Part 16

6.4K 65 69
                                    

A/N: Kayo na ang humusga kung tinapos o tinuloy pa ang kalandiang ito hahahaha. PAG TALAGA MAY MGA NAGCOCOMMENT GINAGANAHAN AKO! Comment pa kayo hahahahahahaha ginaganahan talaga ako mag-update e ^_^

Leine's POV

Yung tunog ng orasan na umaandar. Yung hangin na dumadampi sa pisngi ko. Yung tibok ng puso ko. Yan nalang ang tanging naririnig ko. Sobrang daming pumapasok sa utak ko ngayon. Sa mga oras na ito hindi ko alam kung ako pa ito o diwa ko nalang to.

Ramdam na ramdam ko parin yung sakit sa boses ni Hazel kanina nung kausap ko siya sa telepono. Alam mo yung kailangan mo ng kainin yung pride mo kasi kailangang kailangan mo ng tulong. Nasasaktan siya pisikal at emosyonal.

Agad na akong tumakbo sa nasabing lugar. Mga sigaw ng minamaltratong babae ang tanging nakikinig ko. Mas bumagal pa ang mundo ko nung makita ko sinuntok ni Kervin si Hazel at saka ito tumilapon habang nagtalsikan ang dugo galing sa bibig nito.

"Hazeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeel" tumulo na ang luha ko habang papalapit ako sa kanya. 

Kasabay ng patak ng luha ko ay ang pagtulo ng dugo sa bibig ko. Sinikmuraan ako ni Kervin pero wala na akong maramdaman. Nahawakan ko ang kamay ni Hazel habang pareho na kaming nakalustay sa sahig.

"I-I'm s-sorr--" umiiyak at nanginginig niyang pilit na sambitin ang mga salitang yon.

"Shhh." Habang umiiyak at umiiling-iling kong ipinahihiwatig na huwag na siyang magsalita.

"Ang arte niyo!!" Sigaw ni Kervin sabay hablot niya sa buhok ni Hazel upang ito ay mapatayo at saka sinapak hanggang sa ito ay mawalan na ng malay habang duguan ang damit at pagmumukha.

Kahit hirap na hirap akong tumayo ay ibinigay ko ang buong lakas kong makalapit kay Kervin.

"Hayop kaaaa!" ngunit nasalag niya ang kamay ko at mas lalo pa akong nawalan ng lakas.

"Isa ka pa!!" Akmang sasaktan niya narin ako ng biglang...

"Tumigil ka!" Bumuhos ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Mike. Boses na kaytagal kong hinanap.

Nang medyo bumagsak ako ay nasilayan ko ang mukha niya. Mukha niyang... blanko. 

Bakit blanko ang emosyon niya at bakit hindi pa sya tumatakbo papalapit sa akin! Hindi. Hindi ikaw si Mike.

"Tigilan mo na yan Kervin. Wala sa usapang sasaktan ang babaeng yan. Diba babe?" Babe? Kahit malabo ay nagawa ko paring makita ang mukha ni Dyla na yumapos kay Mike.

Anong ibig sabihin nito? Panaginip ba ang lahat? Kung panaginip ito, sana magising na ako dahil baka ikamatay ko to.

Lumayo si Kervin sa amin ni Hazel at umismid kina Dyla saka umalis papalayo.

Kahit masakit o hindi? Wala na akong maramdaman e. Mas gusto ko pang masapak at masuntok. Dahil yun nararamdaman ko na totoo. Etong nasa harap ko ngayon? Parang bangungot. Sobrang sakit pero hindi ko na maramdaman. Naggawa kong tumayo at lumakad papalapit sa kanila.

"Dyla ako ng bahala umalis kana muna." Sabi ni Mike

"Pero--"

"Ako ng bahala." Sabi ni Mike at hinawakan niya ang mukha nito.

Tumulo ang luha ko. Ano ba talaga ang nangyayari.

"Mike. Anong nangyayari? Sabihin mong parte lang ito ng pag...pagliligtas mo sa amin." Napahawak ako sa balikat niya dahil nanghihina na talaga ako. Himala na talaga ang nakatayo pa ako pero... pero kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari..

"Leine..."

"Mike? Bakit? H-hindi ko mainindihan. Ipa...Ipaintindi mo naman sa akin..." Sobrang sakit magsalita pag pinipigilan mong huwag umiyak pero hindi mo magawa. Sobrang sakit magsalita pag ganitong hindi mo alam kung anong nangyayari. Sobrang sakit kapag hindi mo na maintindihan kung ano ang reyalidad.

"Ang lahat ng ito. Ang hindi ko pagpapakita sayo. Hindi mo parin ba naiintindihan? Niloko lang kita. Tapos na tayo." Kahit gaano pa kasakit. Bakit kaya ko pang ipaglaban?

"Hindi totoo yan. Everything we had it was real! We were the best. Kaya wag mong sa-- sasabihin ang mga bagay na yan kasi hinding... hinding hinding..." patuloy lang sa pag agos ang luha ko. Nakakapit ako sa dalawang balikat niya habang nakayuko at umiiyak "...hindi totoo."

"Totoo Leine. Walang tayo. Pinaasa lang kita." Konti nalang bibigay na ako. Nararamdaman ko na ang paghina ng tuhod ko.

"Bakit?" Bakit mo nagawa sakin to? Bakit nagkaganito? Bakit kailangang mangyari to? Bakit wala na akong maramdaman? Bakit kaya ko pang mabuhay? Bakit gusto ko ng mawala nalang? Bakit?

"Hindi ko alam. I'm sorry.."

At tuluyan na siyang lumayo at unti unti na din akong bumagsak. Kita ko pa ang paglakad niya papalayo.

Everything we had... was real... and was slowly... fading... away...

Doon na nagdilim ang lahat. Wala na akong sakit na nararamdaman. Sana ganito nalang. Ayoko ng gumising pa.

May humawak ng kamay ko. Naimulat ko ang mata ko. 

"Leine! Gising kana!" saka ako niyapos ni Tita Maribeth.

Bakit ako nandito sa ospital?

"Leine tatlong araw na kayong walang malay ni Hazel. Tatlong araw na kayong nandito sa ospital. Hindi namin alam ang nangyari. Maige gising kana. Wala paring malay si Hazel."

Wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi ni Tita Maribeth. Ang tanging narinig ko ay ang mga huling yabag ng pag-iwan sa akin ni Mike. Akala ko hindi ko na mararamdaman ang sakit na to. Nagkamali ako. Maling mali.

Ramdam ko na naman ang mainit na luhang pumatak sa mga mata ko. 

Someday. You will ache like I ache. Someday.

---

A/N: Intense. Hahahahahahahaha comment po ulit kayo <3 Para ganahan po ulit ako. Yan na ha! Tinuloy ko na po. Kasi kayo eh, kinomment niyo e! Eh mahina pa naman ako sa mga ganan. Bumigay tuloy ako. Hahahahahahaha. Malapit na po mga 50K reads! Wooo Thank you po <3 Love you all :) Salamat po talaga. Wooo Intense hahaha yun lang XD :D :)

I'm Sorry for Being a Slut.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon