Chapter 2

738 19 2
                                    

"Omg ayan na sila!" nagtilian ang mga girls.

"Hi Ian!" nakayuko lang ako habang kumakain.

Bigla kong naramdaman na may lumapit sa table namin.

"Paulin, sabi ni mama dun daw kayo mag dinner samin mamaya. Sabihin mo kila Tita Jackie at Tito Ry" hala nandyan siya sa likod ko. Nandyan si Ethan. Pero yung pinsan niya yung kinakausap niya di ako.

"Yeah sure" umalis na si Ethan kasama si Chelsea.

Binilisan ko ang pagkain saka umalis sa canteen. Nakakasira ng beauty ang atmosphere dito.

"Uy Keila, nasan si Paulin?" tanong sakin ni Xander nang makasalubong ko siya.

"Try mong tingnan sa library. Lunch alangan nasa canteen" pambabara ko sa kanya.

"Highblood, nakita mo nanaman yung dalawa noh"

Napairap nalang ako at nilagpasan siya. Ano bang pwede kong gawin? Habang naglalakad ako nakasalubong ko yung nerd sa History class ko.

"H-hello po Miss Keila. Eto na po yung project niyo sa history na pinapagawa" inabot niya sakin ang isang white folder.

"Thanks" sagot ko at umalis.

Di ko maalala kung anong pangalan niya eh. May nakasalubong ulit ako pero this time di na nerd. Si Ashley Maniego, best friend ni Chelsea. Pabebe queen ng school.

"Have you seen you sister?" tanong niya sakin.

"Try mong hanapin sa basurahan" umalis ako dun pero hinila niya yung braso ko.

"Kinakausap kita ng maayos. Where's Chelsea? Kung ayaw mong malagot sa parents sasabihin mo sakin kung nasan siya" lakas talaga nila mamblack mail.

"Sa canteen" inirapan ko siya atu umalis ako dun.

Pumunta nalang ako sa may parking lot. Wala kong balak na mag cutting ngayon kasi ipapasa ko yung project ko kahit hindi ako ang gumawa. Pagdating ko sa parking lot papasok na sana ako nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Hey Keila" kinawayan ko sila.

Si Kenneth Dulipse at si Bryle Santiago. Mga best friends ni Ethan.

"Hi. Kung hahanapin niyo si Ethan nasa canteen siya" mabait ako sa kanila.

Bago pa man makalimot si Ethan ay kaibigan ko na din sila. Fourtheen kami ni Ethan nung maging kaibigan nila siya. Kaya naging kaibigan ko din sila. Tinulungan din nila ko dati para ibalik ang alala ni Ethan pero hindi gumana. Alam din nila ang past namin ni Ethan, alam din nila na may gusto ako sa kanya.

"Alam naman namin kung nasan siya. Narinig namin nagtitilian yung mga girls dun sinasabi nasa canteen daw siya" sabi ni Ken.

"Ah sige"

"Mag c-cutting ka ba ulit?" tanong sakin ni Bryle.

"Nope papasok ako mamayang history kasi ipapasa ko yung project ko"

"Project na di mo ginawa haha" tinawanan ako ni Ken at tumawa na din si Bryle.

"Kelan ba ko gumawa ng project?" sabi ko saka pumasok na sa sasakyan.

Umalis na din yung dalawa. Biglang nag bell kaya lumabas na ko ng sasakyan dala dala yung project na di ko ginawa. Pumasok ako sa history class ko at tumabi kay Paulin.

"Buti naisipan mong pumasok" sabi ni Paulin.

Pinasa ko yung project ko at sinubukang makinig sa klase. Kailangan kong makinig once in a while. Binuksan ko ang notebook ko at nag sketch duon.

Ethan

May design ng kung ano ano sa gilid. Sinilip ni Paulin kung anong ginagawa ko.

"Kala ko naman nag t-take notes ka"

"Asa ka pa"

Pagkatapos ng klase nag paalam na ko kila Paulin at pumunta sa parking lot. Di pa ko nakaka alis nakita kong hindi sumabay kay Ethan si Chelsea. Wala ata silang date ngayon. Nag drive ko pauwi pero pumunta muna ako kila Tita Maven at Tito Jeydon. Syempre gusto kong bisitahin ang pinsan ko.

