Chapter 1

160K 2.9K 629
                                    


"Aray ko!"

"Huwag kang gumalaw. Huwag ka ring maingay. Baka marinig tayo," bulong ko.

"Tanga ka ba? Ang sakit-sakit na kaya. Nakakangawit na," ganting bulong nito.

"Steady ka lang para hindi ka masaktan." Bumungisngis ako.

"Pero masakit na talaga! Palibhasa ikaw lang ang nag-eenjoy dito."

Muli itong gumalaw kaya napamura ako.  "Ano ba, Rafaela? Ang dami mong reklamo."

"Hoy, Anton, palibhasa ikaw ang nasa ibabaw kaya hindi mo nararamdaman ang sakit," mariin na sabi nito.

Ngumisi ako. Wala na siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa mga gusto ko. Panigurado akong pag-uwi namin mamaya, masakit ang buong katawan nito dahil sa ginawa namin.

Inayos ko ang pwesto ko dahilan kung bakit napasigaw muli si Rafaela.

"Anton, masakit!"

Napakamot ako. "Anak ng! Sinabi ng huwag kang maingay—"

"Antonina Cassidy Picunin and Rafael Alessandro Dominguez!"

Sabay kaming napalingon sa malakas na boses na iyon na sumigaw. Nang makita namin ang papalapit na pigura ng aming guro ay sabay ring nanlaki ang mga mata namin.

Tumalon ako mula sa pagkakatapak sa likod ni Rafaela. Habang napatuwid naman ito ng tayo mula sa pagkakayuko.

"Hindi na naman kayo pumasok sa subject ko!" Nanggigigil na sigaw ni Ms. Maligalig. Mula sa pwesto namin ay kita namin ang kanyang nanlalaking mga mata at naglalabasang litid sa leeg dahilan ng matinding panggigigil.

Napalunok kami at nagkatinginan ni Rafaela.

Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at hindi na rin ako pumalag.

"Takbo!" Sabay na sigaw namin at magkahawak na tumakbo.

***

"Kayo na namang dalawa?" Kumakamot sa ulong sabi ni Principal Roverto Dimapacali. Nakaupo ito sa likod ng kanyang desk. Mababakas sa mukha nito ang matinding pagkayamot. Medyo nakakalbo na kasi ito at habang pinagmamasdan ko siya ngayon na pulang-pula ay mas lalong naging katawa-tawa sa paningin ko ang itsura niya. Idagdag pa ang pangalan niyang Roverto Dimapacali.

I bit my lip, trying hard not to laugh. Napatigil ang hudyat kong pagngiti nang bigla akong sinipa sa paa ni Rafaela at pinandilatan. Magkatabi kasi kaming nakaupo at nakaharap sa aming butihing principal na kasakuluyan ngayong may sinusulat.

I glared at him. "What's your problem, jerk?" I hissed.

"Huwag mo nang hintaying ma-kick out tayo rito, Anton," bulong nito na may halong pagbabanta.

Principal Dimapacali cleared his throat. "The two of you will do community service."

We both groaned in protest.

Pinandilatan kami nito. "Heh! Magsitigil kayong dalawa diyan! Wala pang isang Linggo na nagsisimula ang pasukan pero nandito na agad kayo sa office ko?"

Rafaela grimaced.

I grinned. "Miss ka na kasi namin, Sir. Naisipan ka lang naming bisitahin. Dalawang buwan ka rin naming hindi nakita, eh." 

"Tumigil ka, Antonina! Ikaw!" Tinuro ako nito bigla.

Nagulat naman ako at pinigilang huwag matawa sa itsura niya.

"Kababaeng tao mo pero kung umasta ka dinaig mo pa ang mga malilikot na lalaki rito." Hinampas pa nito ang lamesa para siguro magmukhang nakakatakot ang nakakatawa niyang itsura.

I lowered my head and bit my lip.

I heard Rafaela chuckle.

Ngumuso ako. Patay ka sa akin mamaya, Rafaela.

"At ikaw naman, Rafael," biglang sambit ni Principal Dimapacali. "Kailan ka ba titigil sa pagiging side-kick nitong si Antonina, ha? Kailan niyo ba ako hindi bibigyan ng sakit ng ulo?"

It was my turn to laugh quietly.

Ngumuso rin si Rafaela sa sinabi ng aming Principal. Saglit itong lumingon sa akin at kumindat, na sinuklian ko rin naman ng kindat.

"Kung gusto niyong grumadweyt ng high school, magpakatino na kayo!" Humawak ang matanda sa kanyang sentido at minasahe ito. Pumikit ito sandali bago muling nagmulat at pinandilatan kami.

Rafaela and I flinched. Sa totoo lang, paminsan-minsan talaga ay nakakatakot din ang matandang ito.

"Hala sige. Lumayas na kayo sa harapan ko.  For two weeks, remember to clean the comfort rooms after your classes, and every Saturday, make sure that both of you will do gardening. Malinaw?" He said seriously.

We both nodded in defeat. Sabay kaming nanlalambot na tumayo at lumabas ng opisina ni Principal Dimapacali.

Pero bago isara ang pinto ng opisina ay nagkatinginan kami.

We both made a face. "Ikaw kasi," sabay na sabi namin.

***

"Kung hindi ka kasi sumigaw, hindi tayo maririnig ni Ma'am Maligalig," naiinis na sabi ko kay Rafaela.

Sinubo nito ang spaghetti at nagsalita kahit punong-puno ang bibig. "Kasalanan mo ito! Dinamay mo na naman ako sa kalandian mo." He rolled his eyes and continued to eat.

Padabog kong nilapag ang tinidor, dahilan kung bakit napalingon ang mga estudyanteng malapit sa amin. Oras kasi ngayon ng merienda kaya't marami-rami ang estudyante sa cafeteria.

"Wala akong pakialam! Ni hindi ko halos napanood ang practice game ni Nikos!" Humalukipkip ako.

Sarado kasi ang mga pinto sa gym dahil medyo istrikto ang bagong coach ng Basketball Team. Kaya ang naging pag-asa ko lamang para masulyapan si Nikos ay ang sumilip sa mga bintana. Subalit masyado itong mataas kaya pinilit ko si Rafaela na yumuko para may matungtungan ako. Sa malas naman ay nahuli pa kami ni Ms. Maligalig.

He just shrugged. Balewala nitong kinuha ang pinggan ko at kinain ang palabok na hindi ko nagalaw dala ng matinding inis sa kaharap.

"Hoy, jerk! Makinig ka sa akin!" Naiinis na sambit ko. Gusto kong tusukin ang mga mata nito ng tinidor.

Rafaela scowled. "Anton, ano'ng gusto mong gawin ko ha? Makinig maghapon sa kakareklamo mo sa naudyok mong kalandian?"

Uminit bigla ang ulo ko sa sinabi niya. "Kalandian? Hindi kalandian iyon, Rafaela!  Pag-ibig iyon!"

Rafaela smirked. "Oh really? Pag-ibig? Ilang lalaki na ba simula noong elementarya tayo ang sinabi mong pag-ibig mo? Kung bibilangin ko silang lahat, malamang puti na ang buhok ko, nagbibilang pa rin ako."

My eyes widened in shock. "You..you jerk! Hindi kaya! Hindi pa lang ako natatapos sa quest ko ng paghahanap sa tunay na pag-ibig."

"Good luck na lang sa quest mo. Huwag mo na akong idamay." Uminom ito ng Coke at sumulyap sa grupo ng mga babaeng kakapasok pa lamang. Nang mahagip ng paningin ng grupo ng mga babae ang pwesto namin ay nagsipagngitian ang mga ito sa lalaking kaharap ko.

Sinulyapan ko naman ang lalaki sa harap ko na ngayon ay abot-tainga ang ngiti. Kumaway pa ito na parang tatakbo ng Mayor.

Mukhang kinilig naman ang mga babae bago kumaway pabalik at naglakad patungo sa bakanteng silya na medyo malapit sa amin.

Humarap sa akin ang lalaki at ngumisi. Kinuha rin nito ang French fries na hindi ko ginagalaw at nilantakan.

I rolled my eyes. Jerk! Paano ko ba natatagalan ang hunghang na ito?

The Jerk Next DoorWhere stories live. Discover now