Chapter 4 - Y

1.9K 53 5
                                    

I know medyo lame pero kaylangan kasi ito para maging klaro yung mga scenes sa school. Pasensya na. Hehe.

----------

Chapter 4

Asul na palda na mayroong pulang nakapalibot sa ibaba. Idagdag mo pa'ng hindi man lang umabot sa tuhod ang haba nito. Sa pang itaas naman ay long sleeve na puti na may nakapalibot sa bawat dulo na asul at pula. May logo din na napapalibutan ng kulay na gold. at may pulang ID lace din. Hanggang ngayun di ko pa rin akalain na may ganitong paaralan rin pala sa Pilipinas na may ganitong uri ng Uniporme.

Above the knee na palda. Aba'y mas gugustuhin ko pa uniporme ko sa dati kong paaralan na mahabang palda at simpleng puting pang itaas na hindi long sleeve. Nakakaasar tiyak na maiinitan ako kapag isunot ko itong mga damit na nakalatag sa aking kama. Ito'ng parte lang talaga ang kinaiinisan ko sa papasukan kong paaralan dito sa syudad, sa nasagap kong impormasyon ay nangunguna ito sa iba't ibang larangan tulad ng Science, Math , Sports at Arts.

Kaya lang may isa pa pala akong problema ang tuition. Ang sabi sa Finance office ang first option ay 'Fully Paid S' ibig sabihin ay siyempre halata naman sa term ng pangalan na Fully ibig sabihin isang bayaran lang para sa buong taon. Ang isa naman ay 'Per Month', limang libong piso pataas. Kakayanin ko na siguro ang second option , mag-tra-trabahon nalang ako habang nag-aaral.

Kung maganda lang sana ang turo sa Public School dito ay dun nalang sana ako para konting gastos lang subalit talamak daw ang karahasan at pandaraya, di'ko rin lubos akalain na may ganu'ng klaseng paaralan, Hindi naman sa nanghuhusga ako ngunit nasaksihan ko kasi ng harap harapan ang 'Karahasan' at narinig mismo ng dalawang teinga ko ang 'Kadayaan' na nanggaling sa dalawang guro ng naturang paaralan.

Hindi ko naman nilalahat ang pang-publikong paaralan. Sa Eskwelahan nga na pinapasukan ko bago ako mag transfer dito ay isang public school ngunit na ngunguna ito at mas nataasan pa ang ibang private school. Ganun talaga hindi natin malalahat ang mga bagay bagay dahil bawat isa ay may pinagkaiba. Halimbawa nalang na kadalasang stereotype sa tahimik, saabihan moa gad ng nasa loob ang kulo. Kapag maingay naman sasabihan mo ng malandi. Kahit anung gawin mo may taong manghuhusga sayo.

Ngayon bakit ang aga ko mag drama, panu ba naman kasi yung kapatid ng landlady dito sa tinitirahan kong apartment tinalakan agad ako nakita lang na isang pink at isang violet ang maleta ko. Jeez she's just so irritating. Akala mo naman sa kanya yung buong apartment.

Itinali ko na sa aking bewang ang Itim na jacket na ibinigay ng lalaking nag hatid sakin sa terminal ng bus nung linggo para matakpan ang hita ko. Naka ta-tanga man sabihin pero nakalimutan ko talaga ang kanyang pangalan. Ganun na yata talaga ako ka ulyanin. Isinukbit ko na din ang asul kong backpack sa aking balikat at nabigla ako sa bigat nito, grabe ibig sabihin tuwing lunes ganito kabigat ang dala ko hindi kaya makuba ako nito.

Isinarado ko na ang gate ng aking tinutuluyan na apartment at hindi na ako nag abala na ikandado ito dahil walang kwenta. Tumuntong ka lang sa isang upuan ay matatalunan mo na ito. Buti nalang at may screen pa at hindi lang basta pintuan na de-susi ang apartment ko.

Alasais palang naman ng umaga kaya nag lakad nalang ako palabas ng subdivision kahit na binubusinahan ako ng mga redundant na tricycle driver, sinabi na nga na hindi sasakay paulit ulit pa na nag tatanong at ang kapal pa ng mukha na sabihin sa akin na, "Sus miss choosy ka pa mamaya lang ay ikaw pa ang maghahabol sa akin para sumakay" at eto pa "Hahabol habulin mo pa ako" sabi niya sabay kindat, grabe nakadidiri ang itsura niya. Kung umiinom lang ako ng mainit na kape ay hindi ko maibubuga kundi talagang ibubuga ko sa makapal na pag mumukha niya.

Jeez paano ba mag commute dito, mag kano ba ang ibabayad kung mag je-jeep ako. Naka-aasar talaga sana ay si manong ang maghahatid sa akin gamit ang sasakyan na naipundar ng mga magulang ko kung duon lang sana ako nakatira sa bahay ng Lolo at lola edi sana wala akong problema ngayon. Pamasahe , Bayad sa renta ng apartment, tuition, at allowance sa pang-araw araw, grabe kakayanin ko ba ito. Pero okay na din at nalayo ako sa mag-Inang Auntie Bebang at Aleech. No sweat.

The Cowardly Princess (Hiatus)Where stories live. Discover now