Twenty-Four

139K 3.3K 168
                                    

Chapter 24
Alone

**

Tumalikod na siya matapos niyang sabihin iyon. Naiwan naman akong tulala roon habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.

What does he mean by that? Iniisip ba niyang mawawala ako rito dahil sa dami ng tao? Ano ako? Bata? Kung sakali mang mawala nga ako dahil sa dami ng tao rito, alam ko naman kung paano umuwi. And I have my phone with me. I can call him if ever I get lost.

I shrugged and decided to follow him. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na lang kami sa pamimili ng mga kakailanganin namin. After paying for eveything, we decided to have lunch first. Pinilit ko siyang doon na kami kumain sa mall dahil lagpas lunch na rin at nagugutom na talaga ako. Wala naman siyang nagawa kundi pumayag. After that, we went home.

Pagdating namin sa bahay ay tinulungan ko siyang ipasok sa loob ng bahay ang mga pinamili namin. Pero hindi ko pa man nahahawakan ang isang plastic ay kinuha na niya iyon. He took all of it!

"Just go inside. Ako na ang bahala rito," sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Napailing na lang ako at pinabayaan siya sa gusto niya.

Nang hapong iyon ay tumulong ako sa paghahanda ng mga pagkain para sa pagsalubong sa bagong taon. I don't really know how to cook so I just helped in making the salad. Tumulong din ako sa paghiwa ng ibang mga sangkap at tinuruan naman ako ni Nana Sonia sa ibang bagay. Pilit kong iprinoseso sa utak ko ang mga ginagawa namin para sa susunod ay alam ko na ang gagawin ko. Nagpasya kaming sa gabi na lutuin ang iba para manatili iyong mainit pagsapit ng bagong taon.

After all the preparations, I decided to take a bath. Lagpas alas diyes na ng gabi nang matapos kami sa pagluluto ng lahat ng pagkain kaya pakiramdam ko ay amoy ulam na ako. I went back to the room where Nana Sonia and I will stay to grab my clothes and take a bath.

Pagkatapos kong maligo at makapagpatuyo ng buhok, bumaba ako sa sala. Tahimik ang buong bahay na parang walang tao. Si Nana Sonia ay naliligo ngayon at siguro ay nagpapahinga naman ang mga magulang ni Joseff sa kanilang kwarto. Si Joseff naman ay nakita ko kanina na kasama si Zoey bago ako maligo. Maybe they're outside.

Lumabas ako ng bahay para tingnan kung naroon nga ang mag-ama. Pero nagulat ako nang makita kong nag-iisa si Joseff na nakaupo sa porch swing. Where's Zoey?

Nagpasya akong lapitan siya para itanong kung nasaan si Zoey. Isa pa, wala rin naman akong gagawin kaya mas mabuting samahan ko na lang siya rito sa labas. Pagkaupo ko sa tabi niya ay napalingon siya sa akin. Ibinaling ko ang tingin ko sa harap.

"Where's Zoey? Why are you here alone?" I asked.

"Zoey's in my room, sleeping. Pinatulog ko na muna para makapagpahinga," sagot niya. "I'm out here because I want to get some air."

Napatango-tango ako. "Hindi ka man lang ba naiingayan sa mga nagpapaputok sa labas?"

Kaninang hapon pa lang ay napansin kong marami na ang nagpapaputok. Mas lumakas nga lang ngayong malapit nang sumapit ang alas dose. Looks like people are excited to welcome the New Year.

"Wala naman akong magagawa. New Year is coming. Naiintindihan ko naman kung gustong mag-ingay ng mga tao ngayon," aniya.

Hindi na ako sumagot at nanatili na lang na tahimik. Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo dahil sa hangin na nalalanghap ko. May halo itong usok dahil sa paputok.

Ugh! Nakakairita.

"New Year na mamaya. What is your New Year's resolution?"

Napadilat ako nang marinig kong tanungin ako ni Joseff. Nilingon ko siya at napansin kong nakatingin pa rin siya sa kawalan. I don't know why he asked me that but I decided to answer it.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن