Part 26.

8.2K 234 13
                                    

Rae's POV.

Nakarating kay papa ang nangyari sakin kaya maaga akong nakauwi at nakapag pahinga kahapon at ngayon naman nakatingin ako sa salamin, hindi ko kasi maiwasang mamangha sa itsura ko, ang gwapo ko pala talaga.

Bigla na lang akong napangiwi dahil sa nasabi ko, napabuntong hininga naman ako at tumingin sa bintana.

Napailing naman ako sa sinabi ko kanina na ang gwapo ko. But, seriously ngayon ko lang nakita ng mabuti ang itsura ko.

"Rae? Kumain ka muna nitong lugaw na niluto ko para sayo." Sigaw ni Yaya.

"Coming!" Sagot ko rito.

Bumaba ako habang may suot-suot akong jacket, ganto talaga ako pag may sakit. Madali kasi akong nilalamig pag may sakit ako at para pagpawisan na rin.

"O, masama pa ba ang pakiramdam mo?" Tinignan ko si Yaya at tumango ako rito.

Nagugutom ako, at nang hihina. Kailangan ko pang kumain ng marami para hindi ako manghina lalo pag nagkakasakit ako, at ayokong inumin yung mga gamot na dapat inumin pero hindi pwede, kasi baka lumala naman ang sakit ko.

"Yaya." Tawag ko rito pag kapunta ko sa dining ay nagulat ako sa nakita ko. "What the fuck are you doing here?" Nakasimangot kong tanong sa team, kaya pala tinawag akong Rae ni Yaya at hindi Riley o Claire.

"What? Masama ba?" Supladong tanong ni Ace sa akin at sumubo ng kanin at ang ulam ay Sinigang!

Inirapan ko naman ito at napailing na lang.

Siya naman agad ang nag iwas ng tingin at naupo na ako dahil wala naman akong magagawa. Ano bang trip nila at nagpunta pa sila dit? Umagang-umaga na rito ang mga asungot na'to.

"By the way, tanda mo naman yata na ngayon ang Acquintance Party hindi ba?" Tumango lang ako sa tanong ni Ace.

"At kung maayos na ang kalagayan mo ngayon ay dapat naroon ka. At kaya kami na rito ay para turuan ka ng steps ng sasayawin natin, sorry pero kahapon lang rin kami na inform na dapat mag sayaw tayo." Napakamot sa batok si Kenneth at tinignan ako na parang nang hihingi ng sorry.

"Okay. Fortunately, medyo ayos na naman na ko. Sinat na lang to, kaya ko naman mamaya gagaling na ako. Kaya mag practice na tayo pag katapos mag pahinga." Nag si tanguan na lang sila at magaan naman akong kumain na animoy walang sakit. Tch.

---

"Fuck! Hindi naman ako dancer, basketbolista ako! Sino ba kasing nag-imbento ng sayaw na yan." Iritang sambit ni Ace na nag mumukmok sa isang tabi.

"Walang magagawa yang pagrereklamo mo, kaya pumarito ka na at magpractice ka." Sabi ko sa kanya at sumunod naman ito.

Inistretch ko ang kaliwang paa ko ay nagsplit, bigla namang nag-ingay ang mga nasa likuran ko at nagsalita.

"Marunong kang mag-split?!" Gulat na tanong ni Nate.

"Tangina pre, di ba naipit itlog mo diyan?" Napangiwi naman ako sa tanong ni Ian.

"Yung tite mo pre, ayos pa ba? Baka di ka na buntis niya!" Ayoko na, suko na ko sa mga bunganga ni Justine at Ian.

"The hell?" Ngiwing sabi ko at agad na tumayo.

"Well, sorry sa reaction namin pero, bibihira lang talaga yung mga lalaking marunong mag split na tulad mo." Napapakamot sa ulo na sabi ni Justine.

"I understood." Sagot ko bilang pag intindi.

"Well, Start na ulit tayo? Kukulangin tayo ng oras." Sabi naman ni Allan, magaling siyang sumayaw, kaya parang nagkakasundo na kami dahil mahilig rin akong sumayaw. Nag si-pwestuhan na kami at kaming dalawa ni Allan ang nasa unahan. "From the top!" Sigaw nito at nagplay na ang music.

Ang unang kanta ay Roses, maayos naman ang pag kakasayaw namin kahit na puro rants si Ace.

Nagkakasabay naman kaming lahat, kahit na puro mura ang naririnig ko sa likuran namin ni Allan.

"Puta! Tinapakan mo yung paa ko!" Sigaw ni Nate.

"Hoy, ano ba! Yung kamay mo nakakatama!" Justine.

"Sorry, Justine! Hehehe." Kenneth.

"Lintik na sayaw naman ito o!" Ace.

"Nalimutan ko." Cleo.

"Wag ka nang masyadong umusod, nasisikipan ako!" Bryan.

"Nakakapagod naman 'to." Ellis.

"Sorry naman kasi! Alam mo naman di ako nasayaw kaya natatapakan kita!" Jason.

"Nakakauhaw." Jhon.

"Ang sabihin mo nakakapagod at nakakagutom!" Sigaw naman ni Ian.

"Wala na kong masasabi, nasabi niyo na lahat." Kent.

"Rae, anong masasabi mo sa mga nasa likod natin?" Tanong ni Allan sa akin habang tuloy lang kami sa pag sasayaw, at ang pangalawang kanta ay Jump shot.

"Maiingay at maaarte." Sagot ko sa tanong niya.

Tumalon kaming dalawa, at nakita namin sa likuran namin na nakaupo at nakahinga na ang sila.

Napailing naman si Allan dahil sa nakita, kahit ako kung hindi ako marunong sa isang bagay ay magrereklamo at tatamarin din ako.

Tuloy-tuloy lang kami ni Allan sa pag sasayaw at Despacito na ang sasayawin namin nag si tayuan naman sila at nag hubaran ng t-shirt dahil pasabog daw nila yun. Hindi ko talaga alam kung kulang sila sa aruga o sa pag-iisip.

"Oh, yeah!" Sigaw ni Ian at Justine.

Napatabi naman ako kasi nag rampahan sila pauna kaya napasayaw na lang kami ni Allan kasi kung anu-anong style na ang ginawa nila. Mga timang.

Nag play naman ang kantang Worth It at dahil alam na nila ang step eh sumayaw sila ng sumayaw, napatawa na lang si Allan dahil sa sayaw nila lalo na nong dalawang mag kapatid.

Si Cleo na parang nahihiya pang sumayaw pero todo bigay, at si Ace na feel na feel ang sayaw at napapapikit pa.

Si Justine na matigas ang katawan, si Ian na nakanganga habang na sayaw, si Kenneth na tawa ng tawa, si Nate na todo hataw kahit mali-mali na, si Jhon na parang baliw na mag sayaw, si Jason na hindi na makasabay kaya iba na ang ginawang steps, si Ellis na nakakasabay na sa mga steps, si Kent na walang imik at nakikisabay na lamang.

"Pwede na ba yang style nila?" Napapatawang tanong sakin ni Allan.

"Pwede na rin, freestyle naman eh." Napailing na lang ako. At sumayaw na lang kami ni Allan ng sabay.

Basketball Queen [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon