Chapter 31: The Downfall of Crisanto

280 10 0
                                    

Mere's POV

Nagkagulo ang pamilya ni Ash sa biglaan niyang pag-alis. Tama ngang inayos niya ang business nila ni Raven pero ang family business nila ay iniwan niya ng ganun na lang.

Napilitan tuloy ang Dad niya na bumalik sa puwesto para i-handle iyon...pero nagkaissue, due to incompetency at credibility issues nila ay napalitan ang Dad niya sa pagiging CEO. Pinagtulungan sila ng shareholders.

Hindi rin naman makapagfocus ang magulang niya sa business dahil sa pag-aalala sa kanya. They're looking everywhere for their son but he's nowhere to be found. His Mom kept on calling me, hanggang sa gumive up na ito dahil alam niyang wala rin akong alam.

Na tulad nila, ay iniwan din ako ng anak niya. Mas pinili niyang iwan kami para madugtungan ang buhay nung babaeng iyon. You can all curse me and tell me how evil I am, pero hindi ako magpapakaplastic sa nararamdam ko. I hate Jewel so much, sagad na sa buto.

"Hello...please, Peter. Kung narereceive mo 'to. Have him call me, please..."

Pang ilang beses ko ng voice mail yun kay Peter, since hindi ko macontact si Ash ay sa kanya ako nakakita ng pag-asa nang malaman kong active pa ang number niya.

This is so depressing. Makakasama sakin ang ganito, para na kong mababaliw sa pag-aalala. Ang dami ng nangyayare, nagkakagulo na dito at di pa siya bumabalik. Paikot-ikot na ko sa kwarto ni Seth. Teka. Nasan na ba yung batang yun?

Bumukas ang pinto ng kwarto niya. Pawis na pawis siya at nakasimangot.

"Ayan. Binilan na rin kita ng ticket. I'm coming with you though" kinuha ko ang notepad na binagsak niya sa kama.

He found it. The address. Naiyak ako sa sobrang saya, I miss him so much. Gustong gusto ko na siyang makita. Humiga na si Seth sa kama niya, mukha siyang pagod di ko alam kung pano niya nahanap ang address na 'to kagabi pa siya hindi umuuwi.

"Saan ka nga pala galing kagabi?"

"Murdered someone." sinamaan ko siya ng tingin, I don't like that joke of his, lagi niyang sinasabi yun.

"Sabunutan kita dyan eh! Saan nga?"

Nagbuntong hininga siya at dumapa sa kama.

"Hinanap ko yang address na yan. Bakit mo ba hinahanap ang ayaw magpahanap? Magdadalawang buwan na Mydee. Hindi ka nga kinokontak eh"

"He gave you plane tickets and even have someone to help you study abroad, that's his plan, to divert your attention para hindi mo na siya maisip"

Umiling ako sa kanya. Hindi iyon ang plano ni Ash. At kung ayaw niyang magpahanap ay wala siyang magagawa dahil hahanapin ko parin siya.

"Sa dinami dami ng hihilingin mo para sa birthday mo ito pa hiningi mo sakin. Pwede namang magdate na lang tayo" bubod pa niya,

Natawa lang ako, humiga ako sa likod niya.

"Aissh!!!! Ang bigat mo!!!"

"Tara ililibre kita sa cafè ni Gail! Dali!!!"

"Ayoko! Pagod ako!" pagsusungit nito,

"Dali na kasi. Seth naman eh!"

"Aiiiissshhh!!!! Hindi porket di ako nakakatulog di ibig sabihin na ayaw kong matulog o magpahinga! Pagod ako!"

Umalis ako sa likod niya at hinila ang binti niya. "Mamaya ka na magpahinga, sige na! Bili tayo ng cake, wala akong cake nung birthday ko"

Now that's effective. Tumihaya siya at tumingin sakin. "You're like the most annoying and spoiled sister I NEVER had" bubod nito sabay hagis sakin ng unan.

Cards: Ash CrisantoWhere stories live. Discover now