Chapter 9

5.5K 169 11
                                    

+Elle's Point of View+ 

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

+Elle's Point of View+ 

Night class

Naglalakad ako mag-isa sa hallway. Hindi ako tumuloy sa dorm namin dahil sa nangyari samin ni Jay kanina kaya't napagdesisyunan ko na lamang matulog sa library upang pampalipas oras. Hindi ko rin naman alam kung nasaan si Dark at ayoko nang alamin kung nasaan pa. 

I need to escape him. But if I do, then he'll think that I really killed his late fiance. 

No, I wont escape. I will prove to him that I'm innocent. 

Nagpunta muna ako sa comfort room upang magfreshen up at maghilamos na rin upang tuluyan na akong magising. Pagpasok ko ay walang tao doon. Mabuti naman. 

Pinagmasdan ko ang sarili ko matapos kong maghilamos. Mas pumayat ako kumpara noong bago pa ako pumasok dito sa BNA. Ipinagwalang bahala ko na lang ito dahil normal lang naman ang mamayat kahit onti. 

Lalabas na sana ako nang biglang pumasok si Fionelle. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata nang makita ako kaya't napaatras naman ako. Ngumisi siya habang nakatingin pa rin sa akin 

"Nandito pala ang kriminal na mang-aagaw." 

Nawala ang ngisi niya at napalitan ito ng seryosong tingin. Dahan dahan siyang lumapit sa akin 

"So tell me, anong pinakain mo kay Dark upang baguhin ang tingin niya sayo? Paano mo siya naagaw? Did you used hypnotism? Hayop ka talaga." 

Biglang nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi niya 

"Hindi ko siya inagaw sayo Fionelle. At mas lalong hindi ako hayop!" 

Isang malakas na sampal ang natamo ko dahil doon. Ramdam ko ang pamamanhid ng kanan kong pisnge. Gaganti pa sana ako ngunit nahawakan niya ang kamay ko at malakas na sinampal ang kaliwa kong pisnge. Ngumisi siya dahil dito 

"That serves you right bitch." 

Sa isang pitik ay biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa utak ko at pandidilim ng paningin ko. Napakuyom ko ang aking kamay dahil hindi ko ito makontrol. 

"Lumabas ka." seryoso kong sabi at humalakhak siya 

"Why? Natatakot ka na ba? Sorry but no one tells me what t--" 

Bigla ko siya tinignan ng masama diretso sa mata at nanlaki naman ang mga mata niya 

"Umalis ka na sa harapan ko habang nagtitimpi pa ako sayo Fionelle Chris." kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Napaatras siya at agad na kumaripas ng takbo 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko kung anong nangyari. What happened? Why did she ran away? Am I that scary? 

Tinignan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Compared to her, I'm not scary. 

BloodNight AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang