Chapter 33: What She Wants

276 10 2
                                    

Mere's POV

I feel dizzy. Tuwing dumidilat ako ay umiikot ang paningin ko kaya pumikit ulit ako tas dilat ulit. My throat's sore and dry hindi ako makalunok. I reached out to my side ng maaninag kong may mineral bottle doon.

"Mydee..." napadilat ako ng tuluyan ng marinig ko ang boses niya.

"Seth. Seth..." tuyong tuyo ang lalamunan ko, halos walang boses na lumalabas. Mabilis niya kong inalalayan. Yumakap ako agad sa kanya, tila sa isang pitik ay bumuhos ang mga luha ko.

"Umuwi na tayo Seth..."

"We will. Once we got the doctor's approval"

Tumingala ako sa kanya, tila naguguluhan. He held my face, wiping my tears away. I know he hates it whenever I cry, at alam ko ring galit siya.

"You had an internal bleeding. But it's safe, you're safe." napasinghap ako, what the...

"Nandito ang doktor, she will explain it to you." inalalayan niya ko sa pag upo, inabutan rin ako ng tubig ni Seth. Pumasok ang isang amerikanang doktor.

"How're you?" ngiti nito,

"I feel dizzy...and thirsty" tulala kong sabi,

"Is that why you're crying?" nag-aalala niyang tanong, umiling ako.

"You have to take care of yourself. And what you did, taking an extremely dangerous pill, almost cause your miscarriage. Did you know you're pregnant?" umiling ako ulit. Tumango ang doktor.

"I see." tinanong niya ko kung kelan ang huli kong period and I almost couldn't remember when, ang alam ko lang ay nagkaspotting ako bago umalis ng bansa. Inisip ko kung paano nangyareng nabuntis ako.

I remember those times we made love. Nung mga panahong nag-aaway kami tungkol kay Jewel. He never pulled out, hindi kami gumagamit ng contraceptives. Napahilamos ako ng mukha, I've been careless. Masyado akong naging kampante nagpadala sa emosyon ko. All because I thought he chose me, akala ko kasi ako na. Napapikit ako sa pait na naramdaman ko.

Hinayaang akong umalis nung doktor. Pero bed rest dapat ako ng isa o dalawang araw bago bumyahe ulit.

"Buong araw ba kong tulog?" Katabi ko si Seth sa kama, pinagtatalop ako ng mansanas. Mula kanina ay pansin kong hindi siya gaanong nagsasalita.

"32 hours and 44 minutes. Akala ko mag-aala sleeping beauty ka na" umirap ako sa tono ng pananalita niya,

"Snowy was there, you know? At lahat ng mga kaibigan ni Ash. The way they looked at me, naaawa sila sakin Seth. And I-I...I p-pity myself that time..." binitawan niya ang kutsilyong hawak niya, napatingala siya sa sobrang irita. And I sounded like a child na nagsusumbong sa nanay. Which is kinda funny since never akong nagkananay para pagsumbungan.

"Jewel told me before...na siya ang pipiliin ni Ash...and he did...he chose her Seth...may suot silang singsing..."

Makes me think. Am I really part of his choices? Baka hindi naman talaga ako kasali. Baka naside track lang siya noon at confused sa feelings niya dahil akala niya'y di niya mahal si Jewel? Maybe I'm just the collateral damage, naging kasangkapan lang siguro ako para matuklasan niya ang totoo niyang feelings.

"Do you want to eat something else? Ano gusto mo?" Diretso ang tingin niya sakin, umiling ako.

"Okay. Naayos ko na ang bills, okay ka na ba?" tumango ako at ngumiti,

"Where's my bag nga pala? Nandun ang passport ko at mga ID" at naiwan ko rin pala ang isa kong ID dun sa guard sa bahay ni Ash.

"No one surrendered your bag. Driver ng cab ang nagdala sayo dito, siya rin daw ang naghatid sayo kila Ash."

Cards: Ash CrisantoWhere stories live. Discover now