Part 11

9.2K 61 0
                                    

After nung sinabi sa akin ni Dyla sa ospital sinabi ko yun as soon as nung gumaling si Mike. Hindi naman ako kagaya nung mga babae na sosolohin yung mga problema. And I know Mike deserves to know, after all, Dyla cursed his existence. Sabi niya papatayin ko si Mike pag hindi ko siya nilayuan! 

Things are getting better and better since one month na after nung sa ospital nga. But lately napapansin kong puro bruises si Mike every week. Sabi niya side effects nung gamot na iniinom niya. Ewan ko nga kung bakit may iniinom na gamot to!

Nung una ayokong maniwala kasi feeling ko may sakit talaga siya na hindi niya sinasabi! Pero nung nagpunta ako sa doctor niya, sabi eh totoo nga daw! Kasi bata pa lang daw yang si Mike eh masakitin na kaya nag-te-take siya ng mga vitamins at ilang supplements na minsan ay may mga side effects daw. At kung titingnan ko nga daw yung bruises na yun eh mukha lang talagang pasa pero hindi siya masakit. Ti-nry ko nga minsang dutdutin yung pasa eh, totoo nga na hindi masakit kaya ayun! Hindi na ako nag-doubt.

No signs of Dyla Montenegro for a montha nd still counting! ^_^/ Ang saya! Stress free! At saka feeling ko naman talaga walang katotohanan yung mga pinagsasabi niya dati, because for all I care! Bakit naman siya papatay ng tao diba? Ano? For the sake of love? Asa!

"Leine?" Si Mike yan! Boses palang alam ko na!

"Oo, bakit?" Sabi ko pagkaharap ko sa kanya!

"E bakit nakita kita kanina sa may hallway sa labas ng campus bago ako pumasok dito ng campus? Akala ko nga wala kang klase ngayon eh kaya lumampas ka ng school! Hindi ko na naman ikaw hinabol kasi magkatext lang naman tayo at isa pa may klase pa ako." Sabi niya ng gulat na gulat. At parang nakakita ng maligno sa kung saan man yun!

"Parang ewan lang! Kasi kanina pa ako dito sa canteen! Inaantay ka!" Pag defend ko which is totoo naman.

"Ang weird. O sya sige Babe, pasok muna ako sa next class ko ah. Pasok ka narin!" then he kissed me in the cheeks.

"Bakit may band-aid ka na naman sa may labi mo?" tanong ko!

"Side effects have been attacking on me na naman kasi I need to take my vitamins and pills regularly ngayon eh." Leche yang side effects na yan! Pepektusan ko na yan eh :'( Kawawa si Mike dahil sa kanya! Imbis na makatulong eh! Hmph!

"Okay babe, Pagaling ka agad ha para hindi mo na kailangan yang mga gamot na yan! Sige bye, Punta na din ako sa next kong klase." Sabay alis ko at pumasok na ako sa room ko.

Pagkaupo ko sa upuan ko, nakita ko yung table ni Hazel Marie. Sobrang linis. At walang mga gamit! So ano? Hindi na siya papasok ganon? Hay! Ewan ko na talaga dun! Pwede namang truce na since alam na ata ng halos lahat na si Mike yung boyfriend ko! The hell lang ang gagawin ko sa Kervin niya? Samuol niya. Samuol niya LAHAT-LAHAT since yun naman ang lagi nilang ginagawa! Magkainan -_- 

"Abarinas?"

"Present"

"Adan?"

"Present"

Start na ng second sa pinaka-boring na part ng klase! Roll call -_- First eh yung class discussion! Second to! Kainis!

"Ah and yes, Ms. Hazel Marie Alivio can't make it today, or day after or ever. She transferred clas-- no. She transferred school. I don't know how possible that is pero hindi alam ng school administrators natin kung saan. Ang alam ko required na sabihin ng transferee yun kung saan sila magta-transfer pero hindi sinabi. Ewan ko din kung pano pero anyways, let's just let her be."

"Asuncion?"

"Present"

Oh so nag-transfer siya? Or better be said na tumigil na siya? Ang alam ko required nga yun na sasabihin kung saan magta-transfer! And her not telling where to, only means na wala siyang pag-ta-transferan! Hindi na siya papasok as simple as that. 

Sinira talaga ni Kervin ang buhay niya! She could've done better without him! Matalino naman yan pero bakit dun sa lalaking yun? Una palang duda na talaga ako dun eh! Bukod sa hindi pumapasok eh mukha pang gangster, rapist at mamatay tao! Sheez, I hope na matauhan siya at humiwalay na dun. 

Hours and hours and hours and hours had passed. Anla ewan ko! Dalawang oras lang naman tong klase pero feeling ko tatlong buwan! -_- Nakakatamad naman kasi. Mas mahirap pa yung pinag-aaralan nung high school! Para lang kaming nagbabalik-tanaw! -_- Nakakatamad na masyado!

Pumunta ako sa room ni Mike nung natapos na ang klase.

"Ahmn Ana, si Mike?" tanong ko dun sa kaklase ni Mike na palabas na ng pinto. Napansin ko kasi na wala siya dun sa upuan niya.

"Ah si Mike?" tanong ni Ana.

"Oo, si Mike. Bakit wala na siya jan? Nakaalis naba?"

"Hindi pumasok si Mike ngayon Leine. Tatanong nga sana namin sayo kanina eh kasi tinatanong nung teacher. Lagi na siyang absent this past few weeks. Alam mo ba kung bakit?" 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lungkot? Pag-aalala? o galit?

"Ah hindi ko alam eh, p-pero itatanong ko." Sabi ko nalang.

"Ah sige Leine. Sige, mauna na ako."

"Sige salamat."

Tapos umalis na si Ana. Hindi ko na alam yung nararamdaman ko! Halo halo na ang emosyon ko! Ano ba talagang meron dun?

Konting-konti nalang! Mike! Pag nalaman kong may ginagawa kang kababalaghan! Ewan ko lang!! Ewan ko lang talaga!!!

Sa galit ko, nagmadali na akong pumunta sa bahay nila. Kailangan ko siyang makausap.

A/N: Last part na po yung i-uupdate ko na sunod. Oh second to the last? Ewan. Basta po ang aabangan niyo nalang eh 1 or 2 chapters nalang. Thank you po. :)

I'm Sorry for Being a Slut.Where stories live. Discover now