Chapter 29

383 13 1
                                    

Naka ready na ako para sa hiking namin. Bumaba na ako para salubungin sina tita, with Joshua.

"Lets go" sabi ni Tita samin.

Mabato yung dadaanan namin and I hate it. May guide naman kami kaya hindi kami maliligaw.

"Mag ingat kayo ah!" sigaw samin ni Tito Jason na nauna samin.

Medyo maputik yung dinadaanan namin kaya medyo madulas. Nang aapakan ko na yung bato para makabwelo pataas nadulas ako sa batong yun. Napahiga ako sa sahig pero luckily nasalo ako ni Joshua.

"Ok ka lang?" halatang nag aalala siya sakin.

"O-oo" sagot ko bago tumayo at pinagpag yung sarili ko.

Nang tumayo si Joshua nakita kong may sugat yung braso niya.

"Joshua dumudugo yung braso mo" sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya naman yung braso niya.

"Wala toh" kinuha niya yung panyo niya sa bulsa at binalot don yung sugat niya.

"Sinalo mo pa kasi ako, nagkasugat ka tuloy" sabi ko.

"Basta ligtas ka" sabi niya.

"Baliw" bulong ko bago itinuloy yung hiking.

Ilang minuto din at nakadating na kami sa hidden lake. Ang ganda talaga dito. Sobrang linis ng tubig.

"Sakay na kayo" sabi ni Tito Jason bago kami nagsipasok sa yacht na nandon.

Kina Tita Jackie iyon at pinayagan kaming gamitin yun. Suot suot ko ang shades ko habang kumukuha ng selfies. Medyo mabilis yung yacht kaya sa mga selfie ko lumulipad yung buhok ko.

Pagkadating namin sa gitna syempre swimming hahaha. Thirty minutes kami don bago kami bumalik sa resort dahil lunch na.

Keila Perez'
P.O.V

Its 11:00pm excited na ko dahil one hour nalang pasko na. Nakaready na yung regalo kong keychain kay Ethan. Bato iyo na shape ay heart. Nakita ko yun sa secret tree house namin at nilagyan ko ng design. Sana naman magustuhan niya.

"Ano kayang regalo sakin ni Xander?" tanong ni Paulin habang nandito kami sa kwarto niya at nag aayos.

"Ewan pero for sure mgugustuan mo yun" sabi ko.

Pagkatapos naming mag ayos bumaba na kami para salubungin sila. Nandon sila malapit sa pool naghanda. Nilagay namin yung regalo namin para sa kanila.

Kahit kay Chelsea may regalo ako. Makeup kit ang regalo ko sa kanya dahil alam kong gusto niya yun.

"Andyan na si Ethan at Xander" sabi ko nang makita yung dalawa.

"Dinagdagan mo lang ng "at Xander" para hindi halata na nakay Ethan yung mata mo" pang aasar ni Paulin.

"Psh" bulong ko

"Hey sorry we're late" sabi ni Xander.
"Ok lang" sabi ni Paulin saka kiniss si Xander.

"Guys picture muna tayo, gusto kong isend kay Clara" sabi ko sa kanila.

Kinuha ko yung monopod ko saka nilagay dun yunh phone ko. Syempre may timer.

"One two three" nakasmile kaming apat sa picture.

Sinend ko agad yun kay Clara.

From: Clara

11:09pm

Ang saya niyo ah hahaha

"Guys 11:11 na!" sigaw ni Paulin.

Agad kaming nag wish.

Sana bumalik na ang ala ala ni Ethan at mahanap na namin yung diary niya.
Yun lang ang wish ko. Sapat na yun para mabuo ang pasko ko.

"Kainan na!" sabi ni Mommy kaya pumunta na kami sa table.

Tawanan at daldalan ang naganap sa table.

"Ok count down na" sabi ni Dad.

Sabay sabay kaming nag count down.
"10…9…8…7…6…5…4…3…2…1…
MERRY CHRISTMAS!!!!"

Nagbigayan na kami ng regalo. Mukhang nagustuhan naman ni Ethan ang regalo ko sa kanya.

"Keila, this is for you" sabi niya sakin.
"A-ano toh?" tanong ko.

"Haha, regalo" sabi niya.

Aba pilosopo. Binuksan ko yung regalo niya sakin. Walang laman.

"Wala naman laman eh" sabi ko.

"Eto kasi yun…"









He kissed me.










Hindi smack









Hindi peck on the lips





A long kiss.







"Yieee!" sigaw ni Paulin.

Humiwalay naman agad ako. Lahat sila nakatingin sakin. Nakakahiya.

"Uh ano. Tara na" sabi ko at sinusubukang umiwas ng tingin sa kanya.

"Dalaga na ang anak ko" narinig kong sabi ni Mommy.

"Mommy!" iritadong sabi ko.

Alam kong masama ang tingin sakin ni Chelsea pero di ko pinansin. I just can't believe na nakakailang kiss na kami ni Ethan. Jusko po feeling ko mukha na kong tomato sa sobrang pula.

Di na kami nagusap hanggang sa dumating ang New Year at naka uwi na kami.

"Wala talaga kayong balak magpansinan" sabi sakin ni Paulin habang nasa 7/11 kami.

"Baka sa pasukan nalang" sabi ko.

"Ok, malapit na pala birthday mo ah" sabi niya.

"Oo nga eh. Yung araw na hinihintay ko. My 18th biirthday"

"Sayang nga lang. Dapat mababasa mo na yung diary niya"

Hays. Ilang taon na akong naguikot sa bahay namin pero wala. Sana talaga mahanap ko na yun. Pumunta na kami sa canteen.

"Hi Guys" nagulat kami sa biglang nagsalita.

"Clara!" sabay kaming sumigaw saka yumakap kay Clara.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Ay grabe kayo, sige alis nalang ako" sabi niya pero hinatak agad siya ni Paulin.

"Grabe naman toh, pero bakit ka nga nandito sa school namin?" tanong ni Paulin.

"Kasi si Mommy pinatransfer ako dito. Mag a-accelerate kasi ako kaya sabi ko wag nalang lipat nalang ako dito" sabi ni Clara.

"OMG!" sabay kami ni Paulin.

Umupo na kami sa table kasama si Clara.

"Nasan si Ethan at Xander?" tanong niya.

"Ayun si Ethan oh, kasama si Bryle at Kenneth" sabi ko.

Tumingin bigla si Clara sa kanila. Nanahimik siya at mukhang naka focus sa iisang tao. Si Bryle.

Next Chapter…

Ms. Gangster & Mr. PopularWhere stories live. Discover now