Chapter 24

38 3 3
                                    

Merly's Pov

Andito kami sa bahay ngayon ni Rhaven tumatambay kasi Sobrang stress na kami sa buhay, Chooss!!

Walong  taon na ang nakalipas simula nung hindi na namin nakita si Miza. Hindi  namin alam ang rason kung bakit bigla na lang siya nawala, hinanap namin siya pero pati ang mga magulang niya ay hindi alam kung nasaan siya. Ano ba ang nagawa namin sa kanya at nagawa niyang umalis ng walang paalam? Si Ryan naman ay sinabi na lang sa amin na nasa Canada  na siya. Anong problema ng dalawang yun? hindi naman sila ganun noon ha. 

Sa totoo lang namimiss na namin si Miza. Namimiss na namin ang bestfriend namin.

"Sinong nagpa-iyak sayo at nang masapak ko?" Hay nako talaga tong si Jboy at basta basta na lang nangugulat. Tsk!

"Ano kaba wala lang to noh, na aalala ko lang si Miza. Ilang taon na rin siya simula nung huli nati siyang nakausap at nakita. Asan na kaya siya ngayon?" 

"Merly wag mo nang isipin yung nakaraan okay? Magiging okay din ang lahat magtiwala ka lang." Opo tama po kayo sweet na siya ngayon sa akin. Siguro nakakain to ng pagkain na nagpabago sa damulag na ito. Nung umalis si Miza at Ryan marami na ang nagbago sa barkada pero hindi sa punto na nagkahihiwalay kami, dahil sa totoo lang mas napalapit pa kami sa isa't-isa at mas naging matibay ang mga barkada namin.

Meron na kaming kanya-kanyang trabaho ngayon. Si Jboy ay siya na ang CEO ng company ng daddy niya. Kaya napakayaman na nga lalaking yun. Si Bianca naman ay Secretary ni Gabriel sa Company niya dahil ayaw ni Gabriel na mapalayo si Bianca sa kanya at baka maghanap daw ng iba ang gusto nga ni Gabriel ay Vice-President na lang daw si Bianca pero yung lola niyo ay nag inarte dahil gusto niya daw ng simpleng trabaho. Si Allyssa naman ay may sariling Kompanya na rin pati Si keven. Si Sebastian ay parang walang problema sa mundo dahil patuloy parin sa pag-eexplore para daw hanapin ang babaeng hinahanap niya. Si Rhaven din ay asenso na dahil may mga restaurants na siya sa Japan, Korean at China. Mahilig kasi siya sa mga intsik wag kayong maingay ha. Ako? anung trabaho ko? edi wala hahaha kasi ayaw ko ng buhay pareho kila Bianca nakaka stress yun ng face. Ang gusto ko ay yun free lang at walang iniintindi. Pero alam ko naman na hindi ako mabubuhay nga ganitong Buhay ng matagal lalo na't si papa ay nagmamadali nang ipahawak sa akina ng company niya. Pero sabi ko tsaka na kapag ready na ako.

Si Ryan ay umuuwi siya dito taon'2 para bisitahin ang mga magulang niya at kami. Pero next week ay uuwi na siya dito for good. dahil sabi niya sapat na daw ang walong taon sa Amerika. Alam na ni Ryan na simula nung umalis siya ay wala na rin si Miza. Nung unang uwi nga niya dito ay nabigla pa siya kasi akala niya hinihintay lang siya nito. Naawa din kami sa kanya noon kasi ang isang buwan na pag stay niya dito ay nalulong lang sa bar ang buhay niya. Kapag uuwi siya dito wala siyang ibang gagawin kundi ang hanapin si Miza pero sa mga taon na yun ay palagi siyang bigo. Kasi naman si Miza walang paalam na umalis tapos hindi pa namin alam kung nasaan siya. 

"Merly nakikinig kapa ba sa akin?" tapik sa akin ni Jboy

"Huh? Ayy sorry, anong sinabi mo kanina?" 

"Sabi ko punta na tayo ng Garden kasi andun na sila Gabriel doon"

"Ahh sige tara" sabi ko sabay tay at hila sa kanya

Nang dumating kami sa Garden nila Rhaven ay kami na lang pala ang wala doon. Lahat na sila ay nagsasayahan. 

"Ohh andiyan na pala kayo halika na kain na tayo kayo na lang ang hinihintay namin eh gutom na ako nohh!!" Si bianca talaga patay gutom hindi na ako magtataka kung tataba na lang yan bigla .

Habang kumakain kami ay sinasabayan rin namin ito ng kwentuhan. Napakasya namin para kaming mga walang problema. Sinusulit na namin to kasi bukas ay balik trabaho nanaman kami at sila lang pala. Hahahah ang bad ko talaga!

Fated to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon