Chapter 5 - E

1.7K 64 11
                                    

Chapter 5

Di rin pala malas ang pag punta ko sa bulletin board kahit na medyo dyahe, kasi sa ibaba nito may mga brochures na naglalaman ng Map at iba bang katanungan ng isang transferee.

May nadaanan pa akong banner na nakalagay ang "Welcome Back! Mr Jiro and Mrs. Miyu Wilfamy and family". Sila siguro ang may ari ng paaralan na ito base sa kanilang apelyido.

Pagkarating ko ng Second floor ay nabunggo pa ako sa isang matipunong katawan ng lalaki, tiningala ko siya at namangha ako sa itsura niya. Napatingin ito sa akin ngunit umiwas din agad ng tingin o tama ba ang nakita ko inirapan n'ya ako at tinungo na ang hagdan papuntang Third Floor.

Tsk, Gwapo nga fishy naman at nang-iirap. Jeez para akong pinaparusahan, I forgot again to pass by in the lockers area. Ang bigat ng nasa likod ko, kaylangan ko pang humawak sa railings ng hagdan para hindi ako ma out of balance. And then suddenly someone grabbed my bag and hang it on his Left broad Shoulder.

Nagulat ako kaya nasuntok ko pa siya sa kanyang tiyan na matigas, instinct ko na 'ata talaga ang pagiging sadist. Tiningala ko siya at napatitig sa kanyang muka, hindi ko ipagkakaila na gwapo ang lalaking ito ngunit hindi yun ang dahilan kung bakit ako napatitig sa kanya habang nakuno't noo. Pamilyar siya.Parang nakita ko na siya dati at nakausap, subalit hindi ko matandaan kung sino siya at saan.

Tumaas ang kilay niya at nginisian ako sabay sabi ng "Still doesn't remember me Miss Pretty Ria?", Pamilyar din ang pananalita niya. Pinasadahan ng kanyang kamay ang 'asul' niyang buhok at tinanggal ang isang butones ng kanyang uniporme, Napansin ko din ang suot niyang dilaw na ID lace na mayroong markang 'SCA' ibig sabihin ay Arts.

"I'm Keyper Estillore" sabi niya saba'y abot ng kamay.

Naaalala ko na siya si si Key sa may simbahan nung nakaraang linggo. Inabot ko ang aking kamay upang makipag kamay sana, kaya lang ay nagulat ako ng hilahin at inikot ako nito pagkatapos ay hinalikan ang likod ng kamay ko. Sa pangalawang beses ko na pag ka gulat ay napaawang bibig ko at pakiramdam ko'y uminit nanamn ang pisngi ko.

Ganun ba talaga siya kapag nag papakilala. Parang isinayaw niya ako. Dahil sa ikinilos niya mukhang sa Dance ang forte niya sa arts, base na din sa Id lace niya na may katagng 'SCA'. Nilingon ko siya at isang ngisi ang sinalubong niya. "Tara na Miss Ria, hatid na kita. Syang hindi tayo mag kaklase." Sabi niya at pinauna ako sapag akyat. Kukunin ko pa sana ang bag ko subalit inilayo niya lang ito at sinabing siya na ang magdadala. Hindi na ako nakipagtalo dahil nakakatamad at pagod na rin ako para umarte pa.

"Drop the Miss, Key. Ria nalang" sabi ko sa kanya "As you wish, Ria" tugon niya at ngumiti.

"Sabi na nga ba at mag kikita pa tayo ulit Ria eh, malakas talaga kutob ko. Grabe this is Match made in heaven" Sabi niya sabay tawa at suntok sa hangin. Napailing nalang ako sa kalokohan niya. Ilang sandali lang ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nag senyas sa akin na may tatawagan. Tumango lang ako.

"Oi Lorido Kiposiyo!" Bungad niya sa kausap niya narinig ko naman ang isang malutong na "Pakyu! Kensyu Peru! Ano kaylangan mo!?" galing sa kabilang linya. "Taena mo Locky!, Nsaan ka ba ngayun? Kasama ko si Miss Ria Ha-ha, dito na siya nag aaral pare" tuwang tuwa na balita ni Key sa kausap niya na si 'Locky'? Teka Lorido Kiposiyo as in 'Locky' at Kensyu Peru as in 'Keyper', Woah whatta nice name.

"Sa gym pre, pero pakshet ano!? Si Ria nandito? Woah shet, excited na ako mag recess time pakisabi sabay kami mamayang break time dali Kensyu!" napakunot ang noo ko sa narinig ko galing kay Locky , big deal ba ang presensya ko dito? "Utot mo tol, siyempre kasama ako" sagot ni Key sa kausap at binabaabn na ito. Sabay baling sa akin. "Ria sabay ka samin mamayang recess ha, hintayin ka namin dito sa labas ng room 12 - A" ngiting-ngiti na sabi nito

Pero, "Pero hindi ako sanay kumakain kasama ang mga lalaki" sabi ko. Totoo naman kasi. Simula lang ng mapunta ako dito sa syudad napalibutan na ako ng mga lalaki.

