Part 17

6.4K 82 30
                                    

Next Update (Part 18) po ay pag nag 20 votes po itong chapter na ito <3 At pag may nagcomment na kahit 5 lang :) Hehehe yun lang po. Basa na po kayo ^_^ Thank you po sa mga nagbabasa. Oo ikaw! Salamat ha :)

Leine's POV

*chirps*

Nagising ako sa mga huni ng ibon. Naaninag ko din ang isang babae na may suero na nakakabit sa kamay na nag-aayos ng kurtina ng bintana dito sa kwarto ko sa ospital. Tinakpan ko ng konti ang mata ko kasi nasisilaw ako sa liwanag.

"Rise and Shine Stephanie Leine Gomez" At sinalubong ako ng ngiti ni Hazel Marie.

"Bakit ka nandito? May nakakabit ka pang suero ang gala gala mo." Sabi ko sa kanya. Ang likot likot na niya e hindi pa naman siya magaling. Ibang klase! Bakit ako parang di ko pa kaya tumayo?

"Wala makikipag-usap ako sayo."

"Tungkol saan?"

"Lovelife hahahaha." Oh parang tanga lang diba? Nabugbog na yang lagay na yan. Promise nabugbog na yan -_-

"Ano yun?"

 

"Yun yung muntik ng pumatay sa akin. Hahahahahahaha sa atin actually." Bakit ganito? Bakit ang saya saya niya? Bakit ang galing niya? Paano niya nakakayanan ngumiti matapos ang lahat?

"Hazel Marie Alivio"

"Yes? Why'd ya call my name? Need anything?"

"Bakit?"

"Bakit maganda ka ako hindi? Tanong ko parin yan hanggang ngayon hahahahaha" Yung ngiti niya hindi mo talaga makikita yung sakit e. Walang bakas. Paano?

"Bakit ang bilis mong nakalimutan ang lahat ng sakit?"

"Leine..." tapos naging seryoso nadin siya. Pinunasan niya ang nakaalpas na luha sa mata ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "...hindi ko nakalimutan. At hinding hindi ko na makakalimutan yon."

"Eh paano mo naggagawang tumawa? Matapos ang lahat paano? bakit?" Patuloy parin ang agos ng luha ko. Hazel sabihin mo naman sa akin kung paano kasi gustong gustong gusto ko ng makalimutan ang sakit. Ang lahat.

"Leine. Kailangan e..." Nakita ko na din ang kaninang nagbabadya lang at ngayon ay nalaglag ng kristal ng mga luha "...kasi nga diba move forward? Kung hindi man makausad edi forgive and forget nalang muna. Dadating din naman din tayo dun sa part na tatawanan nalang natin ang lahat e."

"Forgive and forget? Napatawad mo na si Kervin? Ganun ganon lang yon?"

Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko at saka umiling-iling "Hindi Leine. I learned to forgive myself. Pinatawad ko yung sarili ko sa kamaliang naggawa ko. Kinalimutan ko na din ang lungkot na mag-isa nalang ako kasi pagkamulat ko dito sa ospital yung mukha mo nung niligtas mo ako ang nakita ko. From that moment narealize ko na hindi nawala ang lahat sa akin. Dahil nanjan ka. Leine"

I'm Sorry for Being a Slut.Where stories live. Discover now