Pahabol III

3.3K 58 28
                                    

Talagang kapag nagexpect ka, hindi mangyayare yung ineexpect mo, MASASAKTAN ka lang nang masasaktan.

Supeeeeer saket.

Nakakadala talaga.

Kaya minsan hindi na lang ako nag-iisip. Iniiwasan ko siyang madaan sa isip ko, nagagawa ko naman. Pero syempre, tuwing gabi, bago ako matulog, hindi ko rin maiwasan maisip siya, mahirap kaya iwasan yon -_-

I REALLY OVERTHINK AT NIGHT.

Hindi naman agad mawawala yun, ilang araw palang nakakalipas :||

Hindi siya nagtetext, at naghihintay ako. Di ba nga TANGA AKO, KASI NAGMAMAHAL AKO.

--

Friday 2:47 pm

"Hello hoy. Ano ginagawa mo kapag nabobored ka?" Tanong ko kay Joanna sa tawag. Yun agad pambungad ko hahaha.

"Wala gaga. Nakahiga lang ako buong maghapon. Tsaka nagcecellphone."

"Di ka nagsasawa? Nakahiga ka maghapon e nakakapanlata yun. Ako walang magawa e, wala akong makausap sa bahay at wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, kaya idinadaan ko na lang sa iyak haaaay!"

"Papanget ka niyan kaiiyak mo. Akala ko ba hinayaan mo na siya? Bakit nagkakaganyan ka pa rin kik* ka"

"E sira ka ba, hindi naman agad agad mawawala yung sakit na to no. Ilang araw pa lang e, magbigti kaya ako no?"

"Hoy gago! Subukan mo, ako mismo sasakal sayo. Hindi solusyon ang suicide no, mapupunta ka lang sa impyerno, sira. " Sabagay, Tama nga si joanna. -____-"

"Oo na oo na. Sorry na, kasi naman. Bakit ganito. Alam ko namang pagsubok lang to, pero wala man lang akong karamay, nakakabagot e! Lagi pa ako ang napapansin sa bahay, papagalitan, maiiyak na lang ako sa sobrang inis"

"Ganyan talaga, alam mo, kayang kaya mo yan! Nung una nga nakaya mo, ngayon pa kaya? Sige na. Gumawa ka ng ikalilibang mo. Ako'y maglilinis ng kwarto ko. Iloveyou!"

"Lecheng to, binitin ako. Sige bye! Iloveyoumore"

Pagkaend ko ng call, nilibang ko na sarili ko. Naggitara ako, nagsoundtrip,nagwattpad, nanuod ng movies.

Hanggang sa maggabi na.

Pagkakain ko, naghugas na ako ng mga pinggan, tumambay sa terrace, tumingin sa stars habang nag-iisip. At kinakausap si Lord.

9:04 pm

Nagtext si Angel. Mamaya Gm lang pala e no. Don't expect don't expect

*Buns0.*

Okay. PM siya. Kinakabahan ako. Ano nanaman ba to, Lord, please :<

*Oh bakit*

Malata kong sagot. Ayoko na masyadong maging malambing, basta!

*s0rry dun sa nangyare :(((( s0rry kung sumuk0 ako,.. sorry kasi hinayaan kita na magkaganyan, s0rry kasi nasaktan nanaman kita :((((( sorry kung natakot ako. Oo alam k0ng weak ako, natatak0t kasi ako na may mapaiyak nanaman ako at may masaktan, at ayun na nga, napaiyak kta at nasaktan <////3 hindi k0 alam,. :(((*

Naluha ako. Masaya naman ako kahit papano kasi nalinawan siya, kasi nakapag-isip siya.

Nagreply ako.

*Wala yun ate. Wag mo na isipin yun. Sanay na ako ng ganito, yung laging umiiyak. Hahaha. Naiintindihan kita :)) Masaya ako kasi nalinawan ka na. Salamat kasi nakuha mo pa rin akong itext. Wag ka na malungkot ate, okay lang yun.*

Until we can (Real-life lesbian story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt