Chapter 6: Secrets

403 9 0
                                    

Reaching Alyloony

Chapter 6: Secrets

[Troy's POV]

"Nikko, usap naman muna tayo."

"Nakain pa ako. Masama akong magutom." Sabi nito.

"Pakiusap. Tutulong ako sa 50k mo." Napatigil siya sa pagkain at tumayo. Tumingin ito sa akin and he grabbed me.

"Deal." Sabi nito at nakipag-shake hands. Haha. Hindi ko alam kung bakit dead na dead kay Alyloony itong lalaking ito pero.. Ok na rin. Atleast makakatulong na siya sa akin. "Tara sa SC room."

"Diba bawal doon?"

"Hindi iyan."

Naglakad na kami papuntang SC room. Wala kasing gaanong tao lagi doon. Kadalasan kasi palagi lang nasa gate ang SC eh. Kaya walang tao.

Binuksan ko na ang SC room. Hindi naman naka-lock kaya nakapasok kami agad. Malinis naman ang room nila kaso masyadong mainit. Binuhay ko ang eletric fan ng room saka nagtanggal ng polo. Naka-shirt naman ako kaya ok lang.

"Ano na? Magkano bang patak natin." Binukas ni Nikko ang kanang palad nito. Itinuturo naman niya ito gamit ang hintuturo niya habang itinataas baba ito.

"Mamaya ka na. Kailangan ko munang magpatulong sa iyo." Sabi ko. Umupo ako sa table ni Erin. Kahit siya ang may-ari nito, active pa rin siya sa mga ganitong org. Siya ang president ng SC. Galing ni Erin ko no?

"Ano ba kasing problema." I opened Erin's table. Kinuha ko ang isa sa mga papel dito and wrote. "ERIN"

"Si Erin?" Sigaw nito.

"SHHHH! Tahimik." Sabi ko.

"Tol, torpe mo. Ayaw mo pang manligaw?"

"Yun na nga eh. Hindi ako marunong."

"HAHAHAHAHA!" Tawa nito. "Varsity player tapos hindi marunong manligaw?" Tumawa ito ng tumawa. Bastardong bata.

"Turuan mo akong manligaw." Napatigil naman siya sa pagtawa. Mas maigi na ito kesa maingay siya. he gave me a smirk.

"Magkano ba ang kaya mo?" Inilagay niya ulit ang kamay niya ng nakabukas at tmawa ng tumawa. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niya. "HAHA! Biro lang. Sige tutulungan kita."

"Anong first step ko?"

"Ewan." Sagot nito. "Hindi rin ako marunong manligaw eh. HAHAHA!"

Tumayo ako at binigwasan si Nikko. Asar.

Seryoso ako tapos siya naman pala ang hindi nagseseryoso. Nangaasar ba ito? Kung hindi ko lang ito kaibigan, napatay ko na ito.

Agad akong lumabas ng room at nagulat ako sa nakita ko.

[Erin's POV]

Hindi pa rin mawala sa aking alaala yung aking regalo kagabi. Sino kaya ang lalaking nagbibigay sa akin ng regalo. pang7 na ata iyon sa buwang ito ah. And mostly sa mga araw na nadito lang ako nagbibigay yung lalaking iyon. Sino kaya yun?

"Ay kabayo," Muntik na akong madapa sa kakaisip kung kanino nanggaling ang regalong iyon. may bato palang nakaharang. Natalisod tuloy ako.

Iyan kasi eh. Naglalakad papuntang student council  room  pero kung ano-ano ang iniisip. Hindi pa natingin sa daan.

Pero alam niyo, may isang tao lamang akong iniisip na sana siyang yung nagbibigay ng regalong iyon. Si Troy.

Pero malabo. Wala namang araw na nakikita ko siya roon sa aking Resto eh kaya malabo.

Reaching AlyloonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon