Chapter 21: Serendipity

734 17 4
                                    

Mere's POV


Okay kasama ko last night si Ash then ngayong umaga pagising ko hindi nya ko pinapansin, iniisip ko nga kung nagoover think lang ako or talagang hindi nya ko pinapansin! Lumalabas sungay ko sa bwiset na un!!!!

Lumabas na ko ng kwarto sigurado hindi pa yun umaalis, pinipilit kong kumalma baka nga kasi ako lang nagiisip di ba?!

Ayun ang nilalang, nasa ref naghahalungkat.

Nakauniform na sya? San niya kinuha yun?

Lumapit ako sa kanya. Gwapo!!!!

"Goodmorning." bati ko

"Morning."


"Galit ka?"


"Nope." Sabi niya habang naghahalungkat padin sa ref.


Wala namang laman yan eh, tubig lang!


"Okay fine. I guess our game is done Ash? Bye bye Mere na lang noh?"


Nakatayo lang ako napipikon kasi ko matapos nung kagabi? Tapos ganito? Ang gulo naman. Pag ba gwapo talagang paasa?!


"No. Wala lang ako sa mood. Pasok muna ko. I'll text you later baby" malamig niyang sabi saka humalik sa labi ko.


Wala sa mood? Iyun lang yun?


"Pasok ka sa school? Hindi mo ko sasabay? Iisa lang school natin Ash"


"Hindi ako diretso sa school punta muna ko office" sabi niya at naglakad na paalis ng kitchen

Ok.


Nagbihis na ko. Hindi ako papasok sa school, tinatamad ako parang ayoko ng mag-aral ulit.


"Pero hahatid muna kita sa university bago ko pumunta ng office, bat di ka pa nakabihis?" Seryosong tanong nito


"No thanks, may pupuntahan ako saka nakakatamad pumasok"


Okay na tong suot ko, tinatamad na kong magpalit, nakatattered leggings ako na black at sweatshirt hoodie na panda, kay snowy ata to eh hiniram ko dati.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang nag aayos ng damit sa couch

"Kahit saan."

"Sige" sabi niya at tumayo, nagdiretso ito sa pinto.

Sige?

Edi sige.


Sumunod na kong lumabas at nilock ang apartment, pansin kong hindi pa siya umaalis.


Hindi ko siya pinansin naglakad lang ako at oo maglalakad lang ako!


ANO NAMAN KUNG FERRARI KOTSE MO?!!! ANO NAMAN HA?!!!
ANO NAMAN KUNG NAKAKAPAGOD MAGLAKAD KUNG PWEDE NAMAN AKONG SUMAKAY DI BA?! ANO NAMAN?!


"Therese."


"Kyrian"


"Nag-aaway nanaman ba tayo ng lagay na to?"

"Ewan ko sayo Ash, ikaw magsabi sakin kasi sa pagkakaalam ko okay tayo kagabi tapos ganto ka ngayong umaga"


Bumaba na ito sa kotse at hinawakan ako sa balikat at hinarap sa kanya.


"Mere, wala lang ako sa kundisyon ok? Hindi ako galit sayo o kahit anong iniisip mo wag ka ngang oa pwede ba?"


Siguro dapat magusap na kame sa mga bagay bagay hindi ba?


Cards: Ash CrisantoWhere stories live. Discover now