Npasimnagot siya at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at pinag sakop ang kanyang mga palad sa harapan ko. Pilit ko siyang pinatayo subalit mas malakas siya sa akin at hinndi siya nag patinag. Ilang sandali lang ay may tumikhim sa likod niya na isang lalaki.

"What's with this commotion Mr Estillore" sabi ng ng lalaking mukang nasa 28-29 na and edaran.

Tumayo si Key sabay pag pag sa kanyang tuhod at bumaling sa matanda "Its nothing Prof. Santiago, just practicing my dance step." Sabi nito at inikutan pa ang prof habang nag free-freestyle. Nakakamangha ngunit hindi ito ang tamang oras para duon. Mukhang naasar lang lalo ang naturang prof. Santiago.

Bumaling s'ya sa akin at bago pa man makapag salita ay naunahan na siya ni Key "She's a Transferry student. Ria also got lost that's why she's late."

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakabukas ang pintuan ng classroom at mukang kanina pa sila nanonood sa komosyon na nagaganap. "Bilang isang Council Officer, nasisigurado kong hindi na uubusan ng supplies ng Brochure Map ang lalagyanan nito sa tapat ng Bulletin board. So paanong maliligaw siya. At kitang kita ngayon ng dalawang mata ko ang hawak niyang Brochure map" sabi ng isang babaeng nag pakilalang Council's Officer

"Bilang isang gwapo, nasisigurado kong ubos na ang supply sa ibaba. And about the brochure, galing sa akin yan. Ang Gwapo ko na nga ang sinop ko pa" sabi ni Key sabay kindat sa babae , nagtilian naman ang mga kababaihan sa loob ng classroom at napasinghap, habang pinipigilan ang pag tili muli.

Gwapong Sinungalin. Madaming brochures sa ibaba. Magsasalita na sana ako para aminin ang totoo ng bumulong sa akin si Key ng "30 minutes late is equal to ten laps in oval" huminto pa siya sandandali sabay sabi ng "Run"

Grabe kung ganun pala ang parusa sa mga late dito ay hindi na ako dadaan talaga sa bulletin board bukas at magpakaillan man.

"Okay I will let you passed this time, I guessed Miss Estillore" sabi nito sabay tango at tingin sa kanyang hawak na class record. Napakuno't noo naman si Key at binigay na sa akin ang aking bag. Sabay bulong ng "Estillore ka?"

"Unfortunately, yes" sabi ko. May sasabihin pa sana siya ng paalisin na siya ng prof. He bided a goodbye wave and mouthed later, sabay turo sa tapat ng classroom. I nodded. Siguro pagbigyan ko nalang sila ngayon. He help me a lot in a short period of time. Ayoko din makuba habang dala dala ang bag kong mabigat at ikutin at takbuhin ang buong oval ng sampung beses.

Binalingan ako ng professor "So magpinsan kayo ni Mr. Keyper Estillore?" sabi niya, tsk tsimoso. "We're not blood related, I guess no." sabi ko nalang habang pinipigilan ang pag ikot ng mata ko. "Okay get in, I'll introduce you in the class" sabi niya at nauna nang pumasok.

Sinabi niyang ako si Maria Rain Salvador Estillore, at 16 years old. Tinotoo nga niya ang sinabing ipapakilala ako sa buong klase. Pabor na sana sa akin ang Fact na hindi ko na kaylangan mag salita sa harap ng klase ngunit kumpletong pangalan pa kasi ang sinabi niya kaya nakaaasar. Kung sana ay hanggang apelyido nalang ng Mama ko ang sinabi niya mas ayos sana. Salvador.

Npasinghap ang mga kababaihan at nang hinayang dahil hindi daw sila ang makakatabi sa gwapo ng sinabi ng professor na umupo ako sa tabi ni Mr. Ford Santos. Ang lalaking nangirap sa akin sa second floor. Ang lalaking Fishy. Ang lalaking may matipunog katawan na parang pader sa tigas. Bago pa ako makaupo ay Inirapan pa ako nito. Napasinghap at nagulat ako pati ng mga nakarinig ng sinabihan ako nito ng "Welcome Bakla".





Paktay ka, He's a freaking gay!?

----------------------

A/n: ginawa kong 2 space kada paragraph, baka kasi mahilo kayo pag isa lang. Or gusto niyo one space lang, saan ba kayo kumportable?

The Cowardly Princess (Hiatus)Where stories live. Discover now