Chapter 6 - O

2K 82 8
                                    

Chapter 6

Grabe hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala na bakla si Ford Santos, kaya pala irap siya ng irap sa akin kanina. Sa itsura niya talaga hindi mo aakalain na may pusong babae siya. Omy ang gwapo niya tapos mukang laging nag gy-gym dahil sa ganda ng katawan. Tapos tapos, hayss. Hindi ako maka get over.

"Baliwag ka ba bakla, kahit i-everloo mo pa aketch na isaytsung. Gourgina Wilson na talagey ang aking feslak" nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyan, teka ano daw?

"Hindi kita naintindihan" napasinghap naman siya at maarteng nagpunas ng pawis kahit wala naman. "Ayt gravity talagey, embey na aketch" he, err she said and to ninth time inirapan ako.

Embey? Kahit na hindi ko maintindihan ang sinsabi niya, natutuwa ako sa kanya. Nakatatawa kasi ang boses niya, ang tinis tapos ang katawan ang laki. This is really crazy, Big time.

"Pwede ba tayong maging friends?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Napairap nalang siya sa sinabi ko at nilagay ang isang daliri sa kanyang baba na parang nag iisip. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa at bumalik sa aking hinaharap kaya mabilis kong kinuha ang aking bag upang takpan ito,

napakuno't noo naman siya sabay sabi ng "Totoo ba yang joga boobey mo o silikonada ka din?" tiningnan niya pa ako gamit ang mapanuring mata habang hinihintay ang sagot ko, kung keylan na iintindihan ko na siya nasakto pa sa boobs ko, "O-oo naman, sige w-wag na" pinutol niya ang sasabihin ko sana na kahit wag na kami maging friends. I forgot he's still a boy. A pervert one.

"Hayss, dahil maganda ang Hairora Boulevard mo, magpapakilala aketch." Sabi niya na nag pa "Huh?" sa akin. Sabay na kaming tumayo at kinuha ko na din ang bag kong kaybigat dahil tapos na ang pangalawang klase ko at break time na saktong nasa tapat kami ng pintuan ng magpapakilala siya una ay gamit ang panlalaking boses "Juan Ford Ilfonso Santos" ang gwapo ng boses

Kaya lang hindi na pala, tuminis ulit ang boses niya ng sabihin ang "as in Juany Fordy Ilfonsy!"

"Ah-eh Santosy?....arayy" binatukan niya kasi ako, "Shonga, Santos leng. Yun na nga leng ang.. hais kaimbyerna ka ti" grabe sadistang bakla, ang sakit nun ah

"Oi bakla bakit mo binatukan si Ria!" narinig kong sigaw ni Key na papalapit na sa amin "Oonga, Ria ayos ka lang?" narinig kong tanong ng katabi niya na kung hindi ako magkakamali ay si Locky dahil sa kanyang pulang buhok. Sinineyasan ko silang ayos lang ako at sandali lang dahil kausap ko pa si ehem 'Fordy'

Paglingon ko naman kay ehem fordy nakita kong nakatingin siya kay Locky at Key na parabang nag lalaway habang nag papantasya, "Makalaglag werlog ang kahottan..omy ang b.y. telege nila fafa key at fafa locky... omy" siniko ko siya kaya naman isang irap ang natanggap ko.

Tatawa pa sana ako ng muntik ng masubsub sa pader si ehem Fordy dahil may tumulak sa kanyang likuran na babae kaya lang ay sinamaan ako nito ng tingin.

"Kaya pala kahit nakita mo na akong nakabikini ayaw mo pa din sa akin yun pala, bakla ka Ford!" sabi ng mangiyak ngiyak na babae kasama ang kanyang mga alipores sa likod na walang pakielam sa kanya dahil naka tuon ang mga pansin kanila Locky at Key na akala mo'y model habang naghihintay sa akin

"Echos it's Fordy mga eksenadorang nagmamaasim!" sabi niya sabay irap sa kanila ng dalawang beses, bilib na ako sa kanya hindi kaya masira ang eyeballs niya "Mga insekyora sa Gourgina Wilson kong feslak, layas!" maarteng sambit niya sa mga babae pagkatapos ay bumaling sa akin "Chanel! lalafang na aki, kasbum nalang, oryt" huling sinabi niya at umalis na parang bula.

The Cowardly Princess (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon