Chapter 14: Prince James

332 6 0
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 14: Prince James

[Alyssa's POV]

I decided na mag-move on na agad kahit hindi naging kami ni

Nikko. Masakit pero pipilitin ko. I am accepting the fact na hanggang bestfriend lang kami lalo na nung sinabi niya kanina na...

"I'm your bestfriend. I care!" Bestfriend lang talaga.

Pang-asar na luha, ayan na naman oh. Bakit ba palaging parang may sariling buhay na ang aking mga luha. I wiped my tears pero nagulat na lang ako ng may isang lalaki na nag-abot ng pulang panyo sa akin.

"You can cry on me. I'm worth than that guy." Napatigil ang luha ko at napabalik ulit sa mata ko. Nang-gu-good time ba siya. Mas karapatdapat? Eh parang ngayon ko nga lang siya nakita e.

"Sino ka?" I asked.

"Prince. Prince James Rosales. Pj na lang kung gusto mo. Pwede ding Prince o James bahala ka." Sabi niya at inilahad ang kamay. Inabot ko naman ito. "Im a school mate of yours and I'm watching you from afar. Hindi ko kasi kayang magsalita sa harap mo eh. But this time I will make sense. Can I court you."

Napaatras ako at the same time eh nanlaki ang mata ko. Nanloloko ba siya? If yes salamat sa joke niya at napagaan niya ang loob ko. Pero nung tiningnan ko naman siya, seryoso siya. Napa-kunot tuloy ako ng noo.

"Hindi nga? Seryoso ka?"

"Yap! Hay sabi na nga ba hindi ka maniniwala sa akin eh."

"Eh kasi parang baliw ka. Manliligaw ka talaga?"

"Oo nga.Will you give permit?"

"Permit? Sa panliligaw?" Tanong ko. Nagstart na akong maglakad. Sumasabay naman siya."No, offcourse."

"I don't care. Basta I will." Sabi niya.

Umuna ako ng lakad pero sinasabayan niya ako. Ano ba itong lalaking ito. Sunod ng maigi eh.

"Bakit ka ba nasunod."

"Sasabayan kita." Ang kulit talaga ng lalaking ito.

"Sisigaw ako ng rapeist"

"Ok lang. Atleast kasabay kita."

"Aw ang sweet!" Sabi ko na parang nangangarap. "RAPEISSSSTT!"

Nagulantang siguro siya kaya agad niyang tinakpan ang aking bibig. Hindi tuloy ako makapagsalita.

"fbuciriesrynelshaib."

"Ha?" Sabi nito. "Hindi kita maintindihan." Tinanggal ko ang kamay niya.

"Adik ka pala eh. Paano mo ako maiintindihan kung nakatakip yung bibig ko."

"Oo nga no. Hindi ko naisip yon." Napakamot ako ng ulo. Hindi niya naisip iyon?? Baka wala siyang isip.

"Eh??" Ngumiti siya sa akin. "Uuwi na ako. Wag kang susunod kundi ipapa-human punching bag kita kay kuya."

"Chill. Kung ayaw mo bukas na lang tayo mag-usap." Sabi nito at saka ako nagpunta pauwi ng bahay.

Sino ba iyong mustard na iyon. yelow na Yellow ang buhok eh. Walang magawa? Pero bakit niya kilala ako? Bakit niya alam na may gusto ako kay Nikko. Stalker ko siguro. Pero yung lalaking iyon? Mas gusto ko pa ang single kesa sa manligaw siya no. Yabang masyado.

Naglalakad ako ngayon sa locker room ng school. Nakita ko si Nikko na nakaupo sa mga bench doon na hawak ang isang tablet. Si Alyloony na naman ang mine-message niya.

Eh ano naman kung si Alyloony yun diba? Ano sa akin. Iiyak na naman ako? No Way. Magmo-move on nga ako diba. Dapat hindi na ako umiyak. Pero hindi ko mapigilag malungkot kaya napasandal ako sa pader.

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon