Chapter 10

10.8K 436 223
                                    

OST: How Long- Paper Kites


"Hi, guys! Sorry, we're late," nakangiting bati ni Nikos habang papalapit at isa-isang kinakamayan ang mga ka-miyembro niya sa basketball.

Kumaway naman si Brienne, dahilan kung bakit sumipol ang mga lalaki. Maganda, mestiza, matangkad, at sexy si Brienne. Maliit ang kanyang mukha at mahaba ang umaalon nitong buhok, your typical cheerleader. Masakit man aminin pero wala akong laban sa kanya.

"Ayos ka talaga, Pare," sabi ni Ringo, malapit na kaibigan at ka-teammate ni Nikos. He smiled mischievously and slapped Nikos' back.

Nakatingin lang ako sa kanila. I didn't know how to react. Naririnig kong nagsasalita si Rufus sa tabi ko subalit walang rumerehistro sa utak ko.

"Anton!"

Biglang napatingin sa pwesto namin si Nikos at ngumiti.

I've always wanted to see him smile at me like that. Yet right at this moment, it just pains me.

Kumaway si Nikos at nagsimulang humakbang papalit sa pwesto namin.

Napako lamang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanya. I didn't know how I looked, but I made sure not to show my emotions by giving him my fakest smile, and I was sure as heck that I looked ridiculous.

Kinulbit ako ni Rufus. "Hoy, Antonina. Okay ka lang? Bakit ganyan ang mukha mo? Naiihi ka ba?"

I ignored him and continued with my act. Kaya mo 'yan, Anton. Galingan mo pa ang plastic mong smile.

"Padaan nga. Tabi nga kayo diyan! Tabi! Anton!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa unti-unting paglapit ni Nikos. Hindi nawawala ang kanyang ngiti. Kulang na lang ay mahulog ang puso ko sa mga oras na ito. Dang it. What should I do?

Napupuno ng mga kwentuhan at halakhak ang paligid, at palapit na ng palapit si Nikos. Pakiramdam ko ay dahan-dahan ang pag-ikot ng mundo dahil dahan-dahan ang mga nangyayaring galaw sa paligid ko.

"Antonina, it's good to see—" Before Nikos could finish his sentence, someone cut him. Bigla itong sumulpot sa harapan ko out of nowhere.

"Anton! Samahan mo ako sa labas. Ngayon na," malamig na sabi ni Rafaela, sabay hawak sa kamay ko kaya bigla akong napatayo.

Rafaela didn't even give me a chance to react. Hinila na niya ako palabas mula sa lugar na iyon.

"Hoy! Saan kayo pupunta?" Narinig kong sigaw ni Nipol mula sa 'di kalayuan.

Dire-diretso lang si Rafaela at walang pakialam sa mga nakakasalubong, ni hindi niya binabati pabalik ang mga taong nagtangka siyang batiin.

I barely see him like this. Rafaela is the typical cool and relaxed guy. You don't often see him look annoyed or mad for real because he is usually the cause of someone's annoyance and anger. That's why seeing him this serious and forbidding is new to me. 

Napakamot ako sa noo. "Rafaela, saan ba tayo pupun—"

"Let's play," Rafaela suddenly said in a playful tone. Hinarap ako nito nang tuluyan kaming makalabas sa restaurant.

Napanganga ako sa sinabi ni Rafaela. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano.

Kung gaano kabilis ang pagiging seryoso at malamig niya ay siyang bilis din kung paanong biglang bumalik siya sa makulit at masayahing personalidad niya.

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak niya at tiningnan siya ng matalim. "Ano'ng pakulo na naman ba ito, Rafaela? I'm not in the mood to play in your stupid game, so drop it."

The Jerk Next DoorWhere stories live. Discover now