Chapter 7

500 16 0
                                    

Nakatingin lang ako sa phone ko. Wala akong gagawin at kailangan kong makapasa sa test na yun. No choice kaya ko toh.

To: Ethan Palastro

5:25pm

Busy ka ba?

Sinend ko iyon sa kanya. Nagreply siya agad agad.

From: Ethan Palastro

5:26pm

Hindi, bakit?

To: Ethan Palastro

5:27pm

Pwede ba review tayo ngayon? Na b-bored kasi ako tas wala pang tao sa bahay umalis silang lahat.

To: Ethan Palastro

5:28pm

Sure pupunta ko dyan. Wait lang.

Omg pupunta dito si Ethan. Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta ng hagdan.

"Manag Lisa, pwede po ba pahanda ng miryenda. Puounta daw po dito si Ethan" bilin ko kay Manang Lisa.

Nagpalit agad ako ng maayos na damit saka ng ayos. Nag lipgloss ako kahit ayoko. Nag pony din ako. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na maayos.

May nagdoorbell sa baba. Tumakbo ako sa baba para pagbuksan ng pinto si Ethan.

"Hi" sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sakin ng sandali.

"H-hi"

Pinapasok ko siya sa loob. Doon kami sa kwarto ko nag review since nandon nakatambak ang mga libro ko. After 5 years ngayon lang ulit pumasok si Ethan sa kwarto ko. Pinagmasdan niya ang paligid.

"Nice room" ang inosente niya.

Pumasok si Manang Lisa sa kwarto saka nilapag ang miryenda namin. Napatingin si Ethan sa isang part ng kwarto.

"Nag g-gitara ka pala" napansin niya yung gitara ko.

"Uh oo. Matagal tagal na din nung last time akong nag gitara"

"Kelan yung last time na yun?"

"Six years ago"

"Di pa ko nagkaka amnesia nun diba?"

Tumango ako. Tanggap niya na sa sarili niya na may amnesia siya at wala nang pag asa na bumalik pa ang alala niya.

"Mag review na tayo" sabi ko.

Nagreview kaming dalawa habang kumakain ng miryenda. Minsan nagdadaldalan kami. Minsan naman seryoso. Minsan awkward kasi may mga nababanggit akong bagay na di niya naalala.

Natapos na kami sa isang subject nang dumating si Mommy.

"Oh Ethan nandito ka pala" sabi ni Mommy sa kanya.

"Hello po Tita Irish. Nag group study lang po kami para sa exam. Sabi po ni Sir yun eh" sabi ni Ethan sa kanya.

"Ah ganun ba. Kumain ka na ba?"

"Opo tita kumain na ko. Mauna na po ako ah. Pasabi nalang po kay Chelsea na dumaan ako"

"Sige mag iingat ka"

"Opo"

Umuwi na si Ethan. Bumalik ako sa loob at kinausap si Mommy.

"Mommy please po wag niyong sasabihin kay Chelsea na pumunta dito si Ethan" sabi ko kay Mommy.

Ms. Gangster & Mr. PopularWhere stories live. Discover now