyang PC ng hindi ka mahirapan sa paghahanap ng sites na pwede mong ipantanggal ng bagot mo."

Iniyuko ko ang ulo ko at isinandal sa table ng PC. Hay naku, pag pinatay ko to mababagot na lalo ako. ARGGHHH!!

"Wala bang fairygod bespren diyan na pwedeng magbigay ng site na pwedeng magtanggal ng bagot na bumabalong sa aking katawan?" Sabi ko.

"Hoy Nikko, ang bakla mo. Oh ito oh. Try mo na lang toh." Lumapit siya sa computer at hinila sa akin ang keyboard.

"Ano yan?" Takang-taka ako sa kanyang ini-type sa keyboard. "Wattpad.com?"

Tumingin siya sa akin ng nakakunot. Para bang sinasabing gusto-mo-ba-o-ayaw. Hinayaan ko na lang siyang magset ng site baka mamaya mabugbog ako nito.

Pinindot niya yung 'enter' key saka lumabas ang isang site.

"World of unlimited stories? Ang jologs naman."

"Hoy, wag mong gaganyanin ang wattpad. Ang astig kaya nito. Ang daming astig na story dito 'no."

"Ah sige sige. Ano bang meron diyan sa wattpad na yan." Takang tanong ko. Hindi talaga ako updated sa uso ngayon. Paano ba eh sa cellphone pa nga lang 1998 na model pa ata.

"Can't you understand? Unlimited stories nga diba e'di stories."

"What?" Sigaw ko. Mananakit ang mata ko nito.

 Hindi ko na nga kinakaya na tumitig ng matagal sa screen tapos pagbabasahin mo ako nito. Naku naman.

"Sandali, ihahanap kita ng story." Nagtype siyang muli at ..

"Alyloony? Anong story yan? ARAY!" Binatukan ba naman ako. Hinimas ko ng natatawa ang aking batok. "Para saan iyon?"

"Adik ka talaga. Siya yung author. Yung nasa taas na part ang title." Iniwan na niya ako at umakyat na siya sa kwarto niya. Binasa ko ang story nito at parang isa akong bata na kinekwentuhan ng aking mga tito tungkol kay Santa dahil nahikayat ako ng story para tapusin. Ang galing ng pagke-kwento.

 Hindi talaga ako mahilig magbasa pero bakit ganito, ang astig.

For the first time, I found a good thing with this 'Alyloony'. Hindi ko siya kilala pero for the first time, may isang part sa akin na parang nagi-idolize sa kanya. Masyado kasing wagas ang mga patama sa pag-ibig. Tsaka bago pa rin pala siya sa wattpad, pero ang astig niyang gumawa ng story.

*Dugdug*

Agad akong napakunot at napalunok. Hanla ano iyon? Inlove? Wews. Hindi ko nga kilala iyang Alyloony na iyan tapos inlove na agad?  Ano ito, story sa wattpad.

 Ang labo ha! Ngayon ko nga lang nalaman na may Alyloony sa wattpad at ngayon ko lang rin nalaman itong wattpad na iyan eh. Ang drama ng buhay pag inlove ka sa hindi mo kakilala 'no kaya wag niyo akong idadamay d'yan sa kadramahang iyan.

Napatingin ako sa right side ng wattpad. Ano itong 'VOTE' na to? Para saan. Ay siguro para sa nomination for president. I-clinick ko pero nanghihingi ng account. Wala pa nga pala akong account dito.

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon