Chapter 35

25 0 0
                                    

Miza's POV

Around 7am na ako nagising sa umaga. Pagkagising ko ay agad akong pumasok sa banyo para maligo at gawin ang mga morning routine ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na ako. Naka bihis lang ako ng dress na hanggang tuhod na kulay itim na hapit na hapit sa katawan ko at pinarisan ko ito ng black heels.Naglagay lang ako ng konting make up at tapos ay ready na akong lumabas. 

Nang makalabas ako ng bahay tysaka ko lang nalaman na hindi ko pala nauwi yung sasakyan ko kagabi. Kay yung isang reserba na sasakyan na lang ang ginamit ko tutal na sakin naman ang susi nito. Nang makasakay na ako ay dumiretso na ako sa opisina ko para kunin ang mga gamit ko kahapon at didiretso na ako sa meeting place namin Mrs. Hexagon

"Good Morning Mam" bati sakin ng guard ng pumasok na ako sa building. Tumango lang ako pagkatapos ay sumakay na agad sa elevator. 

Nang marating ko na ang floor ng opisina ko ay binati agad ako ni Lianna at sumabay sa akin sa paglalakad. Pinapunta ko siya dito kasi kailangan ko siya sa mga ibang appointments ko pero babalik din siya agad sa susunod na linggo.

"Did you cancel all my appointments today?" tanong ko kay lianna nang makapasok na kami sa opisina ko.

"Yes Mam, and Mr. Enriquez called a while ago to tell you that you have to call him right away" sabi ni Lianna sa akin

"Okay Thanks Lianna" sabi ko sa kanya pagkatapos ay lumabas na siya sa aking opisina.

Bakit kaya ako pinapatawag ni Broy? 

"Hello Broy?" 

[Miza? anong bang nangyayari at hindi ka namin makontak? okay ka lang ba diyan?] biglang sabi niya sa akin.

"I'm okay Broy, Siguro wala lang signal kaya hindi mo ako makontak" 

[Nga pala sabi nila Tita at Tito na kailangan mo nang ayusin diyan ang mga kailangan ayusin dahil kailangan mo nang pumunta dito kasi kailangan kana ng company dito, marami ng mga pending na transactions ang kailangan asikasuhin]

"Huh? Bakit hindi mo na lang pirmahan?" Takang tanong ko sa kanya

[Ginawa ko na, pero kailangan mo na akong tulungan dito. At Miza pupunta ako sa Canada kasi may konting problema doon sa company natin, at hindi ko pwede iwan dito ang company kaya aalis lang ako kapag andito kana. Kaya kailangan mo nang umuwi dito] 

"Oh sige na tatapusin ko na ang mga kailangan dito para makauwi na ako." Sabi ko, akala ko pagdating ko doon makakapaghinga  ako sandali pero parang trabaho agad ang madadatnan ko doon.

[Oh sige bye, ingat ka. Miss kana daw nila Brey at Josh] sabi niya

"I miss them too, bye" sabi ko sabay baba ng tawag

Kinuha ko yung mga papeles na kailangan ko para sa meeting namin ni Mrs. Hexagon mamaya. Pagkatapos ay lumabas na ako ng opisina.

"Lianna please call Mr. Chua and tell him that we will have a meeting tomorrow with the board members" sabi ko kay Lianna ng huminto ako sa desk niya sa labas ng opisina ko

"Yes Mam" 

Pagkatapos ay lumabas na ako ng building at pumunta sa meeting place namin ni Mrs. Hexagon.

Nang makarating ako sa restaurant ay agad kung nakita ang table na sinasabi sakin ni Mr. Chua na kung saan nagpa reserve si Mrs. Hexagon na kung saan ay naka upo na ito at tila hinihintay na lang ang pagdating ko.

"Good Morning" bati ko sa kanya ng makarating ako sa harapan niya.

"Good Morning Ms. Ava Aventuna, Please take a seat" sabi niya nang tumayo ito.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now