Chapter 31

24 0 0
                                    

Miza's POV

Andito na kami ngayon sa bahay. Naabutan namin sila Brei at Josh nanonood ng telebisyon.

"Oh iha andiyan na pala kayo, " bati sa akin ni Yaya Meling. Siya yung yaya na nag-alaga sa akin simula nung bata pa ako. at hanggang ngayon siya pa rin ang pinagkakatiwalaan namin sa bahay. Dahil hindi lang siya yaya kundi Pamilya na rin siya sa amin.

"Magandang gabi po manang, asan po sila Mama at Papa?" tanong ko kay manang sabay mano sa kanya

"Andun sila sa taas pero pababa na yun, Oh iho mas lalo kang gumwapo ah." sabi niya kay Broy

Nakilala ni manang si Broy nung pumunta dito sa bahay si Broy 8 years ago. (Refer to Chapter 21)

"Ikaw talaga manang ang lakas mo talagang mag biro" sabi ni Broy

"Miza, anong gusto mong ipalabas ha? Na sobra kanang ka busy kaya kahit sandali mong pakita sa amin hindi mo nagawa bago ka pumunta sa opisina mo? Ngayon ka na nga lang uuwi tapos hindi kapa magpapakita sa amin kahit saglit?" bungad sa akin ni Mama.

Nang maka lapit na sila ni Papa sa amin ay nag mano si broy sa kanila "Magandang gabi po Tita,"

"Iho mas lalo kang gumwapo ah," sabi ni Papa. Yung totoo bakit parang ang dami nilang sinasabi kay Broy?

Nagmano na lang ako kay Papa tapos kay Mama. "Hep, sagutin mo ang tanong ko, Hindi mo na lang ba talaga kami na miss para hindi ka magpakita samin saglit?"

"Ma alam mo naman ang sitwasyon ngayon ng company diba?" sabi ko kay mama tapos hug sa kanya. Pero bumitaw agad siya sa yakap ko "Pero anak alam ko naman yun eh, pero sana nagpakita ka muna sa amin, alam mo naman namiss ka namin eh" hays nagpapalambing naman ang mama ko.

"Sorry po" sabi ko sa kanya

"Oh siya tama na yan, kumain na tayo at nagugutom na ang mga bata" sabi ni Papa

"Asan po si Sofia?" tanong ko sa kanila

"Andun na sa kusina tumulong ka sing magluto, naku Broy ang swerte mo diyan sa Girlfriend mo at napaka bait. Kaya ako sayo wag mo na yang papakawalan." sabi ni Papa sabay pat sa likod nito

Swerte nga ni Broy kay Sofia, ako kaya kailan ako makakahanap ng ganun? Hindi na siguro mangyayari yun.

"Oo nga Broy, at kung pwede hanapan mo na rin to ng matinong lalaki si Miza, at para naman hindi na lang puro trabaho ang hinaharap. At baka tumanda na lang kami hindi pa kami magkaka-apo sa batang to." sabi Mama

"MA!! tumigil ka nga, Broy wag kang makinig kay Mama" suway ko kay mama

"Why? Tita is right Miza, It's time for you to settle down, You're getting older you know" sabi ni Broy

"Ah Ganun? pinagtutulungan niyo ako? Edi kung kayo kaya ang mag ako? At tsyaka wala pa akong oras para diyan. Problema lang yan"

"Miza, We are not telling you to get married, we are only telling you to find someone who can also take care of you, who can love you and who can be with you. Because you will not only live with your whole life in Business anak. You also need someone to be with you" sabi ni Papa

Hindi naman kasi sa wala akong magplano sa ganyan. Pero hindi pa talaga kasi ako handa. At baka masaktan na naman ako niyan.

"Tara na, masama paghintayin ang grasya" sabi ni Papa


-------------------------------------------------------------------------------------

Ryan's POV

Andito ako ngayon sa opisina ko para tapusin ang mga trabaho na hindi ko nagawa kahapon. Kailangan ko rin itong matapos dahil may meeting pa kami ni Gabriel mamaya ng 1pm.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now