"Keila napadaan ka" masayang bati sakin ni Tita Maven.

"Hello po tita. Nandyan po ba si Clara?" tanong ko sa kanya.

"Ay wala eh. Mamaya pa ang uwi niya kasi may club sila ngayon"

"Ah ganun ba. Sige po una na ko"

"Sige, ikamusta mo ko kay Oppa Bansot ah"

"Sige po"

Saan ba ko pwede pumunta? Ikot ikot. Biglang nalang may basang tumulo sa salamin ng sasakyan ko. Dumami ito ng dumami hanggang sa umulan na talaga. Tinext ko si Mommy para ipaalam sa kanya na pupunta lang ako kila Paulin.

To: Mommy 💓

5:25pm

Mommy dinaanan ko sila Tita Maven. Pupunta ko kila Paulin ngayon baka mamaya na ko makakauwi. Love you 😘

Pagdating kay mommy nagiging sweet at mabait talaga ko. Nagdrive ako papunta kila Paulin pero hindi ako dumaan sa shortcut. Ayoko pa kasing umuwi. Lumakas ang ulan. Biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Mommy 💓

5:30pm

Ok… ingat ka ah. Malakas ang ulan. Itetext ko nalang si Tita Jackie mo pag wala ka pa dito

Tuloy tuloy ako sa pagd-drive hanggang sa bigla nalang itong tumigil. Hala wala na kong gas. Tatawagan ko sana sila mommy kaso lang wala na itong battery. Di ko ito na charge kanina pag alis ko. Siguro naubos yung gas ko dahil ilang oras akong nag aircon kahapon. Ang lakas ng ulan at madilim na din. No choice ako ngayon.

Lumabas ako ng sasakyan at naghanap ng kahit sinong pwedeng tumulong sakin. May nakita akobg sasakyan na padating. Kumaway kaway ako at buti nalang at huminto ito sa harapan ko. Nagulat ako nang bumaba ang bintana, si Ethan.

"Keila? Bakit ka nandito?" tanong niya sakin.

"Nawalan kasi ng gas yung sasakyan ko at wala ding battery yung phone ko"

"Ganun ba sige tara hatid na kita sa inyo" nagulat ako sa sinabi niya totoo ba toh.

"Pano yung sasakyan ko?"

"Tatawag nalang ako ng pwedeng mag uwi niyan sa inyo. Sakay ka na"

"Eh basa ako eh"

"Ok lang yan kesa naman magkasakit ka" kung nananaginip ako please wag niyo na po akong gisingin.

Pumasok ako sa sasakyan niya. Basang basa ako. Nagdrive na siya papunta samin. Nakakahiya basang basa ako ngayon. Niyakap ko nalang ang sarili ko dahil nahihiya akong ipahinaan sa kanya yung aircon.

"Oh sorry" hininaan niya yung aircon at may kinuha sa backseat. "Suotin mo oh" jacket.

"Ah, thanks" sagot ko.

Sinuot ko naman yung jacket niya. Kinikilig ako feeling ko uminit ang mukha ko. Pagdating namin don nag thanks you ako sa kanya.

"Sige una na ko ah. Sorry nabasa yung jacket mo" sabi ko.

"Ok lang kahit bukas mo na yan ibalik. Pumasok ka na baka lumakas pa ang ulan"

Nakita ko si Manang Lisa na lumabas at may dalang payong. Lumabas na ko at sumilong sa payong ng manang Lisa saka pumasok. Kumaway muna akonkay Ethan bago siya umuwi.

"Ok ka lang ba Keila? Anong nangyari sayo?" tanong sakin ni Manang Lisa.

"Opo nawalan lang po kasi ng gas yung sasakyan ko kaya hinatid ako ni Ethan"

Umakyat na ko sa taas. Buti nalang at wala sila Mommy at Daddy. Nasa kwarto din si Chelsea busy sa laptop niya, buti nalang di niya napansin si Ethan kanina.

Kinikilig pa din ako.

Next Chapter...

Ms. Gangster & Mr. PopularWhere stories live. Discover now