Part 17.

8.5K 235 2
                                    

Claire's POV.

"Uncomfortable." Walang gana kong saad at napapangiti na lamang si Yaya. Nakikita ko ang ibang tao na nakatingin sakin, and that's what makes it more uncomfortable.

This is so uncomfortable, hope my day ends now. Pronto.

"Iha, ito ba ang sinasabi mong kakainan natin?" Nanlalaking matang tanong nito sakin.

"Yes, I'm sure you'll gonna like it. This is Korean Village Restaurant." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Ang ganda dito, hija. Nakakatuwa naman yung mga nakasabit." Maganda nga, dumaan pa kami ng Intramuros para dito.

Mamaya naman ay pupunta na kami sa SM para mag grocery, mamamasyal rin kami. Nakakapagod.

Nang makapasok kami ay bigla akong napangiwi, bakit ang malas ko? Narito lahat ng kateam ko sa basketball.

"Yaya." Tawag ko kay Yaya na tuloy-tuloy lang ang pag pasok, napabuntong hininga ako bago ko ito sundan.

"O, bakit na diyan ka pang bata ka?" Malakas na tanong nito kaya napangiwi ako at napatingin ang lahat ng nasa loob sa pwesto ko.

Medyo nailang ako at napaisip na baka malaman nila na isa akong babae.

Napayuko ako at dali-daling pumunta sa pwesto niya at naupo. Nakatalikod ako kila Ace, I hope they didn't see me.

"Yaya, sit." I ordered.

I cleared my throat, relax Riley. Relax. "Nag mamadali ka ata, hija?" Takang tanong nito pero hindi ko na siya sinagot. I look at her eyes.

"Yaya, when someone goes here and when they ask you who I am. Just say, I am Carl Rae's sister, alright?" Tumango ito sa sinabi ko. "Oh, at sabihin mo po pag tinanong na kamukhang-kamukha ko, sabihin niyo na triplets kami." Tumango ulit ito at tumingin sa menu.

Goats. What should I do pag nadulas si yaya? Whatever, it is what it is in my saying.

Maya-maya ay may waiter na nag-abot samin ng menu at hinintay kami nitong makapili, habang si Yaya naman ay patingin-tingin lang rito.

Nang makapagdecide ako ay tinignan ko ito.

"What's your order ma'am?" Ngiting tanong nito.

"Ah..." Hindi pa ako nakakapag salita ay humirit na si Yaya.

"Ah, bibimbap, hang over stew, kimchi, soft tofu stew, soju, at  tekbo... Ano bang tawag dito at nahihirapan ako?" Nakakunot noong tanong nito habang nakatingin sa menu.

"Tteokbokki." Sabi ko, at napailing dahil namangha ito. "Tig-dalawa ng mga yun, and two ice-tea please? Atsaka isang soju lang." Tumango ito at umalis.

Napalingon ako sa pwesto nila Ace, at busy sila sa pag ku-kuwentuhan. Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas.

In a few seconds nagulat ako ng biglang may lumapit sa table namin.

"Excuse me po, di ba kayo po yung yaya ni Carl?" Napatingin ako rito at napamura ako sa isip ko dahil nasa harapan ko si Kenneth at Ian. Fuck.

"Ay, oo ako nga! Parang namumukhaan ko kayo?" Nakakunot noong tanong ni yaya kaya hindi ako umimik.

"Hahaha. Nakalimutan niyo na po agad kami! Kami po yung nag punta sa bahay niyo kagabi, nag alis po kami kaninang umaga diba?" Napaisip si yaya.

"Ay, oo nga! Oo nga!" Nakaturo pang sabi nito kaya napahawak ako sa noo ko.

"Hahaha. Matanong lang po namin, sino po yang kasama niyo?" Tanong ni Ian at itinuro ako.

"Oo nga po, kamukha po kasi ni Carl." Tinignan ko ito at napataas ang kilay ko. Hindi nasagot ni yaya ang tanong nila kaya ako na lang ang nag sagot.

"Claire Riley Mendoza, Rae's twin." Nababagot kong pakilala sa kanila at nagkamot ang mga ito sa ulo nila atsaka naglahad ng kamay.

"Ang ganda pala ni Carl pag naging babae." Napapatawang sabi ni Justine na hindi ko namamalayan na nakalapit na pala rito.

Tinignan ko lang ito ng masama at wala akong sinabi.

Nang dumating na ang order namin ay umupo silang tatlo sa harapan namin ni yaya. "Aren't you gonna go there?" Mataray na tanong ko sa kanila kaya nag katinginan silang tatlo at napangiti.

"Well, if Carl's Yaya will be glad that we are here? We will stay, right bros?" At tinignan ni Ian sila Justine at Kenneth.

"Ay, pu-pwede naman mga iho! Walang problema!" Tuwang-tuwang sabi ni yaya.

Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang sila, at bumalik sila sa kanilang table at pag kapunta rito ay dala-dala na nila yung pag kain nila.

"And what are you doing?" Takang tanong ko sa kanila dahil dito yata nila balak kumain.

"Dito kami kakain!" Ngiting sabi ni Justine.

Napaawang ang bibig ko ng konti dahil sa sagot niya. Wala akong nagawa kung hindi napabuntong hininga, I wanna go home.

"Siya nga pala, kamukhang-kamukha mo talaga si Carl. Pero, mataray ka at siya naman suplado at isnabista!" Lihim akong napairap sa sinabi ni Justine.

"So?" Walang gana kong sabi kaya natawa si yaya sakin.

---

Ace's POV.

Napatingin ako sa kabilang table dahil doon pumwesto sila Ian.

"Why do they go there?" Tanong ko kay Bryan.

"Ah, nakita kasi nila yung yaya ni Carl. Sabi nila kamukhang-kamukha daw ni Carl yung babae doon. Triplets. Pinaka bunso ata o panganay." Sagot nito.

Napatango na lang ako at hindi na iyon pinansin, uminom ako ng Soju at tumingin kay kuya Cleo. Wala itong imik at nakatingin lang sa kabilang table.

Napabuntong hininga ako dahil nag kaaway kami ni Sofhia kanina. Misunderstanding lang naman.

Pero kapag tumagal yung away namin, I'll gonna break up with her.

That's my routine. Pag tumagal, then its a break.

"Hey, may practice na naman tayo sa lunes. Kapagod yun, two months na lang Interhigh na." Sabi ni Rex.

Napayuko ako at nag salin ng soju sa baso ko.

"Hoy, ano bang nangyayari sayo kutong lupa ka ha?" Tanong sakin ni Bricks.

"Wala." Sagot ko.

"Baka may war sila ni Sofhia!" Napakuyom ang kamay ko sa ilalim ng sabihin iyon ni Rex. Binuko pa ko ng gagong 'to.

Buwisit. Makakatikim ito sakin sa practice makita niya.

Basketball Queen [UNDER EDITING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang