50

772 44 24
                                    

"You look," panimula ni Jeonghan at nag-glare sakanya si Jisoo, "good." Pagtapos nito sa sasabihin.

"No joke. You still look good. Hindi halatang may sakit ka," sabi ni Jeonghan.

"Tungkol sakin lang ba ang paguusapan natin?" tanong ni Jisoo.

Ngumiti si Jeonghan at umiling, "Hindi," sabi nito.

"May sasabihin ka ba?" tanong ni Jisoo at uminom ng iced coffee na dala niya.

"Oo," Jeonghan said and chuckled.

"Siguraduhin mong importante 'yan," sabi ni Jisoo.

"Para sakin importante. Ewan ko lang sa'yo," sabi ni Jeonghan at tiningnan siya.

Umihip ang malakas na hangin. Medyo mahaba ang buhok ni Jeonghan kaya hinawi niya ang buhok na humarang sa mukha niya.

"Tungkol saan ba?" sabi ni Jisoo.

"Sakin? At medyo tungkol sayo?" sabi ni Jeonghan.

"Nothing related to my mom?" tanong ni Jisoo.

"You really hate your mom, huh?" sabi ni Jeonghan at napa-iling, "Wag ka mag-alala. Hindi to related sakanya."

"Then what is it?" tanong ni Jisoo.

Tiningnan naman siya ni Jeonghan sa mata at humugot ito ng malalim na hininga. Medyo kinakabahan rin dahil sa sasabihin niya.

"I," sabi ni Jeonghan at huminga ng malalim at napapikit ng mariin. He also clenched his fist.

"Naalala mo yung tinext ko sayo dati?" pag-bago niya sa sasabihin niya.

Napakunot naman ang noo ni Jisoo, "Saan doon? Marami kang tinext sakin," sabi nito.

"Yung tinext kita na anong gagawin mo kapag may gusto ako sayo," sabi ni Jeonghan.

"Ah, ayun. Bakit? May gusto ka ba sakin? natatawang tanong ni Jisoo.

"Oo," sabi ni Jeonghan at natigilan naman si Jisoo sa pagtawa.

"Oo. Gusto kita."

*

Happy New Year! 😊🎉

Wrong Send | SeoksooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon